Dingdong Dantes tries his best not to give in to temptations: "Kapag nag-commit ako sa isang relationship, pangmatagalan."

Ginagampanan ni Dingdong Dantes sa Ang Dalawang Mrs. Real ang isang lalaking nagpakasal sa dalawang babae. Gumaganap dito bilang dalawang Mrs. Real sina Maricel Soriano at Lovi Poe.


Dahil tungkol sa isang lalaking may dalawang asawa ang tema ng bagong primetime series ng GMA Network na Ang Dalawang Mrs. Real, dito nasentro ang mga tanong sa leading man ng teleserye na si Dingdong Dantes.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Dingdong sa grand launch ng Ang Dalawang Mrs. Real kagabi, May 26, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Masarap ba na may “dalawang misis”?

“Ayos naman!” natatawang sakay ng Kapuso Primetime King sa tanong.

Dalawa ang leading ladies ni Dingdong sa Ang Dalawang Mrs. Real—ang mga gumaganap na asawa niyang sina Maricel Soriano at Lovi Poe.

Sino ano ang mas masarap na kaeksena—ang beterana nang aktres o mas bata sa kanya?

Pahayag ni Dingdong, “Siyempre, iba ho yung nadudulot na pakiramdam.

"Siyempre, kapag sabihin na nating mas older sa akin, mas maraming puwedeng maituro, may pressure din.

“Ganun din kapag mas bata sa akin, siyempre may pressure din.

“Kailangan talaga mag-connect. Yun naman ang pinakaimportante sa lahat.

“Siyempre po, pareho namang masarap kaeksena.”

Hindi ba siya nailang sa kissing scenes nila ng Diamond Star na si Maricel?

Ayon sa aktor, “Sobrang… may halong excitement at saka starstruck siyempre.

“Siyempre ano, e, kumbaga, palaging challenge.”

Si Lovi naman ay unang beses niyang nakatrabaho sa telebisyon. Una silang nagsama sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles (2012).

Kumusta si Lovi bilang leading lady sa isang teleserye?

Sagot ni Dingdong, “Sobrang breather siyang makatrabaho sa TV. Siyempre, iba ang movie.

"Iba ang role niya na ito, magiging asawa ko rin siya.

“Nagpapasalamat ako na we were together in Aswang Chronicles. Kahit papaano, nagkaroon kami ng rapport sa pakikitungo sa isa’t isa.”

Karamihan ng mga kasamahan nila sa teleserye ay first time pa lang makakasama ni Dingdong; gaya nina Maricel, Coney Reyes, at Celeste Legaspi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa mga ito?

“Ang sarap ng experience, sobra!’ sambit ni Dingdong.

“Siguro umpisa pa lang, wala pang two, three weeks sa script, ang laki na ng difference magmula noong una kami… noong day one.

“Kumbaga, palalim na rin nang palalim kung paano kami gumanap sa istorya.”



TWO WIVES. Paano madya-justify sa mga manonood ang tema ng kanilang teleserye, kung saan nagpakasal ang isang lalaki sa dalawang babae?

Saad ni Dingdong, “Yun ang buod ng title, pero sa loob ng istorya, makikita nila na maraming mga subplot na magbibigay justification kung paano nangyari yun.

“Hindi justification para gawing tama, pero siguro justification para maipaliwanag yung kung paano at bakit nangyari ang sitwasyong ganun.”

Magkakaroon ng mga legal na kaso?

“Maaaring dumating sa ganun,” sagot niya.

May kasabihang “men are polygamous by nature.” Ano ang reaksiyon dito ni Dingdong?

Saad niya, “Well, ayokong sabihin yun.

“Pero ang masasabi ko, lahat naman ng tao, lahat naman tayo, human beings, lahat tayo nagkakamali.

“And it’s a matter kung paano mo napapanindigan ang pagkakamali mo.

“Siguro, nagkataon sa istoryang ‘to, yung lalaki, nagkaroon ng dalawang asawa.

“Hindi rin naman imposible na maging baligtad sa totoong buhay.

“Kaya sabi ko, example lang ito sa ganoong sitwasyon, but I don’t want to generalize.”

Paano niya nagawang makatotohanan ang karakter niya ngayon bilang si Anthony Real na may dalawang misis?

“Yun na siguro yung sa dalawang role ko, wala akong na-contribute bilang Dingdong!” natatawang sagot niya.

Biro pa niya, “Hirap na hirap po akong talaga! Walang personalan, trabaho lang po.”

TEMPTATIONS. Natawa rin si Dingdong nang tanungin kung sa totoong buhay ba ay madali siyang “malandi” ng babae.

Aniya, “Kasi ako, kapag alam kong alanganin ang sitwasyon, e-exit na ako.”

Paanong alanganin?

“Paano nga ba… kapag may nagsabi na sa akin.

“Kasi ako, hindi ako yung tipong nakakahalata. Hindi ko naman alam yung ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa akin, lahat ng tao, may magandang intention… I mean, mabuting intention.

“So, para sa akin, wala naman akong binibigyang malisya sa iba.”

Posible sa kanyang magmahal ng dalawa?

“Puwede,” sagot ni Dingdong.

“Pero sa magkaibang level.

“Marami tayong… siguro marami tayong lugar for love sa atin.

“Kumbaga, hindi lang naman romantic love—love sa kaibigan, sa magulang.

“Minsan naliligaw yung love na yun, nare-redirect sa isang tao, minsan hindi mo alam kung paano mo maipapaliwanag.

“Kaya masasabi ko siguro, iba-ibang level.”

Hindi pa ba siya natutukso sa buong buhay niya?

“Hindi, kasi nakikita naman siguro na kapag nag-commit ako sa isang relationship, pangmatagalan.

“So, parang walang way na magkaroon ng ganoong sitwasyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN