Tom Rodriguez on falling for Carla Abellana: “Hindi ko maku-control... ayaw ko lang pilitin ang kahit na ano.”

Sa tinatamasa niyang tagumpay ngayon, aminado si Tom Rodriguez na mahihirapan siyang pagtuunan ng pansin ang lovelife. Paliwanag ng Kapuso actor, “Siguro kailangang ibigay mo muna yung one percent na atensiyon ko dito para, at least, may mapuntahan ako sa career na ito.”


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Tom Rodriguez sa The PEP List Awards noong May 20, Martes, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino, sinabi nitong masaya siya sa pagtanggap ng mga manonood sa pelikula nila ni Carla Abellana na So It’s You.

Saad ng Breakout Star of the Year winner, “Nanghihinayang kami nina Direk [Jun Lana] na marami pang eksena ang na-cut or na-revised dahil sa haba ng film.

“Pero ang saya pa rin nung napanood namin sa premiere night at saka inulit-ulit ko pa yung panonood ko.”

Pumabor ba ito sa kanya na kahit paano ay naisantabi ang “loveteam” nila ni Dennis Trillo, na nabuo sa hit primetime series nilang My Husband’s Lover?

Sagot ni Tom, “Oo, at least.

“Yun naman ang gusto ko, e, just to try out yung iba-ibang fun roles, iba-ibang variety—may drama, may comedy, hopefully action, fantaserye.

“Lahat ng genre ma-try ko rin.”



TOM-DEN, TOM-CARLA. Nagpahayag rin ng kasiyahan si Tom sa napipintong paglabas ng So It’s You sa New York.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Carla, ibinalita nitong mayroong imbitasyon ang isang festival sa New York na ilabas naman ang kanilang pelikula doon.

Sabi ni Tom tungkol dito, “Hopefully, marami pang ibang cities ang magpalabasan ng movie namin.

“Kasi nung nag-tour kami ng My Husband’s Lover, maraming mga fans ang Tom-Den at ng Tom-Carl tandem din.

“So, sana mabigyan rin sila ng chance kasi marami ang nagri-request ng screening, pati yung family ko. Sana, para makapanood din sila.”

Hindi ba naguguluhan ang mga sumusubaybay kay Tom na mayroon siyang Tom-Dennis tandem at mayroon ding Tom-Carla team-up?

Sabi ng Kapuso hunk, “Iba rin naman ang flavor, e.

“Mahirap din naman sa amin ni Dennis na ma-typecast kami sa mga gay roles at yun din lang ang gagawin namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, it worked out naman.

"Kasi kami ni Dennis, may real friendship kami. We’re like brothers.

“So, when I’m with them, madali yung rapport namin. Yung pagsasama din namin, iba rin yung lumalabas sa screen.

“Kami rin ni Carla, iba rin yung friendship namin at iba rin ang rapport namin. Yun din ang nagri-reflect sa screen.

“At least, iba-ibang flavor naman. It’s nice… it keeps you on your toes din.”



REAL SCORE WITH CARLA. Hanggang ngayon ba ay magkaibigan pa lang sila ni Carla o nasa getting-to-know stage na?

Sagot ni Tom, “We’re friends, but part of being friends is getting to know each other.

“Any kind of friendship, part naman yun.

“So, I guess, yun na rin yun”

Puwede ba itong mauwi sa romantic relationship?

Sagot ng Kapuso actor, “Ayokong pangunahan ang sarili ko sa ganun.

“Right now, I’m just enjoying what’s there.

“Kung friends kami, friends kami. We’re both busy in our careers.”

Ibig sabihin, ayaw niya talagang haluan ng romantic relationship ang anumang namamagitan sa kanila ni Carla?

Sagot niya, “Ayoko muna. At least, hindi ko pipilitin.

“Hindi ko maku-control… ang Diyos ang bahala.

“Sa akin, ayaw ko lang pilitin ang kahit na ano.”

Ayaw niya bang ma-in love sa kanyang leading lady?

Paliwanag niya, “Wala namang ganung rule.

“As much as possible, like I said, you can’t control what you feel, ‘di ba?

“So, hindi pa rin natin masasabi kung ano ang mangyayari, hintayin na lang natin.”



GROWING. Wala raw dudang mas naggu-grow ang friendship nila ni Carla.

Saad ni Tom, “Ramdam ko yung pag-evolve ng friendship namin mula doon sa My Husband’s Lover na working relationship namin.

“We’re stronger, yung buong cast, nung nag-tour kami sa States na ganun din.

“Noon kami naman ni Carla, na nag-start kami ng So It’s You, it’s another chapter or layer sa friendship namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I’m enjoying it, I’m having fun. It’s the most fun I’ve had.”

Pagkatapos nilang pakiligin ang mga manonood sa kanilang teleserye at pelikula, marami ang umaasang magkatuluyan sina Tom at Carla, lalo na’t balitang pareho na silang single ngayon.

Nangingiting sabi rito ni Tom, “Hindi naman namin maaalis yun sa kanila.

“People are open to their own interpretation, to their own wishes.

“Well, let’s see. Anything is possible talaga.”

Habang ginagawa raw nila ang pelikula at sa panahong nagkaroon ng problema si Carla sa lovelife, hindi raw nakialam o nakiusyoso si Tom.

“Hindi naman kami nakikialam with each other’s personal lives.

“Siguro yung sinabi ko na lang na ang magiging role when I’m at work is to make it pleasant as possible for her.

“If she’s going something in her life, ayaw ko nang makadagdag o makisawsaw pa doon.

“I’ll just make her experience with us sa set really, really pleasant.”

Hindi ba kaya na magkaroon ng lovelife ngayong maganda ang takbo ng career niya?

Sagot ng aktor, “Ngayon, ang hirap, e, sa totoo lang. Nag-a-adjust pa ako sa lahat ng ito.

“Ina-admit ko, never kong naisip na puwede pala akong maging leading man after nung nasa kabila pa ako [ABS-CBN].

“I was satisfied with what I had. I never imagined this kind of life, this kind of fast-paced schedule ng buhay ko ngayon.

“So, although blessing siya, I have to admit na hindi pa ako sanay, nangangapa pa ako masyado.

“Siguro kailangang ibigay mo muna yung one percent na atensiyon ko dito para, at least, may mapuntahan ako sa career na ito.”



TOM’S NEXT PROJECT IN GMA. Ano na ang susunod niyang project sa GMA?

Ayon kay Tom, “Hindi pa lang ako nagsisimula ng story conference for it, pero may bago na raw pong inihanda sa akin yung GMA na ipagkakatiwala raw sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa lang ako sure kung kailan ito mag-i-start… either June or July. Kaya mahirap magsabi, baka hindi naman yun yung date.”

Muli raw silang magtatambal ni Carla sa teleserye, ngunit hindi kasama rito si Dennis.

Balitang kasama rin daw sa project si Rhian Ramos, pero wala pang maibigay na kumpirmasyon dito si Tom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN