Rodjun Cruz prefers sexy-wholesome image: “Yung parang dating mo pa lang, sexy na.”

Pitong taon na ang relasyon ni Rodjun Cruz sa kanyang girlfriend na si Dianne Medina, ngunit hindi pa raw nila napag-uusapan ang kasal. Sabi ni Rodjun, "Ngayon talaga, todo-work kami, and talagang focus muna kami dun, kasi bata pa naman din po."


Hindi raw naiilang si Rodjun Cruz kung marami man ang "nagpapantasya" sa kanya tuwing napapanood siya sa kanyang production numbers sa musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars.

Kadalasan kasi ay naka-sando lang o wala siyang pang-itaas sa mga production number na ito.

Sabi ni Rodjun, “Ako po, para sa akin, hindi po ako naiilang.

"Thankful ako, siyempre ang daming lalaki na magaganda ang katawan, na guwapo, na talented, and mapabilang lang ako dun, mapansin lang ako ng mga tao, na parang, ‘Uy, ang ganda ng katawan nito! Ang hot nito!’

“Siyempre nakakatuwa po sa akin dahil yung pinaghihirapan ko po sa gym, yung disiplina and yung effort po sa lahat ng ginagawa ko, so thankful ako ’pag napapansin po ako.

“At saka siyempre yung, kumbaga, hindi sila nagsasawa kasi siyempre iyon yung mahalaga dun, e.

“Kasi, ’di ba, nakakahiya, baka sabihin, ‘Ay, ayoko na, nakakaumay!’

“Pero iyon yung thankful na sana kahit lalong tumagal, yung kumbaga, hindi po mawala yung tingin po sa akin ng tao na ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rodjun sa grand launch ng GMA primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real noong Lunes ng gabi, May 25.

SEXY PICTORIAL. Nakarampa na si Rodjun sa Cosmo Bachelor Bash, “Pero never pa po akong nag-Centerfold."

Dagdag niya, "Nung 2010, nag-guest lang po ako, yung parang hindi kasama sa magazine.

"’Tapos 2011, nakasama po ako sa Bachelors.”

Kung aalukin siya na rumampa ngayong taon, papayag siya?

“Hindi ko po sure, pero siguro kung kasama po ako sa Centerfold, bakit naman po hindi?” sagot ni Rodjun.

Hindi pa raw nakapag-pictorial nang naka-trunks o briefs si Rodjun.

Aniya, “Wala pa naman pong offer.

"Pero if ever, mas preferred ko pa rin po yung wholesome pa rin, yung mga board shorts, jeans, shirtless o yung sando.

“Parang ano... iba pa rin yung parang sexy na wholesome.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung parang, hindi mo naman kailangang mag-trunks o mag-brief para sabihing, ’Uy sexy siya!’

“Yung parang dating mo pa lang, sexy na.”

DARING ROLES. Pero ibang usapan daw kapag sa pelikula na. Mas handa si Rodjun na mas magpaka-daring kapag pelikula.

“Puwede! Gusto ko nga kung may parang Magic Mike, e!" pagtukoy niya sa Hollywood movie tungkol sa male strippers na pinagbidahan ni Channing Tatum.

Dagdag ni Rodjun, “Kung kunwari may indie na ganun, bakit naman po hindi?”

Kahit may butt exposure ay papayag daw si Rodjun.

“Puwede! Kung alaga po yung eksena ’tsaka yung wholesome pa rin yung dating.

"Kasi yung Magic Mike, ’di ba, hindi naman po siya yung ano, parang sexy lang yung dating niya.”

Kapag ginawa niya ito ay mas lalo siyang pagpapantasyahan.

"Siguro!" at tumawa si Rodjun.

“As long as wala naman yung nambabastos talaga, kasi hindi naman po ako nakaka-experience na binastos po ako.”

Kahit daw sa malls shows ay hindi pa niya naranasang mahipuan sa maselang parte ng kanyang katawan.

Pero inamin ni Rodjun na nakatanggap na siya ng indecent proposal.

“Meron yung parang mga minsan nagme-message sa Instagram, yung parang... pero dini-delete ko.

"Yung parang one-night stand, ganyan. ’Makukuha mo lahat ng gusto mo, kahit ano’ng gusto mo,’ mga ganun.

"Pero sa message, hindi ko na-try in person, mga message lang sa ganyan, mga hindi ko kilala."

RODJUN’S GIRLFRIEND. Masaya ang lovelife ni Rodjun; pitong taon na sa July ang relasyon nila ni Dianne Medina, isa ring artista at news anchor sa PTV4.

Pero hindi pa raw nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal.

Saad ni Rodjun, “Hindi pa, kasi nag-start po kami nang bata and ngayon, mas nag-focus po kami sa work namin.

“Siya kasi, government channel, nagnu-news siya.

"’Tapos freelance naman siya, nagwo-work siya sa ABS and TV5.

“So, ngayon talaga, todo-work kami, and talagang focus muna kami dun, kasi bata pa naman din po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN