John Lloyd Cruz in a stable relationship with Angelica Panganiban; says marriage is "not in the horizon yet"

He’s been hailed Box Office King for five consecutive years, but John Lloyd Cruz knows only too well it will not go on forever: “Kapag yun ang inisip mo, e, sakit yun... Kahit, o sige, magsampu ka pa!"


Tahimik ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

Sabi nga ng Kapamilya actor, “Matagal naman kaming quiet, ganito naman kami.”

Pero paano niya ilalarawan ang relasyon nila ngayon, gaano sila ka-solid?

“Speechless lang ako palagi!” natawang sabi niya.

“Ganun lang ako palagi, I’m always in awe, speechless lang palagi.”

Uso ngayon ang pagpo-propose, kasalan, may feeling ba siyang tila masarap na yatang magpakasal?

“Wala pa, hindi pa napag-uusapan yun. It’s not in the horizon yet,” sagot ni John Lloyd.

Pero sabi nga ng aktor, ang pagpapakasal ay hindi naman talaga mapi-predict kung kailan mangyayari.

Ibinigay pa niyang halimbawa ang nangyari kina Melai Cantiveros at Jason Francisco, na nang mabuntis si Melai ay pinakasalan ito ni Jason.

Sabi ni John Lloyd, “Siguro yung mga ganoong pagkakataon sa lalaki, malalaman mo ang gagawin mo.

"Kasi, parang wala yatang lalaking nakakapaghanda sa mga ganoong sitwasyon.

“Siguro kapag dumating na ang ganoong sitwasyon sa kahit na sinong lalaki, o kahit sinong partner ko at that moment, parang siguro doon ko lang malalaman kung paano ko ba haharapin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd sa taping ng pinagbibidahan nilang sitcom ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN, ang Home Sweetie Home.

NO IMPOSITION. Napakalaki na ng ipinayat at iginanda ng katawan ni John Lloyd, kaya naitanong sa kanya kung nasabihan din siya ni Angelica na mas pagandahin pa ang katawan nito.

Sabi ng aktor, “Hindi, hindi kami nag-i-impose ng ganun sa aming relasyon o sa isa’t isa.

“Personally, yung sa akin, when I got the offer [from Century Tuna], parang it can be more convenient to say no rather than entertaining the challenge and accept it.

“Parang yun ang naging struggle ko kaya ko siya tinanggap.

"Pero hindi naman ibig sabihin nun na nasa ganitong program ako, nagpapayat ako, parang i-impose ko yun sa partner ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni John Lloyd, “Napaka-personal na desisyon na yun.

“So, yung desisyon, dapat manggaling sa ‘yo, dapat gawin mo para sa sarili mo, hindi para sa ibang tao.

"So, wala kaming ganung naging usapan."

Masarap ba ang pakiramdam na nakapagbawas siya ng malaking timbang, na maganda ang katawan niya ngayon?

Sagot ni John Lloyd, “Well, side-effect na lang siya, kumbaga, bonus na lang.

"Ang main goal talaga is to be more fit and healthy, e.”

Noong hindi pa ganoon ka-fit ang katawan niya, kapag kailangan sa eksena sa mga pelikula niya, naghuhubad siya ng pang-itaas.

Ngayon ba, mas open na siyang maghubad dahil mas may kumpiyansa na siya?

“Hindi naman... well, hindi naman sa wala akong pakialam, pero secondary sa akin ang looks, e.

“Siyempre, mas importante sa akin ang mas mai-deliver yung hinihingi ng character ko.

"Mas mai-deliver yung, kumbaga sa eksena, maibigay mo muna ang hinihingi ng eksena o script.

"Secondary na sa akin ang looks.

“So, parang ganoon ako lumaki, kumbaga, yun ang upbringing ko.

"So, kung may pagkakataon sa pelikula na maghuhubad ka, kailangan mong tanggalin ang shirt mo, okay lang sa akin.

"As long as sa director ko, okay lang kahit wala akong six-pack.”

YUMMIER. Ngayon, ilang “packs” na ang meron siya?

“Sa-pack!” natatawang biro ni John Lloyd.

“Alam niyo yun, ang ibig kong sabihin, kung okay lang sa director ko at hindi naman nakaka-bother, okay lang tanggalin ang shirt ko.

"Wala namang nagbabago, kumbaga sa bodies ng craft, wala namang nagbago.”

Pero mas may kumpiyansa siya ngayon?

“Hindi rin,” sabi niya.

“Actually, mas nakakahiya, kasi parang ang laki ng expectation, e.

"Ginawa ko lang naman siya because I really wanted to take the challenge.”

Kung dati, “yummy” na ang tingin sa kanya ng tao kahit hindi pa siya nagbabawas ng timbang, ngayon “yummier” pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi naman ni John Lloyd, “Never ko kasing naiisip ang mga ganyang bagay. Hindi naman siya importante.”

BOX-OFFICE KING. Noong nakaraang Box Office Entertainment Awards ay hindi nakarating si John Lloyd.

Si Sarah Geronimo lang ang personal na tumanggap ng trophies nila bilang Box Office King & Queen dahil sa tagumpay ng pelikula nilang It Takes A Man And A Woman noong 2013.

Paliwanag ni John Lloyd, “Nasa Hong Kong kasi ako, matagal na kasi yun and kinailangan talagang pumunta.”

Pang-limang Box Office King award na ni John Lloyd ngayon. May pressure pa rin ba sa kanya na ma-maintain ang titulong ito?

Sagot niya, “Wala, wala... alam niyo, wala namang... bilog ang mundo.

"Umiikot ang mundo, so hindi mo puwedeng isipin o kahit na pagkamalan na every year, makakapag-produce ka ng pelikula at yun ang tatabo sa takilya.

“Kapag yun ang inisip mo, e, sakit yun.

"Kasi, alam mong hindi mangyayari yun o baka hindi mo alam na hindi yun mangyayari.

“Kahit, o sige, mag-sampu ka pa! Kahit sabihin mong dire-diretso sa sampung taon, ikaw.

"Hindi puwedeng habambuhay na ikaw.”

Biro naman namin kay John Lloyd, baka exception siya?

“Hindi rin, nahihibang ka naman sa sarili mo para isipin mo yun.”



SARAH GERONIMO. Kasalukuyang palabas sa mga sinehan ang Maybe This Time, ang pelikula ni Sarah Geronimo katambal si Coco Martin.

Hindi nga maiwasan na maikumpara ang team-up nina Sarah at Coco sa matagumpay na team-up nina John Lloyd at Sarah.

Ano ang masasabi niya rito?

“Gusto ko na ngang mapanood, e,” mabilis na sagot ni John Lloyd.

Tipong may pressure sa parte ni Sarah ngayong mapantayan ang tagumpay ng mga pelikula nila ni John Lloyd.

Sabi ni John Lloyd tungkol dito, “Kesa siguro ma-pressure at i-pressure sila ng mga tao, mas maganda sigurong panggalingan na lang na something interesting na makita natin ang kalalabasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako kasi, naniniwala ako na malaking part ng success ng team-up talaga ay yung material. It’s material-driven.

“Kung talagang maganda ang material nila, hindi sila mahihirapan.

"Kasi yung chemistry, bukod sa... dati kasi, palagi kong sinasabi, it’s something you cannot create with two people.

"Ganoon siya ka-organic, ang chemistry.

“Naniniwala kasi ako sa energy, yung timing, yung energy niyong dalawa, yung willingness niyo to really explore kung ano ang puwedeng mapuntahan ng team-up niyo... ang daming factor.

“So, parang minsan, naiisip ko, puwede siyang ma-create. After all, it’s chemistry.

"So, malamang may formula.

"So, for me, it’s more interesting na makita ang kinalabasan ng pelikula."

Nagkakausap pa ba sila ni Sarah.

Sagot ni John Lloyd, “Naku, last ko siyang nakausap noong launch pa ng Toyota WIGO namin sa Cebu.”

Masaya ba si John Lloyd sa nakikita o nababalitaan niya ngayon kay Sarah?

“The last time na nagkita kami, noong birthday party ni Matteo [Guidicelli].

“Medyo may proud moment nga dun para sa kanya.

“Siyempre, it’s another step para sa kanya.

"Siyempre, nandoon ang family ng lalaki, nandoon ang nanay niya.

"So, it’s quite a big step para sa mommy niya."

Nakikita naman niyang masaya si Sarah ngayon?

“Oo, ano naman si Sarah... ayokong sabihin na mababaw ang kaligayahan niya, pero alam niya kung ano ang magpapaligaya sa kanya.

“At yun ang mga bagay na hindi naman talaga mahirap maabot,” sabi ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN