Eula Caballero confirms relationship with Dan Marsh now at "courting stage"

Eula Caballero on current suitor and One of the Boys co-star Dan Marsh: “Nung maramdaman ko naman na may effort na ganyan [si Dan] parang na-feel ko naman na sincere naman siya. Then I told myself na I’m gonna give this a try.”


Opisyal nang umamin sina Eula Caballero at Dan Marsh sa courting stage na namamagitan sa kanilang dalawa ngayon.

Naganap ang pag-amin ng dalawa nitong nakaraang Lunes, May 19, sa taping ng kanilang serye sa TV5, ang One of the Boys, na pinagbibidahan din ni Joey De Leon kasama sina Empoy, BJ Forbes, Benjo, James Louie “Dimples” Salazar at ang half-Pinoy group na kinabibilangan ni Dan—ang Juan Direction.

Parehong binigyan ng TV5 ng surprise birthday greetings ang dalawa sa kanilang taping na dinaluhan din ng ilang entertainment press kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)

Tungkol sa naramdaman niyang panliligaw ni Dan, panimulang kuwento ni Eula, “Ako po kasi, sa mga guys, pagtatanong about my family, may level, e.

“Hindi lang yung, ’May kapatid ka ba?’

“Parang tinanong pa niya ako kung paano ko raw gustong maligawan.

“’Tapos he tried to make it casual na, ’Paano mo ba gustong maligawan? Gusto mo bang mag-date sa labas? Gusto mo ba na pinupuntahan yung pamilya mo?’

“I appreciate na... kasi napansin niya yung sa Cebu na... kasi particular kami sa talagang pupunta sa bahay, magpapakilala sa magulang. I appreciate that.

“Kumbaga, sa pag-i-stay niya ng ilang taon sa Cebu nalaman niya kung paano niya kami doon. Isa din yun sa mga bagay na tinignan ko sa manliligaw.”

Paano ba manligaw si Dan?

Lahad ni Eula, “Maalaga siya, talagang maalaga siya. Like yung galing kami sa Subic para sa Ad Summit, pauwi kami ng Manila, sobrang masama na ang pakiramdam ko. Magkatabi kami sa van.

“Everytime na nagigising ako tinatanong niya ako, ’Okey ka na ba? Gusto mo bang dumaan tayo somewhere? Bumili tayo ng gamot.’

“Hanggang sa makauwi, he was checking on me. ’Gusto mo ba dito sa window side?’”

NO SUITORS YET. Sa lahat ng mga na-link kay Eula, si Dan lang ba talaga ang masasabi niyang naglakas-loob at opisyal na nanligaw sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes po. Saka wala po talagang nanliligaw sa akin.

“I was asking myself also kung bakit walang nanliligaw sa akin. Siguro po maraming nagpaparamdam na nagsasabing can we hang-out.

“Pero yung talagang magpapakita ng interes sa iyo, siya [Dan] lang. Saka matiyaga siya,” dagdag pa niya.

Noong una raw ay hindi pinapansin ni Eula si Dan.

Kuwento pa niya, “Kasi ayoko sana talaga na sa trabaho may malisya. Pero may effort siya, e.

“Alam mo rin sa isang guy kapag hindi yung tipong, ’Try ko ’to. Kung ayaw, ayaw ko na rin.’

“So, na-appreciate ko yung effort niya.”

NOT A GIMMICK. Hindi kaya promo lang ito o gimik para sa show nila? Para na rin pumabor kay Daniel upang pag-usapan siya?

Mabilis niyang tanggi, “No, naman. Sila naman Juan Direction. Meron na silang identity. Honestly, solid na solid din yung fan base nila. Nakakatulong din sa akin.

“I don’t think he needs it. I can say na talaga na he has a pure heart.”

Sa palagay ni Eula, ano ang mga advantages at disadvantages na merong official romantic angle sa kanilang dalawa ni Dan sa sitcom nila?

Ayon kay Eula wala raw silang ilangan sa trabaho nila ni Dan.

Saad pa niya, “Alam naman po namin sa set na pag trabaho, trabaho talaga. Walang ligawang ganyan na harot-harot.”

Hindi ba pinapakita ni Dan ang nararamdaman niya sa set?

Diin ni Eula, “No, maalaga lang siya talaga. Pero not that showy.”

Wala pang relasyon pero “marshmallow” na ang tawag ni Eula kay Dan. Hango raw ito sa apelyido ng showbiz newbie.

Ang tawag naman ni Dan kay Eula ay “banana” o “Eula banana” na hango naman sa pangalan ni Eula.

MEETING THE PARENTS. Alam na ba ng mga magulang ni Eula na may nanliligaw na sa kanya?

Ani Eula, “Hindi pa nga, e. Kasi natanong na rin niya na parang kung ano ang gusto niya... Kung nagliligawan na ba kami o gusto ko ba na bumisita siya sa bahay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko na siya na lang ang magpaalam sa parents ko. Since perfect timing naman na umuwi ang daddy ko.”

Habang sinusulat ang storyang ito, nasa Cebu o Leyte ngayon ang TV5 Princess. Kaarawan niya noong nakaraang Biyernes at nais ng kanyang ama na sa Leyte sila magpunta para sa isang grand reunion.

Sa panayam naming ito kay Eula noong Lunes, wala pa siyang ideya kung sasama ba sa kanya si Dan sa Cebu o sa Leyte para makilala nito ang kanyang mga magulang at makapagpaalam na rin sa intensyon nitong panliligaw.

GIVING LOVE A TRY. Naisip ba ni Eula na puwede siyang magamit ni Dan para magkapangalan o makilala siya sa showbiz?

Paglinaw niya, “Hindi naman. Kasi I’ve had a lot of failures in a relationship and trying to be in a relationship.

“Parang burnt out na rin ako sa mga paasa-asa na mutual understanding na ganyan. Nung maramdaman ko naman na may effort na ganyan [si Dan] parang na-feel ko naman na sincere naman siya.

“Then I told myself na I’m gonna give this a try.”

Aminado si Eula na wala pa siyang na-experience na totoong panliligaw sa kahit na sinong lalaking naging malapit sa kanya.

“Kasi sa past naman parang wala, no one attempted. Sa tinagal-tagal ko sa industriya, wala akong ka-trabaho na nagkagusto sa akin na nagpakita ng interes sa akin na ganyan.

“So, when I saw the effort, yun nga parang sabi ko na I wanna give this a try,” saad niya.

Naniniwala ba si Eula na puwedeng mag-blossom yung panliligaw ni Dan o ilag ba siya noong una?

“At first ayoko talaga. I was closing my doors na this is again another kiyeme-kiyeme na ganyan. Alam niyo naman how the shows run, lagi namang ganun.

“Wala naman akong mapapala dito. After the show, waley. Pero during the time na consistent siya in showing his effort parang feeling ko sincere siya,” patuloy pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong story conference pa lang daw ng kanilang sitcom at nagkausap na sila ni Dan ay naramdaman agad ni Eula ang connection nila ni Dan dulot ng pagiging Cebuano nila pareho.

“We got each other’s number. We had our first taping on January 15 at nagkausap kami.

“Noong time na ’yon napapansin ko na bakit kaya siya ang pinaka-close sa akin sa kanilang lahat?

“When we started our promo sa Davao, Cebu, doon ko na napansin na may deeper intentions na siya,” sabi pa niya.

Hindi naman itinatanggi ni Eula na may kilig sa kanya yung mga efforts na ginagawa ni Dan.

TOMBOY FOR REEL, OR FOR REAL? Bagamat naumpisahan na ang kilig sa pagitan nina Eula at Dan, hindi pa rin daw malinaw sa sitcom nila kung magpapaka-babae na si Eula.

Papel ng isang mala-tomboy na anak ni Joey De Leon at driver ng pag-aari nilang taxi ang ginagampanan ni Eula sa One of the Boys.

“Sa mga tini-taping kasi namin wala pang ganong angle, e. Ang nangyayari pa lang sasali kami sa drag racing. ’Yon pa lang ang naggagawa namin na magka-team kami [ni Dan],” pakli niya.

May mga nagdududa na nga raw sa pagkababae ni Eula lalo’t effective siya sa kanyang tomboy role.

Giit niya sa sekswalidad niya, “Hindi naman po ako tomboy sa tunay na buhay. In fact, I was looking na gumawa naman ng ibang project ng hindi tweetums, yung paiyak-iyak.

“Natsa-challenge din naman ako sa role na ito and I’m thankful na nakuha ko po ito.”

REIGNING TV5 PRINCESS? Ano ang masasabi ni Eula na tila siya ang napipintang Prinsesa ng TV5? At mukhang natalbugan na niya si Ritz Azul at Sophie Albert.

“Hindi naman po. There was a time na si Ritz may sarili rin siyang show. Ako, ang ginagawa ko Tropang Unli lang. Lahat naman po nabibigyan ng time nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, umiikot lang po talaga yung projects,” pagpapakumbaba niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN