Toni Gonzaga on hosting with Kris Aquino and Boy Abunda: "King and Queen of Talks yun...alam ko naman kung saan ako lulugar.”

Mas gusto ni Toni Gonzaga ang pagiging prangka ni Kris Aquino: “At least si Ate Kris, ‘Hindi ko bet your shoes, I don’t like your ano…’ At least siya, straight siya agad, or ‘Oh, what’s your shoes? I like it.’ Straight naman siya palagi at naa-appreciate ko yun.”


Hindi ba nag-aalala si Toni Gonzaga sa “over-exposure”?

Araw-araw kasi siyang napapanood sa mga Kapamilya shows.

Gabi-gabi ang PBB All In at tuwing Sabado ng gabi ang kanilang sitcom ni John Lloyd Cruz na Home Sweetie Home.

Tuwing Linggo naman, nasa ASAP 19 siya sa umaga at sa hapon ay sa The Buzz 15.

“Hindi naman!” mabilis na sagot ni Toni nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN noong May 23, Biyernes.

“Parang bagong lipat ko pa lang sa ABS, issue ko na yun.

“Unang lipat ko pa lang, 2005, yun na ang reklamo nila, wala pang social media nun.

“Pero, hindi naman, management naman ang nagdesisyon nun at kung iisipin mo naman, yung sinasabi nilang every day ko, hindi naman talaga ako ang pinapanood doon every night, ang housemates naman.

“Story-teller naman ako at sa one hour and forty-five minutes ng PBB, isang spiel lang ako.

“Buti sana kung pati sa loob ng bahay, ako ang napapanood, yun talaga, OA.”

Ayon kay Toni, ang pagbabalik niya sa The Buzz 15 ang ikinagulat daw niya.

“Hindi ko rin alam, e. At the same time, wala ka na rin time i-digest ang mga pangyayari.

“Parang noong sinabi sa akin, nandito pa ‘ko nun, Friday.

“Yun ang time na miniting ako, ‘tapos Sunday na ang The Buzz. Ganoon ka-abrupt ang mga pangyayari at feeling ko nga ngayon, parang baka any moment, mawala ulit, nandiyan ulit. Parang ready na ‘ko sa ganoon.”

Hindi niya naramdaman noon na babalik pala siya ulit sa Sunday showbiz talk show?

“Hindi, hindi ko na-feel. Ang akala ko nga noong time na nagpaalam ako sa The Buzz, nasabi ko nga na at least, as a host, naka-experience ako na three years sa Entertainment Live and three years sa The Buzz, so, sabi ko nga, three years is good enough for me to experience a showbiz-oriented talk show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, magandang experience yun as a host. Kasi, ‘di ba, puro reality at variety ang ginagawa ko? Sabi ko, okey na training na rin yun.

“So, noong nag-goodbye ako, talagang goodbye na. ‘Tapos ngayon nga… Kaya sabi ko, ‘Talaga nga naman, hindi mo masasabi ang mga pangyayari.’”

Sanay na rin naman daw siya sa mga lumilitaw, nawawala, bumabalik at muling nawawalang shows sa TV.

“For almost ten years in ABS, nasanay na ako na may nawawalang show, may babalik, mawawala. Sanay na ‘ko.

“Siguro kung bata-bata ako, may shock factor. Pero dahil sanay na nga ako sa rigodon, parang as a good employee and a good soldier of the network, susunod ka.”

IS SHE READY FOR KRIS AQUINO? Hindi siya nagdalawang-isip nang malaman niyang silang dalawa ni Kris Aquino ang magkakasama as co-hosts ni Boy Abunda?

“Wala, wala naman akong hesitation na si Ate Kris. Kasi, si Ate Kris naman I’ve always wanted to work with her. At saka, nag-guest host naman siya sa The Buzz dati, so, meron na rin akong experience working with Ate Kris.

“At the same time, yung mga guesting ko sa KrisTV, whole day kaming magkasama, parang na-break-in na rin kami.”

Kumportable na ba siyang makipagpalitan ng kuro-kuro kay Kris o kung minsan naman, nandiyang pupunahin siya nito?

“Yun ang maganda. Siguro the reason why I also asked them sa The Buzz, o ano ang maio-offer ko sa show? Kasi, Ate Kris and Tito Boy, kumpleto ka na. Kumpleto ka na sa gustong hanaping pasabog o chemistry.

“Sabi nila, the reason why they are getting me, I have a different approach, different style, and also different opinion when it comes to different matters and issues sa industriya.

“Of course, sila na yung all-knowing. So, I will represent yung core ko, yung market ko, yung audience ko and what they want to know—yung younger generation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilala na raw ni Toni si Kris, kaya kahit na may mga komento ito o hirit, hindi raw siya nao-offend.

“Si Ate Kris, you really have to know her para hindi ka mao-offend. Hindi ka mahe-hurt kasi ako, tanggap ko na si Ate Kris, prangka, totoo, she’s really straight-forward.

“Titingnan mo kung ano ang gusto niyang reaksiyon, makukuha mo agad. Hindi siya yung paplastikin ka.

“Mas okey na ‘ko sa ganun. Nakikita mo agad ang reaksiyon ng tao right in front of you.

“Mas takot ako sa mga tao na sobrang warm, sobrang bait, parang nakakaduda.

“At least si Ate Kris, ‘Hindi ko bet your shoes, I don’t like your ano…’ At least siya, straight siya agad, or ‘Oh, what’s your shoes? I like it.’ Straight naman siya palagi at naa-appreciate ko yun.”

Dugtong pa niya, “Si Ate Kris, super-gamay ko na siya.”

Ginawa naming example kay Toni yung insidente ng nangyari kay Ruffa Gutierrez noong ito ang kasamang co-host ng dalawa.

Paalis na noon ng ABS-CBN si Ruffa at sa show, sinabihan ni Kris ang dating beauty queen na, “Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito.”

“Well, I know, you don’t have to rub it in, Kris,” sagot ni Ruffa na nakangiti man ay unti-unting ipinakita ang hindi magandang pakiramdam nito sa sinabi ng Presidential sister.

Bago mag-commercial gap ay ipinakitang tumayo si Ruffa ng kanyang upuan at agad na kumalat via social media ang pag-walkout daw nito sa show.

Read: Kris Aquino-Ruffa Gutierrez walkout issue spreads like wildfire even in Twitter

Sa palagay ni Toni, malayo kayang mangyari ang katulad na insidente sa kanya?

“Ako, feeling ko, God’s grace siguro na huwag naman kaming dumating sa ganoong point. Siyempre, hindi mo masasabi.

“Puwede kong sabihin na hindi talaga, hindi talaga. Pero, mamaya, next week, may eksena pala kaming ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, ako talaga, alam ko naman kung saan ko ilulugar ang sarili ko kay Ate Kris at Tito Boy, ibigay mo na yun, King and Queen of Talks yun. Kumbaga, alam ko naman kung saan ako lulugar.”

ADJUSTING TO WIFE ROLE. Sa Home Sweetie Home naman, noong bagu-bago pa lang ang sitcom nila ni John Lloyd, naging aminado siya na talagang hindi siya kumportable sa mga eksena nila ni John Lloyd na kailangan niyang ipakita ang pagiging mag-asawa nila sa intimate na paraan.

Ngayon ba, okey na siya?

“’Eto, nag-a-adjust pa rin,” natatawa niyang sabi.

“Ang hirap ng may asawa. Sa rami ng ginawa ko sa buhay ko, ito ang pinakanahirapan ako.”

Nahihirapan pa rin siya kahit na ika-23rd episode na ang ginagawa nila?

“Oo, nahihirapan pa rin ako. Ang hirap ng may asawa. Kaya hindi ako nag-aasawa sa totoong buhay. Ang hirap ng may asawa,” natatawang biro niya.

Dugtong pa niya, “Hindi talaga ako sanay kasi, alam naman ng mga directors ko ‘yan, pagulungin n’yo ‘ko sa putik, pakainin n’yo ‘ko ng kung ano, okey lang ako sa lahat, puwera lang yung sobrang maghihimasan. Lapit ng mukha.

“Nagagawa ko siya, pero, tinatrabaho ko talaga.”

Hindi na naman siya naiiyak ngayon?

“Hindi na. Sa pelikula naiiyak ako kasi, paulit-ulit. Dito naman, isang take lang, hihinga lang ako ng malalim, okey, tapos na.”

Bakit siya nahihirapan sa eksenang mag-asawa, bakit matindi ang ilang sa kanya?

“E kasi, yun ang mga bagay na ginagawa lang ng mag-dyowa, mag-asawa. Biro mo, gagawin mo sa isang tao na hindi mo talaga asawa? So, may challenge siyang talaga.

“I think, what’s good with the show is, tinutulungan ako ni Lloydie. Tinutulungan ako ng buong cast. So, masaya naman. Masaya talaga.

“Doon lang talaga sa part na yun, may ilang pa talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIKE JOHN EN MARSHA. Isa sa mga pangarap ni John Lloyd para sa sitcom nila ay tumagal ito ng maraming taon katulad ng John en Marsha na pinagbidahan noon ng mga yumao nang sina Nida Blanca at Dolphy.

Siya ba, ganoon din?

“Siyempre naman, pangarap din naman namin yun. Hindi naman namin pinapangarap na malagpasan, pero, dumikit man lang kahit na hindi mapantayan. Medyo dumikit man lang sa tagal ng taon na itinagal ng mga sitcom ng ABS. Yun naman ang dream ng lahat.

“Kaya naman lahat kami, nagtatrabaho nang sobra, pinagagandang lahat. Pinipilit kong maging maybahay talaga.”

Yung pagbabago naman daw ng time-slot at araw ng Home Sweetie Home mula Linggo ay naging Sabado na ng alas-sais ng gabi ay pabor daw sa kanya.

“Sobrang okey sa akin dahil bugbog na rin naman ang mukha ko ng Linggo. Alam n’yo, sinabi ko ‘yan sa The Buzz bago nila i-offer.

“Sabi ko, ‘Paano po ‘yan, may Home Sweetie Home ako. Yung sa ASAP naman, once-a-month na lang ako. Hindi rin naman ako makaalis dahil unang-una, nasa kontrata siya at may mga segment na portion by na kailangan, kinukuha tayong madalas doon.

“Inaayos naman ng management kasi, katulad ngayon, nilipat nila ng Saturday at masaya kami dahil ang nakuhang time-slot, yung sa Wansapanataym at maganda ang audience nun, mga bagets, so, yun din ang gusto namin, makuha ang mga bata.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN