Vin Abrenica on Sophie Albert: “We’re really close.”

Vin Abrenica admits he and Sophie Albert now have a closer friendship compared to their Never Say Goodbye days: "Malinis [na samahan], kasi para sa akin, super understanding siya. Ganun din naman ako. Kailangan namin ang isa’t isa, actually. So, walang pressure. Suportahan, kung saan kami magiging masaya."


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin Abrenica sa PEP List awards night sa Solaire Hotel and Casino Grand Ballroom noong Martes ng gabi, May 20, matapos ang opening number kung saan bahagi sila ni Sophie Albert, bilang representatives ng TV5.

Masiglang nagbahagi si Vin ng mga pinakahuling impormasyon tungkol sa kanyang career status.

"Marami akong projects sa TV5. I’m very busy!" nakangiting bungad niya.

Matapos ang Never Say Goodbye (NSG) in early 2013 kung saan una silang pinakilala ni Sophie Albert bilang bahagi ng premyo nila bilang top winners ng Artista Academy in 2012, naisali sa cast ng mini-seryeng Misibis Bay si Vin, kasama si Ritz Azul. Kabilang din sa cast nito ang tinanghal na Miss World 2013 na si Megan Young.

Nuong isang taon, sinimulan din ang taping ng Beki Boxer, na pinangungunahan ni Alwyn Uytingco at nagsimula na itong ipalabas noong March 31.

"Ako ang love interest ni Alwyn [sa Beki Boxer]," banggit ni Vin.

"It airs Monday to Friday, 7p.m. on Primetime.

"Meron akong isa pang show na maipapalabas every Sunday, yung Jasmine. It’s topbilled by Jasmine Curtis-Smith. Sa June 1 ang start.

"Then, Tropa Mo ’Ko Unli, every Saturday. Kasama ko rito sina Edgar Allan [Guzman], Eula Caballero, si Sophie [Albert]... kumpleto kami doon. Okay si Edgar ngayon."

BONDING WITH ALWYN. Kumusta naman ang pagtatrabaho nila bilang isang “gay tandem” ni Alwyn Uytingco?

"Very fun! Ngayon, sobrang close na kami. Wala na kaming boundaries, e!" natutuwang sambit ng young actor.

"Dati, nanginginig kami pag naghu-holding hands kami. Medyo hindi kami sanay. Siyempre, pareho kaming lalaki.

"Pero ngayon, medyo okay na kami... kahit mag-holding hands kami, kahit mag-face to face kami."

How about kissing scenes?

Sagot niya, "So far, wala naman."

Okay ba kay Vin kung magkaroon sila ng ganung eksena ni Alwyn?

"Para sa akin... kasi marami kaming viewers na family, e. Lalo na yung mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s wholesome comedy, mga 7 p.m. ipinapalabas, so as much as possible, walang gano’n.

"Kaya I’m safe... good!" tawa ni Vin.

Maihahambing ang Beki Boxer sa natapos na hit gay drama series ng GMA-7, na mayroon ding magandang pagtangkilik, bagama’t magkaiba ang tipo ng manonood ng dalawang pang-gay na serye.

Saad niya, "Yung My Husband’s Lover, nag-cater naman talaga siya sa adult viewers."

Sakaling ganun din ang tipo ng palabas na masalihan, ayon kay Vin, "If it’s work... versatile naman ako when it comes to work, e.

"So, kung kailangan, kung makakapagpasaya ng tao, ibibigay ko [ang gusto nila]."

MISSING ATE GUY. Kung meron daw isang taong nami-miss niya ngayon, ito’y walang iba kundi ang Superstar na si Nora Aunor.

Sa una niyang pagsabak bilang TV actor, si Ate Guy (Nora’s monicker) ang naging nanay niya.

Eventually, naging nanay-nanayan talaga niya si Nora na tinatawag siyang "anak."

Pero mahigit isang taon na silang hindi nagkakatrabaho ni Ate Guy. At may ilang mga aktor na rin ang naging anak-anakan ni Nora.

Pero para kay Vin, nananatili raw na "nanay" niya si Ate Guy.

"Oo naman, nanay na nanay ko ’yon," magiliw na wika ng young actor.

"’Yon ang una kong nanay, e. Siya na, di ba?"

Nagseselos ba si Vin kapag naririnig na may mga "bago" o ibang anak si Ate Guy na paborito nito, tulad noong unang magkasama sila ni Coco Martin, o bago ang napabalitang "falling out" ng dalawa?

At bukod kay Coco, "anak" din ang naging turing ni Ate Guy kina Edgar Allan Guzman, Eula Caballero, at Nadine Samonte (co-actors ni Nora sa Sa Ngalan ng Ina in 2011); kay Sophie Albert (kasama ni Vin sa Never Say Goodbye, in 2013); kay Coco, ng Padre de Familia; at sina Chynna Ortaleza at Jeric Gonzales ng Dementia at Hustisya, na kasalukuyang tinatapos ni Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan," pag-amin ni Vin. May munting tampo o selos daw siyang nadarama.

"Sa akin naman, sino ba namang ayaw maging ina si Ate Guy, di ba?

"Para sa akin, kung lahat kami, marami niyang anak, para sa akin, espesyal na lang siya.

"Tanggap ko naman ’yon. Basta, para sa puso ko, nanay ko siya."

SPECIAL FRIENDS. Ano naman ang estado ng relasyon nila ng dalagang aktres na si Sophie Albert?

"Okay kami."

Mahigit isang taon na rin mula noong ipinakilala sila sa NSG at nakakatuwang nagpapatuloy ang magandang samahan nina Vin at Sophie.

"Oo naman. Actually, ngayon masaya kami.

"Dumating yung isa naming best friend, e, galing Canada. Kasama siya sa Artista Academy, si John Orlando.

"So, nabuo ulit kaming tatlo. Lumalabas kami lagi, every free time ko, kahit walang tulog.

"We’re really close.

"Kung tatanungin mo, kung nag-improve na yung samahan namin [since NSG days], oo, malayo na!" pagmamalaki ni Vin.

Pero wala raw pang-iintriga o paghadlang sa kanilang relasyon na kinakaharap ang dalawa.

"Malinis [na samahan], kasi para sa akin, super understanding siya. Ganun din naman ako.

"Kailangan namin ang isa’t isa, actually.

"So, walang pressure. Suportahan, kung saan kami magiging masaya," sambit ni Vin.

Patunay na sumusuporta si Vin kay Sophie, ang aktor pa ang nagbanggit sa PEP ng tungkol sa ginagawang pelikula ng dalagang aktres.

"Actually, may ginagawa siyang movie for Cinemalaya, yung #Y, kasama sina Elmo Magalona at Coleen Garcia.

"Tapos may mga guestings siya for other networks, para sa promotions ng #Y," pahayag pa ni Vin tungkol sa kaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN