Jodi Sta. Maria on slow pace of Be Careful with My Heart: “Maraming naiinip kasi nga parang nagka-paa na nga raw si Dyesebel, si Maya hindi pa nanganganak.”

Jodi Sta. Maria explains why her character Maya seems to have been "frozen"’ in her pregnant state: “We wanted to show yung journey niya as a pregnant woman, yung paglilihi niya, yung pagiging emotional niya. Alam mo yung pinagdadaanan ng mga buntis bago manganak.”


Mas inisip daw ni Jodi Sta. Maria na gustong-gusto na ng mga nanonood na manganak na ang karakter na si Maya sa seryeng Be Careful With My Heart, kaysa sa pagkabagot ng mga ito sa mabagal na takbo ng istorya.

Matatandaang naging viral sa social media, partikular na sa Facebook, ang mga komento ng ilang netizens tungkol sa matagal na proseso ng pagbubuntis ni Maya, ang karakter na ginagampanan ni Jodi sa serye ng ABS-CBN.

DRAGGING? Sa mga posts na lumabas sa FB, nanawagan din ang ilang netizens na paanakin na raw si Maya para bumilis na ang daloy ng kuwento.

Paliwanag naman ni Jodi tungkol dito, “Actually, mas maraming naiinip kasi nga parang nagka-paa na nga raw si Dyesebel, si Maya hindi pa nanganganak.

Ang Dyesebel ay isang teleserye sa ABS-CBN tungkol sa isang serena.

“Siguro lang, they’re just excited lang din talaga sa paglabas ng twins. Siguro dahil naging fast-paced yung story, gusto rin talaga nilang ura-urada na manganak na si Maya.

“But then we wanted to show yung journey niya as a pregnant woman, yung paglilihi niya, yung pagiging emotional niya. Alam mo yung pinagdadaanan ng mga buntis bago manganak.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jodi sa nakaraang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards na ginanap noong May 18 sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.

Magdadalawang taon na ang seryeng Be Careful with My Heart ngayong July at tila tatagal pa ito sa ere.

Gaano kahaba pa ba ang itatakbo ng seryeng ito?

“Sa totoo lang ang alam namin until December. Pero of course it will still be management decision kung hanggang kailan nila gustong tumagal yung show,” paglinaw ni Jodi.

MOVIE VERSION. Noong nakaraang taon, nag-back out sa karera ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang paglahok ng movie version ng serye. Matutuloy kaya ang pagsali nito ngayong taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa totoo lang wala akong naririnig, e.

“Sana nga last year yung movie version ng Be Careful... for MMFF but unfortunately hindi talaga kakayanin kasi yung schedule parang naging challenge din for everybody.

“We didn’t want naman na mag-shoot kami and then half-baked na lalabas yung pelikula. It would be very unfair to the audience kung gano’n rin lang.”

WHAT’S NEXT? Kapag nagwakas na ang serye na ito at matuloy ang pamamaalam niya sa ere ngayong katapusan ng taon, may mga plano na ba si Jodi kung ano ang susunod niyang gagawin?

“Siguro after this, magpapahinga muna para makapag-prepare sa next na project na gagawin,” pakli niya.

Wala pa raw nakikitang malinaw na project si Jodi kahit ang paggawa ng pelikula.

“Puwede ring series... pero it all depends, e. Kung ano yung mapag-uusapan,” dagdag pa niya.

HECTIC SCHEDULE. Dala ng kanyang kaabalahan sa taping ng series niya at sa paggawa ng mga commercials, inamin naman ni Jodie ma may mga pagkakataong nasasakripisyo ang kanyang personal life.

Pahayag niya, “Siguro dahil busy, medyo naapektuhan but thankful that I have a very supportive family. Hindi rin naman nagiging problema. They understand naman.”

Sa gitna ng kanyang mga pinagkakaabalahan sa showbiz, naisisingit pa ba ni Jodi ang panahon para sa kanyang anak?

Sagot naman ni Jodi, “Hindi lang naman kung kailan lang may panahon.

“You have to make time, I really make time for my son. Kung kailangan kong magpa-block off ng dates ginagawa ko ’yon.

“Hindi pupuwedeng kung kailan lang may available time. Kawawa naman yung anak ko na latak na lang yung time na napupunta sa kanya. That’s so unfair for my son.”

TIME FOR LOVE? Pagdating naman sa ibang personal na bagay gaya ng lovelife, nagkakaroon pa ba ng oras si Jodi? Balitang magkasintahan ngayon sina Jodi at Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti si Jodie na nagpapahiwatig sa posibleng mapag-usapan ang tungkol sa kanila ni Jolo, “Oo naman.”

Sino ba ang naga-adjust ng oras para sa inyong dalawa?

“I think it’s an adjustment din for both parties. Parang hindi naman puwedeng ako lang yung mag-a-adjust at siya lang yung mag-a-adjust,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN