Enrique Gil defends Julia Barretto against bashing from KathNiel fans

Enrique Gil to KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla) fans who bash Julia Barretto for being paired with Daniel Padilla in a softdrink commercial: “It’s just a commercial, that’s it.”


Sa pamba-bash na tinatanggap ni Julia Barretto mula sa mga KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla) fans dahil sa pagkakapareha ng young actress kay Daniel Padilla sa isang commercial ng softdrink, agad na ipinagtanggol ni Enrique Gil ang leading lady sa ABS-CBN series na Mirabella.

Ayon nga kay Enrique sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong nakaraang Linggo, May 25, sa ASAP, trabaho lang ang lahat at bilang artista ay ginagawa lang nila ang trabahong ibinibigay sa kanila.

“Alam mo sa totoo lang hindi naman kasi kami pumipili kung anong trabaho namin. It’s Star Magic. They ask us to be part of it.”

Ang Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN at siyang nagma-manage ng showbiz careers nina Julia, Daniel, Enrique, Kathryn, at halos lahat ng Kapamilya talents.

“Siyempre kinukuha kami, and as artists, we’re gonna do it. It’s work, they give us the opportunity, so ginagawa lang namin ang trabaho naming,” pahayag ng 22-year-old Kapamilya actor.

Para sa young actor, unfair para kay Julia ang nangyayari.

“I think it’s unfair, it’s just a commercial, that’s it.

“Hindi kami pumipili. So para sa akin, if you want to support DJ [Daniel] and Kathryn, support DJ kahit di kasama si Kathryn, kasi nandun si DJ. Support him na lang kung nandun si Julia.

“Walang kamalay-malay yung tao ‘tapos bina-bash with no reason at all. Kawawa naman yung tao, so wag naman.

“Same thing, what if yung fans naman ni Julia ang mag-bash kay Kathryn. Para sa akin it’s so unfair.”

TWO SIDES OF MIRABELLA. Regular na napapanood sa Mirabella, ibinahagi ng aktor kung ano ang dapat na abangan sa nasabing fantaserye ng Kapamilya network.

“Actually, okey naman yung season ng Mirabella ngayon. Nasa point si Mira ngayon na magre-revenge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So you’re gonna see the side of Mira and other side of Bella—yung wanting for revenge. So hayun, medyo exciting yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN