Pokwang on kissing scene with Zanjoe Marudo in Illegal Wife: "Ako, kalma lang!”

" data-url="https://www.pep.ph/news/43546/pokwang-on-kissing-scene-with-zanjoe-marudo-in-illegal-wife-ako-kalma-lang" data-desc="Pokwang to celebrate 10th anniversary in showbiz this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5161199e9.jpg">

Pokwang on friendship with Kris Aquino: "Kasi ’pag kailangan niya ako, although hindi kami laging magkasama, alam mo yung isang tawag lang o text niya, go! Kung free ako, why not?"

Dalawa ang pelikulang nakalatag para kay Pokwang sa taong ito.

Ang isa ay ang romantic comedy na Illegal Wife na pinagbibidahan nila ni Zanjoe Marudo. Malapat na itong matapos.

Ang ikalawa naman ay isang ring comedy film na gagawin sa Amerika at ipu-produce ng TFC (The Filipino Channel), na siya ring producer ng launching movie niyang A Mother’s Story (2011).

Naka-schedule daw pumunta sa Smerika si Pokwang para sa shooting ng pelikula sa August.

Seventy-five percent na raw ang natatapos nila sa buong pelikula at maaari itong ipalabas sa mga sinehan sa July.

KISSING SCENES. Sinabi ng komedyana sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi pa nakukunan ang kissing scenes nila ni Zanjoe sa Illegal Wife.

“Gusto kasi ni Direk [Tony Reyes] paghandaan nang bonggang-bongga yung eksena namin at maganda, ’di lalabas yung eksena na parang balahura.

“Yung ano lang... kasi mas maraming eksena rito na nakakatawa talaga, e... na akala mo yun na, pero biglang, ’Ay, sira-ulo ’tong dalawang ’to!’”

Gaano siya ka-excited sa kissing scene nila?

“Siguro si Zanjoe makakasagot niyan. Kasi ako, kalma lang!” sabay tawa ni Pokwang sa sariling biro niya.

Patuloy niya, “Kasi yung movie namin na Cinco, na magkasama kami, ang nangyari doon, kinain niya yung mukha ko, e.

"Hindi naman laplap yun. Dinilaan yung buong mukha ko.

“Baliw-baliwan lang ’tong istorya na ’to. Nakakatawa lang.

"Looking forward ka palagi sa shooting namin.”

Kuwento pa ni Pokwang tungkol sa pelikula, “Japayuki ako rito at doon kami nagkakilala ni Zanjoe.

“Pero meron siyang girlfriend talaga.

"E, since type ko siya, nagka-amnesia siya, kami ang magkasama, so nagpanggap ako na ako ang misis niya.”

10TH SHOWBIZ ANNIVERSARY. Magdiriwang na ng kanyang ika-sampung taon sa showbiz si Pokwang sa taong ito.

Mula nang nag-umpisa sa showbiz ang komedyana ay hindi na siya tinantanan ng grasya. At kahit kailan ay hindi siya pinayagang magpahinga ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang ginawa niya at ganito siyang ka-blessed sa trabaho?

Pag-aanalisa niya, “Ang sikreto diyan, enjoy lang. Magsaya lang. Happiness is the key to success.

“Lagi ka lang pasalamat. Thank you ka lang nang thank you.

"Huwag makakalimot. Yun ang importante."

Malaking factor ba sa pagiging blessed niya ang walang masyadong intriga sa trabaho at gulo sa kanyang personal life?

Pagsang-ayon nito, “Oo. Saka huwag kang papaapekto sa mga bagay-bagay na alam mo namang hindi ikaw.”

Puwede rin bang ang pagiging single niya nang matagal ang isang dahilan kung bakit suwerte siya sa kanyang career?

“Depende sa lovelife na makukuha mo.

"Pero minsan, ang lovelife nagiging daan para magtagumpay ka rin. Depende nga kung paano mo iha-handle.

“Pero ako nga, masaya ako ngayon kahit wala ako niyan,” sabi niya.

Kung sakali bang magkaroon siya ng lovelife, papayag kaya ang anak niyang si Rie Mae?

Sagot ni Pokwang, “Okey sa kanya. Walang problema.”

Hindi kaya pagsimulan ng gusot sa kanilang mag-ina ang pagkakaroon ng kahati sa atensiyon at pagmamahal niya?

“Siguro kasi dalaga na, matured na rin mag-isip, kaya okey lang.”

Sa darating na July magtatapos ang kontrata ni Pokwang sa ABS-CBN.

Hindi pa niya alam kung ano ang magiging kaganapan. Pero nagpahayag na siya ng kanyang pagnanais na maging Kapamilya uli lalo’t nakapag-renew na siya ng kontrata niya sa Star Cinema noong March.

Ang pelikula niya with Zanjoe ay kasama sa bago niyang kontrata.

ON FRIENDSHIP WITH KRIS. Pagdating naman sa friendship nila ni Kris Aquino, sinabi ni Pokwang na ang pagpapatawa niya ang isa sa mga dahilan kung bakit naging malapit sa kanya ang tinaguriang Queen of All Media.

Saad niya, “Yun ang gusto niya... na pinatatawa siya.

“Alam mo naman na ’pag may konting hirit ako, tawa lang siya nang tawa.

"Nakita mo naman kung paano magtrabaho ’yan, ’di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hanay ng mga komedyante, kinukunsidera silang dalawa ni Vice Ganda bilang pinakamalapit na kaibigan ni Kris.

Paliwanag ni Pokwang tungkol dito, “Kasi ’pag kailangan niya ako, although hindi kami laging magkasama, alam mo yung isang tawag lang o text niya, go!

"Kung free ako, why not?"

Hindi kaya yung pagiging close nila ni Kris ang isang dahilan kung bakit nagkaroon ng distansiya ang pagkakaibigan nila ni Ai-Ai delas Alas?

“Wala akong alam diyan. Tara na. Umalis na tayo,” nangingiti niyang pag-iwas.

" data-url="https://www.pep.ph/news/43546/pokwang-on-kissing-scene-with-zanjoe-marudo-in-illegal-wife-ako-kalma-lang" data-desc="Pokwang to celebrate 10th anniversary in showbiz this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5161199e9.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/43546/pokwang-on-kissing-scene-with-zanjoe-marudo-in-illegal-wife-ako-kalma-lang" data-desc="Pokwang to celebrate 10th anniversary in showbiz this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5161199e9.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/43546/pokwang-on-kissing-scene-with-zanjoe-marudo-in-illegal-wife-ako-kalma-lang" data-desc="Pokwang to celebrate 10th anniversary in showbiz this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5161199e9.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/43546/pokwang-on-kissing-scene-with-zanjoe-marudo-in-illegal-wife-ako-kalma-lang" data-desc="Pokwang to celebrate 10th anniversary in showbiz this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5161199e9.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/43546/pokwang-on-kissing-scene-with-zanjoe-marudo-in-illegal-wife-ako-kalma-lang" data-desc="Pokwang to celebrate 10th anniversary in showbiz this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5161199e9.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/43546/pokwang-on-kissing-scene-with-zanjoe-marudo-in-illegal-wife-ako-kalma-lang" data-desc="Pokwang to celebrate 10th anniversary in showbiz this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5161199e9.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/43546/pokwang-on-kissing-scene-with-zanjoe-marudo-in-illegal-wife-ako-kalma-lang" data-desc="Pokwang to celebrate 10th anniversary in showbiz this year." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5161199e9.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN