Richard Gutierrez promises to answer speculations about love child with Sarah Lahbati in reality show

Tikom pa rin ang bibig ni Richard Gutierrez tungkol sa balitang mayroon na silang anak ni Sarah Lahbati. Masasagot daw ang mga katanungang ito sa palabas nila sa E! Channel na It Takes GUTZ To Be A Gutierrez na magsisimula na sa June 1.


Pangako ng pamilya Gutierrez, maraming mga katanungan ang masasagot sa kanilang family reality show na It Takes GUTZ To Be A Gutierrez.

Sa ginanap na press preview ng show noong Lunes, May 26, sa Century City Mall events place sa Makati, naging curios ang media kung sa mga susunod na episodes ba nito ay mabubunyag na ang diumano’y love child ni Richard at ng girlfriend nitong si Sarah Lahbati.

Read: Source: Sarah Lahbati gave birth to baby boy in April

Kaya naman nang matapos ang screening, ito ang naging sentro ng tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kay Richard.

Tugon niya, “Alam mo, gaya nga ng sabi ko dati, nung umalis kami ni Sarah last year, ’tapos naging tahimik kaming dalawa, maraming unanswered questions, maraming taong may sari-sariling… kanya-kanyang speculations, kanya-kanyang hula.

“I think now is the perfect time to answer their questions.

"One, Sarah is finally back in GMA.

"And two, we’re doing a reality show for E!

“And now, everything... you know, everything is good, wala na kaming problema.

"Now is the perfect time to answer it.

"And we will answer it in the next episodes—all of the questions.”

Ano ba ang mga nabago sa buhay niya simula nang maging sila ni Sarah, na kasama pa ng kanilang buong pamilya sa reality show?

Nakangiting sagot ni Richard, “Not really a better person, pero it’s a relief for me to be able to share what we went through.

"Kami ni Sarah, kung anong pinagdaanan namin, finally masi-share na namin sa mga tao.

“Finally, masasagot na namin yung dapat sagutin.

"So, it’s not about being a better person, it’s actually a relief.”

Sa simula pa lang ba ng pagpaplano para sa kanilang show ay kasama na talaga si Sarah na maging bahagi nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Richard, “Yes. Kasama talaga siya.

"Sarah’s part of my life now."

Sa Linggo, June 1, na magsisimula ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez sa E! Channel, 9 p.m.

Mapapanood ito sa halos 20 Asian countries.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN