Alessandra de Rossi on playing non-kontrabida roles: "Hindi pa rin ako natsa-challenge pero, at least, hindi umiinit ang ulo ko."

“Siyempre, parang gusto mo rin na yung gift na ibinigay sa ’yo ay magagamit mo rin to inspire people. Although, hindi mo naman maiiwasan kasi nga na-typecast ka. Pero pumasok siya sa isip ko kaya kailangan ko siyang gawan ng paraan,” explains Alessandra de Rossi why she personally requested GMA Network management to give her different roles aside from being a kontrabida.


Personal daw na hiniling ni Alessandra de Rossi sa GMA Network executives na bigyan siya ng ibang klase ng roles bukod sa pagiging kontrabida.

Kahit noong nag-uumpisa pa lamang ang nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi, kilala na siya sa madalas na pagganap bilang kontrabida.

Pero nang kausapin daw niya ang bigwigs ng Kapuso network, sinabi niyang kung bibigyan siya muli ng kontrabida roles, “Humingi lang ako ng back stories sa mga kontrabida.

“Kasi parang normal sa atin na kapag bida, white; kapag kontrabida, black.

“Yung wala nang kuwestiyon kung sila ang bida, sila ang mabait. Pero kung sila ang kontrabida, binuhusan na sila ng pagmamahal, masama pa rin ang ugali niya.”

Ngayong 28 years old na siya, sabi ni Alex, “Ayaw ko na ng ganun.

“Kasi as entertainer, parang malaki ang responsibility namin sa viewers.

“Ayaw ko na ganun ang nakikita nila. Gusto ko may napupulot sila, may nakukuha silang aral.

“Lagyan naman natin ng kuwento para ma-justify naman.

“Para imbes na galit, ang ma-feel nila, empathy naman, kasi mas maganda siyang emotion.”

Napagbigyan naman ang kanyang hiling dahil matapos ang pakikipag-usap niya sa network executives, binigyan siya ng role bilang best friend ni Heart Evangelista sa afternoon soap na Magkano Ba ang Pag-ibig at best friend ni Maricel Soriano sa bagong teleseryeng Ang Dalawang Mrs. Real.



DIFFERENT GENRE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Alessandra sa press conference ng Ang Dalawang Mrs. Real noong Lunes ng gabi, May 26.

Dito ay tinanong ng PEP kung nagsawa na si Alex sa pagganap bilang kontrabida.

Sagot niya, “I guess ‘yon ang nangyari, kasi 19 pa lang ako, nag-start na ako ng kontrabida na.

“Noong 28 na ako, ganun pa rin ang ginagawa ko.

“Parang dumating na ako sa point na hindi na ako nag-iisip.

“Lahat na ng linya, nasabi ko na, lahat ng atake nasabi ko na—mayaman, mahirap, maarte, bobita... Nakakapagod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang wala ka na bang puwedeng i-offer? Nagmamakaawa na nga ako ng mother roles, e, para maiba lang.

“Okay lang naman ‘yon, para something na maiba lang.

"Kahit nga leading man, tatanggapin ko, e!"

Nang sabihin ng press na mahusay naman siyang gumanap bilang kontrabida, sabi ni Alex, “Yeah, totoo rin naman kasi ‘yon.

“Kaya lang, siyempre, as an actor, gusto natin ng variety.

“Ayaw natin na kapag may nakita kang show, tinanong, ‘Sino artista mo?’ ‘Si Alessandra.’ ‘A, siya ang kontrabida.’”

Dagdag-biro pa niya, “Wala na ba akong ibang puwedeng gawin?

“Kapag tinanong ako, ‘Ano ang trabaho mo?’ ‘Kontrabida.’

“Magsa-sign ako sa embassy, occupation, kontrabida. ’Di ba, hindi, artista ako.

“Gusto kong umarte, gusto kong gawin lahat.”



MORE CHALLENGES. Tinanong ng PEP kung anong klase pa ng challenge ang hinahanap ni Alex bilang isang aktres.

Sagot niya, “Siyempre, yung role na emotional.

“Hindi naman necessarily madrama, pero kapag nabasa mo yung script, ‘Paano ko kaya gagawin ‘to?’

“Yung kinakabahan ka na, rehearsal pa lang, ‘Baka hindi ko magawa nang tama ‘to, a.’

“Kaya lang, siyempre, sa ngayon sa TV, madali lang siguro ang lahat. Nasa movies talaga ang mabibigat na role.”

Sa kabila ng kanyang hiling, hindi naman daw isinasara ni Alex ang pintuan para sa mga offer na gumanap siya bilang kontrabida.

Ang kundisyon lamang daw, “Basta ang kailangan ko lang malaman kung saan siya manggagaling.

"Ayaw ko rin tanggap lang nang tanggap kasi ako rin ang mahihirapan.

“Siyempre, parang gusto mo rin na yung gift na ibinigay sa ’yo ay magagamit mo rin to inspire people.

“Although, hindi mo naman maiiwasan kasi nga na-typecast ka.

“Pero pumasok siya sa isip ko kaya kailangan ko siyang gawan ng paraan.

“Kaya nga sinabi ko na kung hindi babaguhin, magku-quit ako o gagawa ako ng something na may saysay.”

Sa ngayon, masaya si Alex sa mga nakukuha niyang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw niya kinailangang mag-adjust para gampanan ang mga mababait na karakter na ibibigay sa kanya.

“Hindi pa rin ako natsa-challenge pero, at least, hindi umiinit ang ulo ko.

“Sobrang saya ko, ‘yon na lang,” pagtatapos ni Alessandra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN