Miguel Tanfelix back to school despite heavy work schedule

To portray his role convincingly as a special child in Niño, Miguel Tanfelix relates, “Ang ginagawa ko na lang para mapasok ko ‘yong character ko, kinakalimutan ko po na 15 years old ako. Iniisip ko na isa akong bata na seven years old."


Bagamat may mga showbiz crushes ang teen actor na si Miguel Tanfelix ay wala pa raw sa isip niya ang panliligaw.

“Career po muna and pag-aaral, fourth year high school na po ako ngayong pasukan," ayon sa bida ng bagong pimetime series ng GMA na Niño.

Hindi ba siya mahihirapan bilang regular student siya at three days a week ang taping?

Aniya, “Kapag nag-absent po ako, meron kaming kasunduan ng principal namin na ibibigay sa akin ‘yong mga lessons na na-miss ko.”

Taong 2004 nang pasukin ni Miguel ang showbiz sa pamamagitan ng StarStruck Kids.


Noong taong ding iyon, gumanap ito bilang batang Pagaspas sa Mulawin.

Guwapo at magaling umarte kaya hindi nakapagtataka kung bigyan man siya ng malaking break sa Niño na idinidirehe ni Maryo J. delos Reyes.

CHALLENGE. Malaking challenge daw para kay Miguel ang first lead role niyang ito bilang isang special child.

“Biggest break ko ito kaya napi-pressure ako,” pag-amin niya. “Kasi nandiyan ‘yong expectation ng viewers, ’tapos mga bigating artista ang kasama ko sa cast. Kaya may pressure po talaga."

Anong paghahanda ang ginawa niya para sa kanyang karakter?

"...medyo mahirap for me na mag-portray no’ng role ko.

“Ang ginagawa ko na lang para mapasok ko ‘yong character ko, kinakalimutan ko po na 15 years old ako.

"Iniisip ko na isa akong bata na seven years old.

“Bago kami nagsimulang mag-taping, pinanood ko ‘yong I Am Sam, movie po ito tungkol sa isang special child.

“Do’n po ako kumuha ng idea kung paano ba gumalaw at magsalita ang isang special child.”

Ang baguhang Kapuso teen actress na si Bianca Umali ang tila ginu-groom ngayon na kapareha niya.

Mag-bestfriend sila sa istorya ng Niño.

“Hindi ko lang po alam kung magkakaroon ng love angle sa characters namin ni Bianca.

"Kasi nga po, may pagka-special child ‘yong role ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami na kaming mabibigat na eksenang nakunan."

SHOWBIZ CRUSHES. Number one daw sa mga hinahangaan ni Miguel na female celebrities ay si Marian Rivera.

“Mabait kasi siya, maganda, at professional na artista.

“Hindi pa kami magkakilala talaga pero nakasama ko na siya dati sa ilang mga events ng GMA.

“Hanggang bati lang ako kapag may chance na nakikita ko siya. Nai-starstruck ako!” sabay tawa ng binatilyo.

Pareho sila ni Ruru Madrid na mina-manage ngayon ni Direk Maryo.

Hindi kaya may mabuong professional jealousy sa pagitan nila ng isa sa mga naging finalists ng Protégé talent search ng GMA?

“Sa akin po, hindi ko titingnan ang mga gano’ng bagay kasi makakasira lang sa friendship namin ni Ruru.

“Basta magkaibigan po kaming dalawa,” pagtatapos ni Miguel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN