Dennis Trillo and Tom Rodriguez take time off from lovelife

Ipinagpapasalamat nina Tom Rodriguez (kaliwa) at Dennis Trillo na nakaabot na sa Platinum ang kanilang album na Tom-Den. Sabi ni Dennis, “Sobrang saya talaga, kasi hindi biro ang buhay ngayon. Ang mahal ng CD, pero gumasta sila para sa amin. Bumili sila ng original, kaya umabot ng Platinum. Kailangang makabenta ng fifteen thousand copies baka maka-Platinum, biruin mo ‘yon? Wow!”


Umabot na ng Platinum ang first album nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo, ang Tom-Den. Iginawad ito sa kanila sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, May 25.

“Sobrang saya!” bulalas ni Dennis nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa lobby ng new building ng GMA Network.

Patuloy niya, “Nung nag-Gold, okey na sa amin ‘yon, e. ‘Tapos ginulat na lang kami ulit na naka-Platinum na pala.

“Sobrang saya talaga, kasi hindi biro ang buhay ngayon.

“Ang mahal ng CD, pero gumasta sila para sa amin. Bumili sila ng original, kaya umabot ng Platinum.

“Kailangang makabenta ng fifteen thousand copies baka maka-Platinum, biruin mo ‘yon? Wow!”

Sabi naman ni Tom, “Nakakataba ng puso. Sobra!

“Dahil sa suporta nila [Tom-Den fans] ito kaya nagpapasalamat kami sa kanila.”

Dahil sa tagumpay ng kanilang unang album, magkakaroon ba ng kasunod?

Sagot ni Dennis, “Tingnan natin. Hindi malabong mangyari. Sana… sana.”



WHAT’S NEXT? Sina Dennis at Tom ang nanalong PEPsters’ Choice Celebrity Pair of the Year sa katatapos na The PEP List Awards.

Labis daw nilang ikinatutuwa na kahit matagal nang natapos ang teleseryeng my Husband’s Lover, kung saan nabuo ang Tom-Den tandem, ay patuloy pa rin ang suporta sa kanila ng fans.

Wala pa bang bagong project o soap silang gagawin together?

Sabi ni Tom, “Posible naman ‘yon, lalo na at iisang manager lang kami ni Dennis. Kaya hindi malayong mangyari iyon.”

Sina Dennis at Tom ay parehong mina-manage ni Popoy Caritativo.

Naka-get over na ba sila sa romantic angle na nabuo dahil sa mga ginampanan nilang characters sa My Husbands Lover, na talagang “Beh” pa ang naging tawagan nila at naging tawag din sa kanila ng marami?

“Brother na ngayon! Brod na muna!” sabay tawa ni Tom.

Pero sakaling may kasunod na silang gagawing project, ano kaya ang mas preferred nilang role?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Dennis, “Ako, gusto ko action, e.

“Gusto namin ni Tom pareho, action naman. Para iba naman.”

Ayaw na nila sa istoryang may romantic involvement ang characters nila, gaya sa My Husband’s Lover?

Sabi ni Dennis, “A… tingnan natin. Hindi naman imposibleng mangyari ‘yon dahil alam namin na marami ring nag-aabang nun.

“Pero sa ngayon, meron kaming kanya-kanyang mga projects muna.

“Siguro pagkatapos nun… baka!”

Dagdag na pahayag naman ni Tom, “Hindi naman natin masasabi kung ano ang mga mangyayari.

“Kaya abangan natin.”

Ano ba ang mga bagong individual projects nila?

Sabi ni Dennis, “Ako, meron akong Cinemalaya Director’s Showcase 2014. Action na pelikula under Direk Mike Tuviera.

“’Tapos magsisimula na rin kami for Sa Puso Ni Dok. Sa GMA News TV naman ito, kasama ko si Bela Padilla.”

Si Tom naman ay masaya raw na showing pa rin at nasa third week na ang pelikula nila ni Carla Abellana na So It’s You.

Nagsimula na ring umere ang bagong teleserye ng GMA na Niño kung saan may special participation si Tom.

Dagdag ng Kapuso heartthrob, “Balita ko po, may nakahanda na ring bagong show ang GMA para sa akin, na ipagkakatiwala nila sa akin.

“Kaya excited na po akong maumpisahan din ‘yon.”



NO TIME FOR LOVELIFE. Pareho raw busy sa trabaho ngayon sina Tom at Dennis, kaya pareho rin umano silang wala munang time para sa lovelife.

Nakangiting sabi ni Dennis, “Dapat naman talaga, unahin muna ang trabaho.

“Madali na yung mga lovelife-lovelife na ‘yan.

“Kapag maayos na lahat, madali nang isingit ‘yan.”

Sang-ayon naman si Tom sa naging pahayag na iyon ni Dennis.

Aniya, “Pareho din ni Dennis ang pananaw ko ngayon—trabaho muna.”

Si Dennis ay nahihilig sa surfing lately. Naging tan na nga ang kanyang balat dahil dito, na bumagay naman sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Nagsawa na rin ako na masyadong maputi.

“At saka nag-e-enjoy talaga ako sa surfing, kaya gusto kong medyo may kulay nang konti.”

Si Tom naman, kaiba kay Dennis ang nakakahiligang sports.

Sabi niya, “Kung minsan, sky diving. At saka ano… boxing pa rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN