Jessy Mendiola dismisses comparison to Jake Cuenca’s girlfriend; reveals someone is making her happy now

Jessy Mendiola on non-showbiz guy who is making her happy now: "Hindi kami, hindi nanliligaw, hindi friend zone. Like ko siya, like niya ako, ganun. Ibig bang sabihin ’pag like, kayo na? Basta, sobrang bait niya."


Aware ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola sa pagkukumpara sa kanila ng girlfriend ni Jake Cuenca na si Chanel Olive Thomas.

Sinasabi kasing malaki ang pagkakahawig nilang dalawa.

Naging mainit ang usaping ito dahil minsan ding naiugnay si Jessy kay Jake nang magsama sila sa dating primetime series na Maria Mercedes.

Napabalita pa ngang niligawan ng aktor ang kapareha, ngunit nang matapos ang kanilang teleserye ay tila namatay na rin ang pag-uugnay sa kanila.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jessy sa 22nd anniversary ng Star Magic sa ASAP noong Linggo, May 25, ay kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa paghahambing sa kanila ng girlfriend ni Jake.

Sagot niya, “Maganda kaya yung girlfriend niya, parang ang layo-layo naman!

"Napaka-model-like kaya niya, kaya ang layo naman.

"Nakita ko siya sa Instagram, very model."

Ayon pa kay Jessy, masaya siya sa dating kapareha, lalo’t nakikita niyang mukhang masaya ito ngayon.

“Sobrang happy ako for Jake, sobrang ganda ng girlfriend niya.

"Nakikita ko pictures, mukhang sobra naman silang happy, kaya happy ako for them."

SOMEONE SHE LIKES. Kumusta naman ang lagay ng kanyang puso ngayon?

Tugon ni Jessy, “Masaya naman, mayroon namang nagpapasaya ng puso ko.

"Non-showbiz, pero hindi kami, ha.

"Ibig kong sabihin, napapasaya niya ang puso ko, but hindi kami.

“Hindi kami, hindi nanliligaw, hindi friend zone.

"Like ko siya, like niya ako, ganun.

"Ibig bang sabihin ’pag like, kayo na?

"Basta, sobrang bait niya."

Dagdag ni Jessy, “Nasa getting-to-know stage pa lang kami.

"Ang layo-layo niya. Hindi siya Pinoy.”

Mas gusto raw ni Jessy na hindi kapareho niyang artista ang susunod na makakarelasyon niya.

“Oo, mas gusto ko. Mas tahimik.”

NEXT PROJECT. Sa ngayon ay naghahanda si Jessy para sa mga nakalinyang proyekto sa kanya.

“Mayroon akong movie, mag-i-start na uli kami. Kasi nag-stop siya for a while, pero ngayon tuluy-tuloy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama niya rito sina John Lloyd Cruz, Gretchen Barretto, at Richard Gomez.

May gagawin din daw siyang drama series kung saan makakatambal niya si Xian Lim.

Pag-amin ni Jessy, "Kinakabahan, kasi siyempre fan din ako ng KimXi [Kim-Xian loveteam].

"Kinakabahan ako kasi baka magalit sila [fans] sa akin.

"Pero at the same time, may fans din na supportive, kasi so I’m excited naman to work with someone different.

"Actually, I worked with him already before, pero ngayon na Xian Lim na siya, nakakakaba, pero excited.

“Pinanood ko yung Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo saka Bride For Rent.

"Pinapanood ko pa sa airport, ngayon ka-partner ko na siya.

"Si Kim naman, sobrang bait sa akin, so walang problema."

Handa na kaya si Jessy kung saka-sakaling ma-bash siya ng KimXi fans kapag nagsimula na ang soap nila ni Xian?

Sagot niya, “Sana wala naman, pero kasi siguro, as early as now, kung galit sila sa akin, sana bina-bash na nila ako. Pero wala naman.

"I’m sure sinusuportahan pa nga nila si Xian kaya nakakatuwa lang."

Nilinaw rin ni Jessy na hindi Captain Barbell ang proyektong gagawin nila ni Xian, taliwas sa mga kumakalat na balita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN