Ynna Asistio on former boyfriend Mark Herras having a love child: “’Yon ang nagsilbing wake-up call sa akin na talagang wala na.”

Ynna Asistio on the futility of reconciling with Mark Herras: “Alangan namang sirain ko ang buhay ko. Nag-decide na ako na ’yon na ang pinaka-point na para mag-move on na ako.”


Patuloy na naghihintay si Ynna Asistio na mabigyan ng regular series sa ABS-CBN ngayong nagsimula na siyang lumabas bilang guest sa ilang mga drama serye ng istasyon.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dating GMA-7 talent sa nakaraang Box Office Entertainment Awards na ginanap sa Solaire Grand Ballroom noong May 18, kalmado siyang nagpahayag ng kanyang positibong pananaw sa inaasahang nga oportunidad na ibibigay sa kanya ng Kapamilya network.

Pahayag ni Ynna, "Alam ko namang part yung paghihintay at ayaw ko namang madaliin yung pagkakaroon ko ng regular [show] kasi alam kong may plano naman sila sa akin.

“Alam kong sinisiguro nila kung ano yung babagay sa akin.

“Okey lang po ’yon for as long as alam kong inaalagaan nila ako. Ayokong magmadali.”

THE WAITING GAME. Noong nasa GMA pa si Ynna ay siya na ang isa sa mga tumutustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya mula sa kinikita niya sa mga shows o seryeng nilalabasan.

Ngayong hindi naman madalas ang paglabas niya sa mga shows ng ABS-CBN, paano na ang kanyang pang-araw-araw na gastusin at tulong-pinansyal sa kanyang pamilya?

Sagot naman ni Ynna, “Nandiyan naman si Mommy,” na ang tinutukoy nito ay ang dating movie actress at Regal baby na si Nadia Montenegro.

“Nagwu-work naman si Mommy. And sitting pretty lang kami sa bahay.

“Pero nami-miss ko na ring mag-trabaho hindi lang naman for the money kasi ’yon ang passion ko. ’Yon ang gusto kong gawin,” pag-amin niya.

Hindi ba siya napu-frustrate na medyo matagal-tagal na rin siyang nasa ABS pero wala pa ring regular show?

“Well, dumarating sa point na napu-frustrate rin pero wala e, kailangan nating intindihan. Minsan kailangang nagti-train ka muna. So ngayon, puro training ang ginagawa ko.

“Masaya naman po ako kasi alam kong hindi naman ako pinababayaan,” patuloy pa niya.

Hindi ba niya nami-miss ang buhay niya sa Kapuso network kunsaan lagi siyang merong project?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Nami-miss ko siyempre. Pero ganun talaga, choice ko pong lumipat. As I said, seven years naman ako sa GMA at gaya nga ng sinabi ko, ayaw ko namang madaliin ang career ko sa ABS.”

RARING TO DO INDIE FILMS. Ang pinagkakaabalahan ngayon ni Ynna ay ang paglabas sa mga indie films.

Buti at pinababayaan siya ng network niya na lumabas siya sa mga indie films gayong hindi pa naman siya ganap na lumalabas as regular cast sa kahit na anong drama soap nila.

Saad niya, “Alam naman po nila na nag-o-audition ako and lahat naman ng nakukuha kong project nag-o-audition ako at kahit sa ABS-CBN po.

“Kahit papaano, proud ako kasi lahat nang ginagawa ko sinimulan ko para lang makakuha ng role.

“Talagang effort akong mag-train ngayon sa pag-arte para maging okey ako in case na bibigyan nila ako ng mainstay project.”

ON MARK HERRAS. Pagdating naman sa kanila ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras, sinabi ni Ynna na noong August 2013 silang opisyal na naghiwalay ng nasabing Kapuso actor. Pero hanggang nitong nakaraang February ay nagkakasama pa rin daw sila.

Natanggap na raw nang todo ni Ynna na hindi na sila puwedeng magkabalikan pa ni Mark nang lumabas ang tungkol sa pagkakaroon nito ng anak at inamin naman ito ng hunk actor.

Lahad niya, “Doon ko na-realize na I think kailangan na talagang mag-move on. Noong nalaman ko February 14 pa, Valentine’s Day.”

Patuloy na iginigiit ni Ynna na wala siyang alam sa pagkakaroon ng baby ni Mark taliwas sa naglalabasang tanggap niya ang pagiging binatang ama ng dating kasintahan.

“’Yon lang ang naging parang wake up call sa akin na it’s time to move on and I think ’yon na ’yon. Siyempre pag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para mag-work yung relasyon ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ’yon nga ang nagsilbing wake-up call sa akin na talagang wala na,” pag-amin niya.

Bagamat tanggap ni Ynna ang hiwalayan nila ni Mark, inaamin niyang nami-miss pa rin niya ang kanilang samahan. Ayon sa kanya, limang taon daw niyang kasama ang aktor.

Pero nagising naman na raw siya sa katotohanan.

Sabi pa niya, “Talagang ganoon, may mga taong nakatakda talagang mawala sa buhay natin kahit mahal na mahal mo. So, dapat nating tanggapin para makapag-move on tayo.”

TURNING POINT. Inamin ni Ynna na wala na silang anumang komunikasyon ni Mark sa ngayon.

Ayon kay Ynna, “Hindi na po talaga. Nagkakausap kami even before and after the incident [pag-amin ni Mark sa kanyang anak] pero noon lang.

“Hindi ko alam kung paano nangyari basta nangumusta lang siya and then…

“Hindi naman kasi ako nagalit, e. Nagalit ako noong una kong nalaman pero wala, e.

“Alangan namang sirain ko ang buhay ko. Nag-decide na ako na yun na ang pinaka-point na para mag-move on na ako.

“Hindi ako dumaan sa pagri-rebelde na halos magpakamatay.

“Kasi alam kong grabe yung suporta ng church at ng family ko sa akin kaya wala po akong moment na gano’n.”

Hindi raw nila pinag-usapan ang layuan na ang isa’t isa. Alam naman raw ni Mark na dapat siya na ang magkusang lumayo sa kanya.

Hayagang sinasabi ni Ynna na niloko siya ni Mark na sa gitna nang kanilang relasyon ay pumatol ito sa ibang babae at nagkaanak pa.

“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kung bakit nagkagano’n? Ewan ko, siguro talagang mangyayari at mangyayari ito,”amin pa ng dalaga.

TRANSCENDING HER TRIALS. Napagisip-isip ba ni Ynna kung bakit niya pinagdadaanan ang ganitong mga masasakit na pangyayari sa buhay niya? Ang mabagal na takbo ng kanyang career at ang diumano’y panloloko sa kanya ng boyfriend niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahinahon niyang pag-amin, “Ay, ganun po talaga sa buhay, maraming trials na ipinapasubok sa iyo si God bago ka maging strong.

“And I think ’eto yung pinakamalaking trial o pagsubok sa buhay ko,” na ang tinutukoy niya ang sakit na naidulot nang pagpatol ni Mark sa ibang babae.

Dugtong pa niya, “Happy lang ako dahil nalusutan ko siya. And marami naman akong na-realize, e. Lagi ko nga pong sinasabi na never kong ni-regret yung five years na yun.

“Kung hindi naman kami natapos na masaya kasi nga maraming lessons and realizations.

“Saka sobrang naging mature akong lalo sa nangyari. At buti na lang maagang nangyari para at least marunong na ako [mag-handle ng relasyon] the next time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN