Christian Bautista reveals Mark Herras will return to Sunday All Stars

Ayaw magbigay ng komento ni Christian Bautista sa sinabi ni Mark Herras na "boring" na ang kanilang musical-variety show na Sunday All Stars pagkatapos magkaroon ng reformat dito.


Bilang kaibigan at kasamahan ni Mark Herras sa Sunday All Stars, kinunan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian Bautista tungkol sa pagkawala ng StarStruck alumnus sa kanilang programa.

Usap-usapang tinanggal daw si Mark dahil sa binitawan nitong salita na "boring" na ang Sunday All Stars matapos magkaroon ng reformat at matanggal ang ilan nitong mga kaibigan sa programa.

Read: Mark Herras complains about newbie actor James Reid’s attitude: “Ang ayoko sa lahat ng mga baguhan, yung hindi marunong bumati!”

“Of course, I miss him. Pero he’s gonna come back naman,” pagbabalita ng singer-actor nang makausap ng PEP sa lobby ng new building ng GMA Network noong Linggo, May 25.

Umiwas namang magbigay ng komento ni Christian sa sinabi ni Mark na "boring" na ang Sunday All Stars.

“I don’t wanna comment on that,” sabi niya.

RACHELLE ANN GO. Sa kabilang banda, nagsimula na ang pagpapalabas ng Miss Saigon sa London, kung saan ang ex-girlfriend at kasamahan sa Sunday All Stars ni Christian na si Rachelle Ann Go ang gumaganap bilang Gigi.

Base sa mga lumabas nang photos sa Internet, sexy at revealing talaga ang costume ni Rachelle dito.

“Yeah, for a change!” sabay tawang reaksiyon ni Christian.

Pero dagdag niya, “It’s very ano naman, e… in good taste. Oo.

“Kasi it’s in the theater and it’s an international show.

“Alam naman namin, from the beginning, na iyon ang magiging role niya, e.

"And ako naman, I do theater also, so I’m not really surprised

“Pero I’m very happy with all her success, na going all over the world na.”

May plano ba siyang pumunta ng London upang makapanood ng Miss Saigon?

Sabi ni Christian, “Yes, I’m talking with… sina Erik Santos and Mark Bautista.

“Maybe do one whole trip there together, we’ll see.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailangang tapusin muna raw niya ang ilang commitments bago ang pinaplanong pagpunta sa London.

“I am recording a new album under Universal Records, and it’s gonna come out soon, hopefully.

“And right now, writing songs... and excited about the release of the album.”

GOING DARING. Pahinga muna raw siya sa paggawa ng musicals. Pero paano kung magkaroon ng offer sa kanya to play a daring in a play? Tatanggapin ba niya?

Sagot ni Christian, “Yung ginawa ko sa Ghost, that was daring. Maraming na-shock na I’ve done it.

“Ang pinaka-daring na part dun is when I sing ’Unchained Melody,’ and then the first time that Cris Villonco and I made love on the stage.

“That was actually daring!”

Sa pelikula ba, open na rin siya to do sexy scenes?

“It depends on the role, oo. It all depends on the role.”

What about sexy pictorials?

“Well, I did Cosmo before. I did Bench and also yung sa Gold’s Gym.

“I’ve done it. And okey lang naman na maulit if ever,” nangiting sabi ni Christian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN