JC de Vera answers hard-hitting issues thrown at him

"Nasa industry tayo na kailangan mong magtrabaho para kumita. Hindi ako magiging ipokrito sa tao na sasabihin ko na hindi ko kailangan ng pera. Nagwu-work ako for my family, for money, at para sa future ng buong pamilya ko. E, anything regarding sa matter na yun, ipaglalaban ko talaga na kailangan ko ng work," says JC de Vera.


Ipinagtanggol ng Kapamilya actor na si JC deVera ang sarili tungkol sa mga isyung kinasasangkutan niya ngayon.

Una ay tungkol sa “favoritism issue.”

Nagtatampo raw kasi ang ibang Kapamilya actors na matagal nang naghihintay ng projects, samantalang si JC ay dalawa-dalawa ang proyekto ngayon sa ABS-CBN—ang primetime series na The Legal Wife at ang afternoon soap na Moon of Desire.

Paliwanag ni JC dito, “Mabait sa akin si Lord.

“Well, hopefully ay wala akong natatapakan at wala naman talaga akong masamang intensiyon sa iba.

“Gusto ko lang magtrabaho at gawin ang dapat kong gawin.

“Yun lang sa akin, mabait sa akin si Lord at binigyan Niya ako ng ganitong kagandang opportunity.

“Kung sa tingin ng iba ay favorite ako, puwede kong linawin yun.”

Patuloy ng Kapamilya actor, “Yung truth dun, dapat yung Legal Wife, June-July [2013] pa siya dapat nag-start.

“At yung Moon of Desire ay after Christmas pa dapat sisimulan.

“So, magkalayung-magkalayo.

“Dapat kasi, yung time na matatapos ako sa Legal Wife, saka naman ako mag-i-start ng Moon of Desire.

“E, na-delay yung The Legal Wife na ipalabas kaya nag-overlap ang dalawang shows. Kaya nagkataon na dalawa ang shows ko.

“Pero ilang weeks ay patapos naman na yung The Legal Wife.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si JC sa launching niya bilang celebrity endorser ng Tomato Time, noong Linggo ng gabi, May 25, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City.



INGRATE? Pangalawang nilinaw ni JC ay ang tungkol sa diumano’y wala siyang utang na loob sa dati niyang home networks—GMA at TV5—dahil sa mga panayam sa kanya ay sobra ang pasasalamat niya sa malaking pagbabago ng kanyang career mula nang malipat siya sa ABS-CBN.

Pahayag ni JC tungkol dito, “Ginawa ko yung work ko.

"Ginawa na walang reklamo, na walang halong pagiging mayabang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ginawa ko lang ang trabaho ko na very clean at wala akong tao na inaway ko o galit sa akin, at maayos ang paglipat ko sa ABS-CBN.

“Pagdating dun sa usapan na walang utang na loob, actually, very thankful ako sa lahat dahil kundi dahil sa kanila, wala rin ako dito.”

Hindi naman daw siya nagsunog ng tulay, ‘ika nga.

“Hindi, hindi talaga.

“So, sana, huwag na muna nilang isipin na ganun akong tao dahil siyempre, hindi naman ako madalas nagpapa-interview talaga.

“Never akong nakalimot kung saan ako nanggaling, kung kanino ako nagsimula, at kung sino ang tumulong sa akin.

“Kaya lang kasi, itong industry na ginagalawan natin, wala, e… dog-eat-dog world.

“At ‘pag hindi ka sumunod sa tama, wala, e, kakainin ka ng ibang tao.

“Ako, I make it a point na maayos talaga ang koneksiyon ko sa mga tao, wala akong naging kaaway o kagalit.”

Patuloy pa ni JC, “I’m very grateful sa TV5.

“Wala akong regret na pumunta ako dun, as in napakaganda ng opportunity na ibinigay nila sa akin.

“Without those opportunities, hindi rin ako magkakaroon ng ganitong klaseng skills.

“Kumbaga, marami silang naituro sa akin na dala ko ngayon, na natutunan ko from them.”

Maging sa GMA Network, kung saan siya unang nabigyan ng malaking oportunidad, ay bitbit pa rin daw ni JC ang sobrang pasasalamat.

“Nung umalis ako sa kanila, sinigurado kong malinis talaga.

“Nakipag-usap ako sa kanila bago ako nag-transfer.

“I’m pretty sure na alam nila kung ano ang nangyari that time, at sobrang pasalamat ko din sa kanila dahil marami silang projects na ibinigay sa akin.”

Matatandaang naging masalimuot ang pag-alis ni JC sa Kapuso network noong 2009 dahil nadawit siya sa away noon ng kanyang dating manager na si Annabelle Rama at ng dating GMA executive na si Wilma Galvante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nasa TV na si JC ay lumipat din doon si Ms. Galvante.

Read: JC de Vera accuses GMA-7 executive Wilma Galvante of "verbal harassment"



JUST HERE TO WORK. Ang gusto lang daw ni JC ay magtrabaho nang magtrabaho, hindi lamang para sa sarili niya kundi para sa kanyang pamilya.

Saad niya, “Nasa industry tayo na kailangan mong magtrabaho para kumita.

“Hindi ako magiging ipokrito sa tao na sasabihin ko na hindi ko kailangan ng pera.

“Nagwu-work ako for my family, for money, at para sa future ng buong pamilya ko.

“E, anything regarding sa matter na yun, ipaglalaban ko talaga na kailangan ko ng work.

“At ‘pag sinabi mong work ay very professional ako pagdating dun.

“Alam ko kung ano ang importance niya at kung saan may work, dun ka pupunta.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN