Governor ER Ejercito accuses Malacañang and Comelec of conspiring to remove him from office

Madamdamin ang naging talumpati ni ER Ejercito sa harap ng kanyang mga tagasuporta sa Laguna Provincial Capitol kahapon, May 27, matapos manumpa si Ramil Hernandez bilang bagong gobernador ng Laguna.


Tuluyan nang tinanggalan ng kapangyarihan bilang gobernador ng Laguna si ER Ejercito kahapon, May 27, matapos manumpa ang bise-gobernador nitong si Ramil Hernandez bilang acting governor ng naturang lalawigan.

Ikinadismaya ito ni Ejercito at binatikos ang Malacañang sa pangingialam diumano nito sa kanyang kaso.

Ayon sa ulat ng State of the Nation ng GMA News TV kagabi, humarap si Ejercito sa kanyang mga tagasuporta matapos nitong hindi makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Supreme Court upang manatili pa rin siya sa puwesto.

Naalis si ER sa puwesto dahil sa "overspending" noong May 2013 elections.

Read: Comelec orders Laguna Governor ER Ejercito to vacate his post



"VOX POPULI, VOX DEI." Bahagi pa ng talumpati ng actor-turned-politician sa harap ng Provincial Capitol kahapon, “Pilit po ako inaalis ng Palasyo ng Malacañang sa puwesto dahil hindi po ako kaanib ng Liberal Party.

"Hindi na po nirerespeto ng Palasyo ng Malacañang ang tinatawag nating rule of law.

“Tila ba nais ng Malacañang na balewalain ang boses ng taong-bayan, dahil lamang sa sobrang pamumulitika ng Palasyo ng Malacañang.

"Meron po tayong kasabihan vox populi, vox dei—the voice of the people is the voice of God.”

Bukod sa Malacañang, binatikos din ni Ejercito ang Commision on Elections (Comelec) dahil daw sa pag-convert sa simpleng election protest patungong disqualification case na inihain ng kanyang kalaban sa pulitika na si Edgar "Egay" San Luis.

Aniya, “In violation of my right to due process, they converted this election offense against me into a disqualification case.

“Ang tangi lang pong kasong isinampa laban sa akin ay ma-file-an ng kaso sa tamang korte para sa overspending.

"Ngunit hindi po ‘yan ang ginawa ni Chairman Sixto Brillantes at ng anim na commissioners ng Comelec.

"Ang ginawa ng Malacañang at Comelec ay talagang ni-railroad, napakabilis, napakabilis, pilit silang naghanap ng butas laban sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Ejercito, base sa ating batas, kailangan daw siyang bigyan ng sampu hanggang tatlumpong araw upang makapagsagawa ng mga legal na hakbang at para raw mahintay ang desisyon ng Supreme Court.

Kapag hindi ito natupad, hindi raw siya aalis sa kanyang puwesto sa Kapitolyo.

"Kapag nagdesisyon ang kagalang-galang nating pinakamataas na hukuman sa bansa na ako ay tunay na walang karapatan, kusang loob… inuulit ko, kusang loob na mapayapa at tahimik po akong bababa sa puwestong aking kinaluklukan.”

Pasaring pa niya, “I want to make it clear to Malacañang and to Comelec, I will not abandon the mandate of the people of Laguna!”

Ayon naman sa Comelec, kailangan pa nilang i-serve kay ER ang writ of execution, kaya habang hindi pa ito naibibigay, technically, siya pa rin ang gobernador ng Laguna.

Nagkaroon naman ng pagtitipon ang mga tagasuporta ni ER sa Capitol compound simula kahapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN