Gabby Eigenmann cites lack of maturity as probable cause of Carla Abellana-Geoff Eigenmann breakup

Gabby Eigenmann on Carla Abellana-Geoff Eigenmann breakup: "Sabi ko nga, may mga trials na minsan madaling hakbangan, madaling iwasan, madaling ilagan. Pero ‘eto, malalaki yung mga boulders na hindi nila natibag. So, I guess, maybe in time, kasi they’ve known each other almost four years, hindi naman ako magugulat kung sila pa rin in the end. Siguro they probably need to be more mature apart."


Bagamat masaya, nakulangan daw si Gabby Eigenmann sa bakasyon nila sa Japan nang hindi makasama rito ang half-sister niyang si Andi Eigenmann at ang aktres na si Carla Abellana.

Si Carla ang ex-boyfriend ng pinsan ni Gabby na si Geoff Eigenmann.

Last year pa nakaplano ang Japan trip na ito noong magkasintahan pa lang sina Carla at Geoff.

Pero dahil sa breakup nila at sa promo ng pelikula ng Kapuso actress na So It’s You, hindi nakasama si Carla.

Saad ni Gabby, “Naging busy kasi si Carla sa pagpu-promote. She has to cancel her trip with us.

“And due to her personal issues with Geoff, kasama na rin yun doon…

“But then, with Andi naman, hindi siya pinayagan ng Dyesebel to stay longer.


“So, kami-kami na lang ni Geoff and my family. Masaya-masaya rin naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa The PEP List Awards Night noong March 20, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino.



PROS & CONS. Inamin ni Gabby na may advantage at disadvantage ang pagkakansela ni Carla ng pagsama nito sa kanila sa Japan.

Paliwanag niya, “Parehong maganda at hindi, kasi it would have been something.

"Kasi Carla is dearly to us. It came to a point na… I can consider her not just a cousin-in-law ang dating, e, also a sister to me.

“We’ve experienced so many things together. We’ve been travelling also na magkakasama kami.

“Siguro for Geoff, it could have been something different ‘pag kasama niya [si Carla].

“Pero since wala, it’s another story. Medyo hindi rin naman siya [Geoff] nalungkot.

“Sabi ko nga, the only thing that made him happy during the trip, him being with his nephews and niece. Natutuwa siya.

“Sila ang nagpapasaya, yung mga bata sa paligid, kaya nakakatuwa naman.”

Consistent si Gabby sa pagsasabing nalungkot siya sa hiwalayan nina Carla at Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Honest naman ako, e.

“Hindi naman ako showbiz na tao na itatago ko yung nararamdaman ko. Yes.

“I can speak for the whole family na we are saddened.

“But, sa akin, yes, I felt sad.

"Kasi akala ko it would flourish to a brighter future na sila ang magkakasama talaga, e.

“Sabi ko nga, may mga trials na minsan madaling hakbangan, madaling iwasan, madaling ilagan.

“Pero ‘eto, malalaki yung mga boulders na hindi nila natibag.

“So, I guess, maybe in time, kasi they’ve known each other almost four years, hindi naman ako magugulat kung sila pa rin in the end.

“Siguro they probably need to be more mature apart.”



ASKED FOR HIS ADVICE. Humingi ba ng payo sina Carla at Geoff sa kanya bago sila nag-break?

Sagot ni Gabby, “Si Geoff is a silent type. Isa sa miyembro ng pamilya namin na hindi talaga palakuwento.

“And the only time I get updated with their relationship was through Carla.

“She did ask for an advice, pero sabi ko, hindi naman niya kailangan humingi, e. I will give.

“Kasi ganun namin siya ka-close.

“Sabi ko nga, if you think the sacrifice na ibinigay niya sa relationship is equal to the sacrifice Geoff has given also. You’ll have to look into it.

“Kasi sabi niya, she sacrificed a lot also.

“I think pareho. They’ve been fair naman to each other.

“Ang sabi ko lang naman sa kanya, ‘Kung hindi na kaya and you feel you’re not happy anymore, I guess you have to move on with your life.

“’Pero at the end of the day, kung kaligayahan din lang naman ang kailangang makamit, hindi naman minamadali yun.

“Sometimes it takes ten to fifteen years to reach the fulfillment in life, wether ikaw lang mag-isa o dalawa kayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga sinasabi ko, kung sila pa rin dalawa, it won’t be a surprise.”



THE AFTERMATH. Naapektuhan ba ang friendship nila ni Carla ng breakup ng aktres at ni Geoff?

Pahayag ni Gabby, “Hindi naman, pero hindi na kami nagti-text masyado.

“Probably busy siya and, ako naman, I’m gonna do a project with GMA.

“Sabi ko nga, maganda na yung ganyan na busy sa trabaho.

“Kasi yun naman ang unang magiging… to cover up everything that had happened is to keep ourselves busy.

“Kailangan punung-puno tayo ng trabaho.”

Nahirapan ba si Gabby sa naging problema ng dalawa dahil napapagitnaan siya—bilang kaibigan niya si Carla at pinsan naman niya si Geoff?

Tugon niya, “Sabi ko nga, I don’t wanna be biased.

“Geoff is my cousin. Pero porke pinsan ko si Geoff, papanig na ako kay Geoff?

“I would stay in the middle.

“Wala namang may mali sa kanila. Ni isa sa kanila, wala namang mali, e.

“It’s just that these two people who had this relationship… na sila lang ang nakakaalam kung ano talaga ang problema.”’



CAUSE OF BREAKUP. Isa raw diumano sa naging problema sa relasyon nina Carla at Geoff ay ang kawalan ng mas matibay na focus ng aktor sa future niya.

Wala rin daw malinaw na plano si Geoff sa kanilang relasyon ni Carla.

Tinanong namin si Gabby kung may alam siya sa ganitong isyu sa dalawa.

Saad niya, “Okay, I cannot speak in behalf of Geoff pagdating sa ganyan.

“Pero sa akin, the way I saw the relationship, it grew, e.

“Kumbaga, Geoff was not as mature as he was when they were together.

“Kasi si Geoff, happy-go-lucky guy ‘yan, e.

“He may be the quiet type, pero parang anything goes, adventurous ‘yan, e.

“Nung nakilala niya si Carla, he found his own identity, yung parang who would understand him, take him as he is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung nagkaroom man sila ng problema, I think nakulangan pa ng kaunting maturity.

“Not just Geoff’s part. Both parties naman, e. Pareho sila.”



ANDI-JAKE. Sa kabilang banda, ang kanya namang nakababatang kapatid sa ama na si Andi Eigenmann ay may roller-coaster relationship kay Jake Ejercito.

Ano ang masasabi ni Gabby tungkol sa relasyon ng dalawa?

Nakangiting pahayag niya, “I heard the last time, nabalitaan ko, my sister is single again.

“Yun ang huling dinig ko, she’s single.

“And may mga natsitsismis na umaali-aligid at sinasabing she’s going out with someone.

“As long as she’s happy on what she’s doing, and always taking good care of her daughter, okay naman kami doon.

“Actually, I don’t wanna meddle with her personal life.”

Hindi ba sila napapagod sa lovelife ni Andi?

Sabi ni Gabby, “Oo naman, e. ‘Pag madali lahat ng mga trials sa buhay, you won’t enjoy it. Lahat dinadaanan ang paghihirap.

“So, kung anuman ang tatahakin ng relasyon nila ni Jake… kung saan sila masaya.”

Nakilala na raw nang personal ni Gabby si Jake, at wala naman itong napansing hindi maganda sa binata.

“Okey naman siya. I have no ill words for him.

“He’s a nice guy. Mabait naman siya.

“Sabi ko nga, kung relasyon lang naman nila ang pag-uusapan, nasa kanila na yun.

“Ako, I just see what’s there.”

Kinausap niya ba nang lalaki sa lalaki o nang masinsinan si Jake?

Sagot ni Gabby, “Hindi, I don’t do that. Kasi may sariling pag-iisip si Andi, e.

“For me to be included or to be part of her relationship with Jake…

“She comes to me for an advice, pero so far, hindi naman siya palahingi ng advice.

“Basta kung saan siya masaya, doon siya.

“Basta ang pinakaimportante, hindi niya kalimutan alagaan yung anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang naman yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN