Marjorie Barretto slams sister Claudine’s lawyer Atty. Ferdinand Topacio for tweet and interview

Muling nagpalitan ng maaanghang na salita ang magkapatid na Marjorie at Claudine Barretto dahil sa binitawang mga pahayag ng abogado ng huli na si Atty. Ferdinand Topacio at sa tweet nito tungkol sa anak ni Marjorie na si Dani.


Buhay na buhay uli ang away ng magkapatid na Marjorie at Claudine Barretto dahil sa tweet ni Attorney Ferdinand Topacio nung Martes, May 27, na “Year of the Horse nga pala. This could be Danni Barretto’s year…”

Si Atty. Topacio ang legal counsel ni Claudine at hindi nagustuhan ni Marjorie ang tweet ng abogado tungkol kay Dani.

Malakas ang hinala ni Marjorie na may malisya ang tweet ng abogado ni Claudine, kaya nung gabi ng Miyerkules, bandang alas-onse, nag-post siya sa kanyang Instagram account ng “What were you trying to insinuate Atty. Topacio?”

Mahaba ang sagot ni Marjorie tungkol sa tweet ni Atty. Topacio dahil nasaktan siya para sa anak nila ni Kier Legaspi.

Pero ilan sa mga post niyang ito sa kanyang Instagram account ay agad niya ring na-delete.

Kabilang sa mga na-delete na niya ay ang insinuation niya na mahigit pa sa client-lawyer ang relasyon nina Topacio at Claudine, na agad namang sinagot ng mas nakababatang Barretto sa Facebook account nito.



MARJORIE SLAMS ATTY. TOPACIO. Nung gabi rin ng Miyerkules na iyon, nag-screen capture si Marjorie ng audio file title ng interview ni Atty. Topacio mula sa online site ng TV5 na News5.

Sa interview na iyon, pinasinungalingan ni Atty. Topacio kay Erwin Tulfo ang balitang pumanaw na ang kliyente niyang si Claudine.

Nang tanungin kung may "spin doctors" na sangkot sa pagsisimula at pagkakalat ng maling balita tungkol kay Claudine, nagpahayag si Atty. Topacio na, “Maaari din po ano. Pero bakit naman sa lahat ng Barretto sisters ang pinatay naman e si Claudine? E, bakit hindi kaya si Gretchen na lang o si Marjorie?”

Bumawi rin agad si Topacio nang sitahin ni Erwin sa binitawang pahayag, “Hindi, sinasabi ko lang, ’di ko naman sinabing gawin nila. Ba’t naman natin gagawin ’yon ano?”

"What exactly do you mean???" ang caption ni Marjorie sa photo na ito, bilang reaksyon sa mga pahayag ni Atty. Topacio sa nabanggit na interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa comments wall naman ng post niyang ito, kinastigo pa ni Marjorie ang abogado. Pinalitan pa niya ng "Topakcio" ang apelyido ni Atty. Topacio.

“Are you insinuating Atty. Topakcio that Gretchen and I did that? I wouldn’t waste energy on plotting evil against her. I am busy with my children. It’s your camp who came out with that drama to get people to talk about your client who is too close to you. But to insult my daughter? And to say sana si Gretchen o Marjorie na lang ang pinatay sa online… You are overstepping. How long have you known Claudine Atty Topakcio? 1 or 2 years? We have known her since she was born. Stay put as her lawyer for her cases. But don’t touch on me and especially any of my children."


CLAUDINE’S REACTION. Sa Facebook account naman ni Claudine nung araw ring iyon, ilang sandali matapos na mag-post si Marjorie ng comments sa kanyang Instagram account na binura niya rin agad, nag-post ang aktres ng sagot sa kanyang nakatatandang kapatid:

“Why Marjorie, have you been trying to insult me for the longest time. And now even your daughter openly disrespects me. Teach your daughter manners and values.

“Are you trying to insinuate or are you being very MALICIOUS again of my being close to my lawyer? Refrain from putting MALICE & QUESTIONING my relationship with my lawyer or anyone.

“You are right Atty. Ferdinand Topacio IS NOT A BARRETTO or part of the family. But let me remind you so is RECOM ECHIVERRI one who has a family of his own and children of his own. Never will he be a part of our family NOR WILL YOU EVER BE A PART.”

Dahil si Atty. Topacio ang dahilan ng muling pagsiklab ng word war nina Marjorie at Claudine, hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksyon niya tungkol sa kanyang alleged malicious tweet tungkol kay Dani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOPACIO’S EXPLANATION. “I really don’t know what the fuzz is all about regarding Ms. Dani Barretto. I said that this year could be Dani’s year because she was born on the Year of the Rooster (1993).

“According to a website I read, www.travelchinaguide.com/intro/social_customs/zodiac/rooster.htm, the Year of the Horse is a good year for Rooster people. Anyone who reads my tweet with an objective mind will see that it was no way disparaging to Dani. In fact, it should serve as an encouragement."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN