Dingdong Dantes on reunion project with ex-girlfriend Antoinette Taus: "Siguro pag-usapan natin ‘pag nandoon na."

Dingdong Dantes on ex-girlfriend Antoinette Taus’s showbiz comeback: "As once part of being Viva family and being part of GMA, siyempre, siguro masasabi naming ‘welcome back.’ Maganda na ang isang mula rin sa Viva ay nagbabalik at, siyempre, nagbibigay-pugay sa kung saan siya talaga nagsimula."


Hindi maiwasang maitanong kay Dingdong Dantes ang tungkol sa pagbabalik sa showbiz ng kanyang ex-girlfriend na si Antoinette Taus.

Sa mga interview ni Antoinette ay sinabi nitong, kung may pagkakataon, gusto niyang makatrabaho muli si Dingdong.

Wala rin daw problema sa comebacking actress kung si Dingdong ang maging "first kiss" niya on screen.

Read: Antoinette Taus on Marian Rivera: "Sana huwag siyang magpadala sa outside forces."

Ano ang reaksiyon dito ni Dingdong?

Sagot ng Kapuso Primetime King, “Sa akin naman, siyempre, hindi naman maitatanggi na kami ang unang naging magkapareha.

“Ang masasabi ko lang diyan, as once part of being Viva family and being part of GMA, siyempre, siguro masasabi naming ‘welcome back.’

“Maganda na ang isang mula rin sa Viva ay nagbabalik at, siyempre, nagbibigay-pugay sa kung saan siya talaga nagsimula.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa presscon ng primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real kagabi, May 26, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Pero paano kung magkaroon ng offer na pagtambalin sila?

Sagot ni Dingdong, “Siguro pag-usapan natin ‘pag nandoon na.

“I’m sure naman, hindi naman mahirap mangyari yun dahil maliit lang naman talaga ang mundo ng show business.

“Pero siyempre, hangga’t wala naman, ayoko rin naman siyang pag-usapan dahil mahirap din namang mag-speculate at magkaroon ng ganoong klase ng senaryo na hindi pa naman nagagawa.”

Nauunawaan naman daw ni Dingdong kung bakit madalas maging topic ng interviews ni Antoinette ang kanilang nakaraan at maging ang kasintahan ngayon ng aktor na si Marian Rivera.

Saad niya, “Well, hindi naman maiiwasan yun, kasi kaya nga umalis, meron siyang inalisan, which is Viva and GMA.

“Siyempre, kapag nagbalik siya, nararapat lang din na ma-welcome siya nang maayos. Siguro kaya nagkaroon ng ganun dahil lang dun.

“Pero to begin with, there’s really nothing to talk about.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, we have our own things to do. I think, we have to concentrate on that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN