Ruffa Gutierrez sees herself getting married in the next five years: "Dapat lang maging choosy ako, I would rather be alone than get hurt again.”

Aprubado raw ng dalawang anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice ang kanyang hangaring muling maikasal. Ang importante lang daw ay pasado ito sa kanyang mga itinakdang kuwalipikasyon.


Sa pilot episode ng It Takes GUTZ To Be A Gutierrez—na mapapanood sa Linggo, 9 p.m. sa E! Channel—ipinakita rito ang bahagi ng nasirang pagsasama ni Ruffa Gutierrez at ng ex-husband nitong Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

Bakit pumayag si Ruffa na ibahagi sa Asian viewers ang kanyang failed marriage?

Saad ng former beauty queen, “Yes, it’s better to be open.

"Kasi sa reality show, pangit naman kung may itatago ka pa.

“That’s why it’s called a reality show and, for me siguro, marami silang matutunan.

"Marami silang makukuha na aral sa story ko in particular.

"And entertaining din siya, maraming pasabog, kaya manood na lang sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Ruffa sa press preview ng It Takes GUTZ To Be A Gutierrez sa Century City Mall events place, Makati City, noong Lunes, May 26.



THE PERFECT GROOM. Sa isang bahagi rin ng episode ay kausap ni Ruffa ang dalawa niyang kaibigang sina Phoemela Baranda at CJ Jaravata.

Dito ay pinag-usapan ng tatlo ang nakatakdang kasal ni Ruffa kahit wala pa itong groom.

Seryoso raw siya na muling makapag-asawa.

“Yeah, I wanna get married again.

"Before kasi, ayokong magpakasal talaga, pero since ang daming nagpapakasal lately...

"And every time na may nagpapakasal, umiiyak ako.

"Sabi ko, ‘Ay, I’m really a romantic at heart.’

“Gusto ko talagang magpakasal ulit, pero ang problema, walang groom.

"So now, my litte girls, Lorin and Venice, are in search of a perfect groom [for me].”

Aprubado na raw sa mga ito na darating ang panahong muli siyang mag-aasawa.

Saad ni Ruffa, “Kasi alam naman nila, one day I’m gonna fall in love again.

“Ang gusto talaga nila, ang dream nila, kaming tatlo lang.

"Pero ang sabi nila, they’re not selfish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They want me to be happy one day, so ayun.

"As long as that person is kind-hearted, mahal ako, mahal sila, he can drink sometimes, doesn’t smoke, will treat me well.”

Pero dahil daw sa napagdaanan niya sa pagsasama nila noon ni Yilmaz, “choosy” na raw siya ngayon.

Paliwanag ni Ruffa, “I need to be choosy, kasi I have two kids that I have to take care of, their future.

"Number two, madami na akong nadanasan na heartbreak, so ayokong masaktan ulit.

"Kaya dapat lang na maging choosy ako, kasi I would rather be alone than get hurt again.”

So, kailan niya ba nakikita ang sariling muling maikasal?

Natatawang sabi ni Ruffa, “Just a dream, hopefully that dream would come true in the next five years!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN