Zsa Zsa Padilla addresses negative comments about relationship with architect Conrad Onglao

Is it too soon for Zsa Zsa Padilla to get involved? "Hindi mo talaga masasabi ’pag may dumating na palagay mo siya na yun," she says.


Mahigit isang buwan nang naging bukas na si Zsa Zsa Padilla tungkol sa relasyon niya sa kilalang architect na si Conrad Onglao.

At sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap ang dalawa sa national TV noong Linggo, May 25, sa ASAP XIX.

Surprise guest si Conrad sa birthday celebration ni Zsa Zsa, na nagulat naman sa pagsulpot ng kasintahan.

Sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News pagkatapos ng ASAP, sinabi ng Divine Diva na maligaya siya ngayon sa kanyang lovelife.

“Sobrang saya kasi alam mo talagang napaka-blessed ko na dumating si Architect Conrad sa buhay ko.

"Before that, ang lungkot talaga. Kitang-kita niyo naman yung lungkot ng mata ko, ’di ba?

"So, ngayon, medyo okay na.

“Nagulat nga ako na surprise guest siya kasi na-convince siya ng ASAP na um-appear kanina.”

UNDERSTANDING. Sa interviews kay Eric Quizon ay nabanggit nitong wala siyang tutol kung may bago mang boyfriend si Zsa Zsa. Masaya nga raw siya na may bagong nagpapasaya rito ngayon.

Si Eric ay isa sa mga anak ng yumaong longtime partner ni Zsa Zsa na si Dolphy.

Lubos naman ang saya at pasasalamat ng Divine Diva kay Eric at sa mga anak ng Comedy King.

Sabi niya, “Siyempre lahat kami nagsama-sama naman sa pagmamahal kay Dolphy.

"Lahat naman kami gustong maka-move forward sa buhay.

"I’m blessed din na yung mga anak ko sa Quizon side ay naiintindihan nila talaga. Napaka-understanding nila."

Banggit pa ni Zsa Zsa, “Na-meet na niya [Eric] si Architect.”



FAMILY. Sa ilang pagkakataon ay nauwi na dapat sa kasalan ang relasyon nina Zsa Zsa at Dolphy, pero dahil sa maraming hadlang ay hindi ito natuloy hanggang sa pumanaw na nga ang Comedy King.

Marami tuloy ang nagtatanong kung may kasalan kayang magaganap sa relasyon nina Zsa Zsa at Condrad.

Sagot ng singer-actress, “Hindi natin masasabi pa ‘yan, pero tingnan natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masyadong maaga pa, monthsary pa lang kami."

Kuwento pa ni Zsa Zsa, wala raw problema ang boyfriend niya sa kanyang mga anak na sina Karylle, Zia, at Nicole.

“Oo naman, ang gusto ko talaga sa kanya, he has become family.

"And he makes it a point talaga na mahalin din ang mga anak ko.

"I’m really praying hard for a man to love my children the way I love them."

TOO SOON? Sa kabila ng marami ang natutuwa sa bago niyang pag-ibig, may ilan naman na negatibo ang pagtanggap dito.

May ilang nagsasabi na ang bilis naman daw pinalitan ng Divine Diva sa puso nito si Dolphy.

Halos dalawang taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang Comedy King.

Sabi ni Zsa Zsa tungkol dito, “Ang iba lang naman nilang sinasabi, parang ang bilis-bilis.

"’Di ba, sabi nga nila, isang taon ang pagbababang-luksa? So, ayun.

"Hindi mo naman masasabi kasi may kaibigan ako na nawalan ng boyfriend.

"Sabi niya, ’Na-meet ko ang naging asawa ko wala pang isang taon.’

"Hindi mo talaga masasabi ’pag may dumating na palagay mo siya na yun."

Isa pa sa isyung lumabas ay ex daw ng kaibigang si Pops Fernandez si Condrad, bagay na agad namang nilinaw ni Zsa Zsa.

“I think they dated, so hindi ex."

Masaya rin daw si Zsa Zsa na hanggang ngayon ay parte pa rin siya ng ASAP.

“Very happy na nandito pa rin kami sa ASAP kahit 50 years old na ako.

"My God! I’m a golden girl."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN