Jake Cuenca confirms two-month relationship with Fil-Aussie model Chanel Olive Thomas

Jake Cuenca on girlfriend Chanel Olive Thomas: "Two months... good, sobrang saya, something very different. Kasi nga, parang ang tagal ko nang ’di nagkaka-non-showbiz relationship, so parang iba. May sarili kaming mundo and I value that. Inaalagaan ko talaga ang mundong yun."


Kinumpirma ni Jake Cuenca na girlfriend na niya ang Fil-Aussie model na si Chanel Olive Thomas.

Ngunit may mga nagsasabing malaki ang pagkakahawig ni Chanel kay Jessy Mendiola, ang dating kapareha ni Jake sa ABS-CBN primetime series na Maria Mercedes at napabalitang niligawan ng aktor.

Ito ay base na rin sa in-upload ni Jake na "intimate photos" nila ni Chanel sa kanyang Instagram account.

Read: Jake Cuenca posts intimate photos with Fil-Aussie model on Instagram

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Jake sa 22nd anniversary ng Star Magic sa ASAP noong Linggo, May 25, ay tinanong namin siya tungkol sa obserbasyon ng ilan tungkol sa pagkakahawig nina Chanel at Jessy.

Saad ng Kapamilya actor, “I guess nakukuha ko yung pinu-point ng tao ’pag sinasabing kamukha ni Jessy, pero iba sila.

"She’s an Australian, hindi siya marunong mag-Tagalog. She’s very different from Jessy.

“No, kung ganun lang naman, sana pinursue [pursued] ko na si Jessy.”

Ayon pa kay Jake, sobrang kuntento at masaya siya sa itinatakbo ng relasyon nila ng bagong girlfriend.

“Yeah, she’s my girlfriend, she’s an Australian.

"Two months... good, sobrang saya, something very different.

"Kasi nga, parang ang tagal ko nang ’di nagkaka-non-showbiz relationship, so parang iba.

“May sarili kaming mundo and I value that.

"Inaalagaan ko talaga ang mundong yun.”

Nagkuwento rin si Jake tungkol sa kasintahan at kung paano sila nagkakilala.

“She’s part of like Top Model, she’s modelling, she’s a model here.

"She stays here now, pero right now she’s in Singapore.

"Common friend, sa party, dun ko siya nakilala."

Botong-boto rin daw ang pamilya niya kay Chanel.

“Yeah, sobrang close siya sa family ko.”

Hindi ba nagkakaroon ng isyu sa pagitan nila ang oras para sa isa’t isa, lalo na’t pareho silang busy sa kani-kanilang mga trabaho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Jake, “Naninibago siya, siyempre hindi madali sa kanya.

"Pero gaya nga ng sinabi ko dati, ’pag gusto, maraming paraan, ’pag ayaw, maraming dahilan.

"Ginagawan ko talaga siya ng oras. I make time for her."

TV AND MOVIE PROJECTS. Sa kabilang banda, ipinagpapasalamat ni Jake ang mataas na ratings ng kinabibilangan niyang primetime series, ang Ikaw Lamang, at ang mapanghamong role niya rito.

Saad niya, “Super okay, maraming salamat sa lahat ng nanonood. Number one tayo.

"Kontrabida talaga, I love roles like this.

"Like I’ve said, when I’m bad, I’m really bad, sobra. I don’t care for sympathy.

"Alam mo yung when I have to be bad, I’m bad.

"Kung magalit man ang tao, that’s a good thing, it only means effective.

"Nakakatuwa, kada tweets or comments sa Instagram, parang naiinis sila sa akin.

"Pero kasunod nun, ’ang galing,’ nakakataba ng puso."

Sa ngayon ay nakatuon ang atensiyon ni Jake sa Ikaw Lamang, kung kaya’t hindi muna siya tumatanggap ng pelikula.

“Sa ngayon, wala, kasi every day kaming nagte-taping.

"I supposed to do a movie with Shaina [Magdayao], pero sa ngayon, araw-araw ang taping namin.

"Gusto ko munang tutukan ang Ikaw Lamang, hindi muna ako tumatanggap ng kahit na ano for now.

"Dun na muna ako hanggang sa matapos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN