Rodjun Cruz on having more projects than brother Rayver: "Ganun naman kasi po minsan, ’di ba, minsan may show, minsan wala."

Rodjun Cruz on working with Dingdong Dantes: "Lagi kong kaeksena si Kuya Dong, madami akong natututunan sa kanya. And ang okay kasi at home ako sa kanya dahil, before the scene, nag-uusap kami and nagkakasundo naman kami."


Bago ang upcoming primetime series ng GMA Network na Ang Dalawang Mrs. Real ay napanood si Rodjun Cruz sa My Husband’s Lover at sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

Matapos ang papel niya bilang isang gay sa My Husband’s Lover, isang straight guy ang papel niya sa Akin Pa Rin Ang Bukas at dito sa Ang Dalawang Mrs. Real, na mapapanood na simula sa Lunes, June 2.

Umiiwas na ba siya sa mga gay roles?

Sagot ni Rodjun, “Hindi naman po sa inayawan ko, pero after po nun [My Husband’s Lover], wala na pong in-offer na gay role po.”

Pero kung magkakaroon ay papayag naman daw si Rodjun na gumanap muli bilang isang bading.

"Oo naman po!" bulalas niya.

"Kung maganda po yung story and yung cast po, powerful, ’tapos siyempre may mga directors po na tutulong sa akin para magampanan ko yun nang mabuti, bakit naman hindi po?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rodjun sa grand presscon ng Ang Dalawang Mrs. Real, sa Studio 7 ng GMA Network Center, noong Lunes ng gabi, May 26.

DINGDONG DANTES. Sa Ang Dalawang Mrs. Real, gumaganap si Rodjun bilang nakababatang kapatid ni Dingdong Dantes.

Bago ito, nakasama na rin ang dalawa sa isang show noon ng GMA.

Kuwento ni Rodjun, “Kasi, nag-start ako dito sa GMA, nakasama ko na siya.

"Pero matagal na yung show na yun, Pintados, lumang-luma na, matagal na. Yung parang mga action-action.

“Nakasama ko si Kuya Dong sa isang episode dun, magkapatid kami. Pero matagal na po yun.”

Pero ngayon ay sa isang heavy drama series na sila magkasama. Ano ang challenge kay Rodjun na isang award-winning actor ang madalas niyang kaeksena?

Tugon niya, “Siyempre iba rin. Siyempre dahil sa Ang Dalawang Mrs. Real, halos lahat dito award-winning ’tsaka magagaling na aktor.

"So, siyempre, mas nai-inspire din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Katulad nun, lagi kong kaeksena si Kuya Dong, madami akong natututunan sa kanya.

“And ang okay kasi at home ako sa kanya dahil, before the scene, nag-uusap kami and nagkakasundo naman kami.

"Kasi para sa akin, madali din yung role ko dito, dahil sa tunay na buhay, tatlo kaming magkakapatid and may kuya din ako.

"So, parang mas madali po para sa akin."

Ano ang tips o payo na naibigay sa kanya ni Dingdong?

Sabi ni Rodjun, “Wala pa yung sobrang ano, pero hindi naman...

"Kasi ’pag nagri-read kami ng bawat eksena, tulungan lang kami, and wala pa naman yung binibigyan niya ako ng tips.

"Pero ’pag nagri-read kami ng bawat eksena bago mag-take, ako naman, siguro okay pa naman yung ginagawa ko, kaya siguro wala namang sinasabi si Kuya Dong."

RODJUN AS A KAPUSO. Mag-iisang taon na si Rodjun sa GMA simula nang mapasama siya sa phenomenal hit na My Husband’s Lover.

Ano na ang pinakamalaking pagbabago sa buhay niya simula nang maging Kapuso siyang muli?

Tugon ng aktor, “Bilang Kapuso, sobrang thankful ako siyempre dahil binibigyan nila ako ng opportunity, ng chance na makatrabaho itong magagaling na artista.

"And talagang simula nung ginawa ko po yung My Husband’s Lover, hindi po talaga ako nabakante sa work.

“And sa Sunday All Stars, hindi lang ako nakakasayaw dito, binibigyan din nila ako ng... kasi mahilig din talaga akong kumanta.

"So, yung mga ibang tao na hindi alam na kumakanta ako, sa Sunday All Stars, nagagawa ko po yun, nakakakanta ako.

“’Tapos, pagkatapos akong bigyan ng My Husband’s Lover, magandang role sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

"’Tapos biglang binigyan ako ng primetime show na kasama siyempre sina Lovi [Poe], sina Kuya Dong, si Miss Maricel, ’tsaka yung buong powerful cast.

"So, sobrang thankful ako na binibigyan nila ako ng chance na makasama sa ganitong klase ng show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil hindi nababakante, lumalabas tuloy na mas sikat at mas may career siya ngayon kumpara sa kapatid niyang si Rayver Cruz.

Ngunit sabi ni Rodjun, “Para sa akin po, hindi po, si Rayver pa din talaga.”

May show ba si Rayver ngayon?

“E, ganun naman kasi po minsan, ’di ba, minsan may show, minsan wala, pero…

“Pero hindi po, siyempre, iba pa rin si Rayver talaga.”

TWO WIVES. Sa kuwento ng Ang Dalawang Mrs. Real, dalawa ang pakakasalan ni Dingdong—sina Maricel Soriano at Lovi Poe.

Si Rodjun ba ay may kakilala sa tunay na buhay na isang lalaki na nasa pagitan ng dalawang babae?

Sagot niya.“Wala, wala pa. Kasi ito talaga, iba, dahil asawa talaga, e.

“Mahirap din kasi talaga, sa atin kasi siyempre, hindi mo rin masasabi na huwag mong mahalin ’yan kasi may asawa ka na.

"Dahil siyempre, tao lang tayo, ’pag natamaan yung puso natin, hindi mo na mapipigilan yun kung sino yung mamahalin mo.

“Pero kung mangyari siyempre sa akin sa tunay na buhay yun, ganun din siguro yung role ko, dahil siyempre mahal ko yung kapatid ko, mahal ko si Ate Maricel dito, ang advice ko rin talaga siyempre, na dun siya sa asawa niya talaga.”

Si Rodjun ay hindi pa raw nararanasang maipit sa dalawang babaeng minamahal.

“Hindi, hindi pa naman. Loyal!” at tumawa ang hunky male star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN