Lovi Poe labels relationship status with Rocco Nacino as "we’re definitely not just friends"

Initially, when asked about the status of relationship with Rocco Nacino, Lovi Poe remarked: "Its...oh my God!”


“Wala pa po kaming scenes. Ninenerbiyos ako but then I’m looking forward to it also at the same time,” ang sinabi ni Lovi Poe tungkol sa co-star niya sa Ang Dalawang Mrs. Real na si Miss Maricel Soriano.

Gagampananan ni Lovi sa seryeng ipapalabas na sa June 2 ang papel ni Mrs. Sheila Salazar-Real, habang si Maricel naman ang gaganap bilang Mrs. Millet Gonzales-Real.

Nagkasama na sina Lovi at Maricel dati sa Yesterday, Today, Tomorrow pero hindi raw sila nagkasama sa eksena.

Mag-e-effort ba siya para hindi siya masapawan ng Diamond Star?

“No!" ang mabilis niyang sagot.

"Siguro for me, I’ll always think about my character, on how she’s gonna react, never about who is the actress in front of me.

“Kasi I have to give justice sa role ko, iyon yung number one thing na kailangan kong mag-focus on, is magawan ko nang best na magmukhang si Sheila siya, hindi ako.”

WORKING WITH MR. REAL. Kumusta naman bilang kapareha sa Ang Dalawang Mrs Real si Dingdong Dantes na gumaganap naman bilang Anthony Real?

“I think he’s very spontaneous! Kumbaga, masarap siyang ka-eksena because mahilig siyang mag-ad lib. So parehas kami, minsan wala na sa script we keep on talking, tuluy-tuloy pa rin.

"I think it’s good because depende yun sa character mo, and he’s doing it really well coz he’s acting as if he’s really Anthony and not Dingdong Dantes.

"So I’m thankful nga because kailangan yun sa character ko because medyo makulit yung character ko, e.”

Maging si Lovi ay nag-i-improvise daw sa kanilang mga eksena.

“Medyo ganun and kailangan talaga ng tao’ng mag-ad lib. Minsan mga totoong tawanan na yung lumalabas because funny yung mga scenes minsan.”

Samantala, mas nagkalaman si Lovi ngayon na bumagay naman sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumayat daw siya dati habang ginagawa ang Temptation island.

“That was the time na ang init-init, para kaming naka-sauna all the time,” ang sabi ng aktres.

Magkasama sila ni Marian sa naturang pelikula, kumusta sila?

“I dunno, I haven’t ano…”

Hindi raw sila nagkikita, huling kita raw niya kay Marian ay matagal na, sa Sunday All Stars.

Pero wala raw problema sa pagitan nila ng GMA Primetime Queen.

“Ay, wala namang problem! For me wala namang problema.”

At lalong wala rin daw magiging problema as far as working with Dingdong is concerned. The teamup will always be for reel.

“Yeah, that’s never gonna happen din naman talaga, e,” at muling natawa ito.

THE REAL SCORE WITH ROCCO. Natanong namin si Lovi kung siya ba, gaya ng story line ng Ang Dalawang Mrs. Real, ay naranasan nang maipit sa pagitan ng dalawang lalaki?

“Not that I know of,” at tumawa si Lovi.

Saka namin tinumbok ang kanyang lovelife: darating na ba ang oras na sasagot siya ng, "Yes we are [together]!"

Puro espekulasyon at walang diretsahang pag-amin kung sila na nga ba ni Rocco Nacino. Pero kamakailan ay nagbakasyon sila sa Europe, at kitang-kita ang kanilang sweetness base sa mga larawang naka-post sa social media accounts nila.

READ Lovi Poe gushes over European trip with Rocco Nacino

Tumawa muna si Lovi bago sumagot…

“Let’s see when it’s really there na. Kasi I don’t wanna wrap my head in that idea of being committed.

"Because yun sa Europe, pagbalik ko dito, parang it was a fresh start again. Parang reset button siya for me kasi nga parang na-realize ko na ang dami ko pang gustong gawin, kumbaga mas focused ako than the usual.

“Parang priority ko pa rin yung career.”

Ano ang mga nadiskubre ni Lovi sa dalawang linggong bakasyon nila ni Rocco sa Europe?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s very patient! He’s very patient with me,” ang nakangiting sabi ng dalaga.

Biniro namin si Lovi, "Pasaway ba siya?"

“No, no, I dunno. He’s just really like that e parang he listens to me a lot, yung parang ganun, yeah he’s very patient.

“And magaling siyang tumawad.

“First time naming dumating sa Rome, I saw this beautiful painting and I wanted it. E, hindi ako marunong tumawad.

“It’s either I’ll walk away or I’ll buy it, ganun.

“Mahal [yung painting]! It was really expensive and he got it, he got two for half price.”

Tinanong namin si Lovi kung sa paanong paraan niya mailalarawan ang estado ng samahan nila ni Rocco ngayon.

“It’s…oh my God!”

Hindi naman sila friends lang?

“Yeah, we’re definitely not just friends,” at muling natawa si Lovi.

“Ahm, wala, but I dunno it’s haggard for me to describe, matagal na akong ganito. Sorry,” at muli siyang tumawa.

Basta masaya siya.

“I’m happy.”

Si Rocco ay halatang masaya rin.

“I hope so.”

Kapag si Rocco ang tinanong, “We’re more than friends!” ang sagot nito.

Agree ba si Lovi doon?

“I guess. Oo, yes.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN