Nikki Gil on constant questions about ex-boyfriend Billy Crawford: “I would prefer that they didn’t bring it up…”

Singer-actress Nikki Gil considers being constantly asked about her past relationship with Billy Crawford one of the setbacks of being a celebrity. But she tries to look at it in a positive way.


May mga naghiyawan sa Philpop 2014 press conference nang magkuwento si Nikki Gil tungkol sa pagpayag niya na maging interpreter ng isang entry sa nasabing songwriting competition.

Si Nikki ang interpreter ng kantang “Babalikan Mo Rin Ako” ni Soc Villegas, na isa sa 12 entries ng Philpop 2014.

Ginanap ang announcement ng labindalawang finalists ng Philpop para sa 2014, at pagpapakilala ng interpreters nito sa Cocoon Hotel ngayong tanghali, May 29.

Ayon kay Nikki, nagkaroon siya ng agam-agam noong una na mag-interpret ng ng nasabing kanta dahil sa mensahe nito tungkol sa nagtapos na pag-ibig.

“But when I first listened to the song and heard the melody, I realized that the song echoes the sentiments of women, who are going through it and have no way of expressing what they are feeling inside,” lahad ni Nikki.

“This is a good song since I’ve moved on," na sinundan ng paghiyaw ng iba na nasa presscon.

“I don’t think you can sing this song if you haven’t moved on. I am representing the many women, who are probably going through it.”

Naging maingay sa showbiz ang paghihiwalay nina Nikki at Billy Crawford noong nakaraang taon.

HESITATION. Pagkatapos ng presscon proper, nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Nikki upang makapanayam.

Ikinuwento ni Nikki kung bakit noong una ay nagdalawang-isip siyang mag-interpret ng kantang isinulat ni Soc Villegas.

“Alam mo naman sa mundo natin, a lot of people say a lof things; some of them not very kind.

“But I realized that this song echoes the sentiment of so many women. Maganda naman yung twist ng kanta. It gives hope.

“It just so happened that it’s a reality that a lot of women face and I feel like itong kantang ito, marami ang makaka-relate dito.

NOT DEDICATED TO BILLY. Hindi rin dedicated ang kanta para sa ex-boyfriend niyang si Billy, paglilinaw ni Nikki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa tema ng kanta, maaaring marami kasi ang mag-isip ng ganito.

“No, of course not. I mean yun ang mga medyo kabayaran ng trabaho namin.

“Everything will be traced back to that [but] not necessarily.

“In fact, the song is written with a married couple in mind, so alam ko kwento talaga ng mag-asawa ito.

Pagdidiin ni Nikki, “I wouldn’t say it’s dedicated to anyone in particular, I would say that because of my experience, I was able to give it more emotions.”

Ano naman ang nararamdaman niya na lagi pa rin siyang inuusisa ng ibang reporters tungkol kay Billy kahit matagal nang tapos ang kanilang relasyon?

“You know, I don’t wanna fault them for it because it’s part of their job.

“I would prefer that they didn’t bring it up… na sana tulungan na lang tayo… nakaraan ‘yon, but ’di mo rin masisisi kasi kasama ’yon sa trabaho nila.

“I deal with it as it comes and I try to turn that into something good and [hope] readers can pick something from it and that would serve its purpose.”

AT PEACE. Nang kumustahin naman si Nikki, sagot niya: “I’m very, very happy. I am at peace and I’m excited for what God is doing in my life.”

Inamin ni Nikki noong February na may idini-date na siyang isang non-showbiz guy.

Kamusta na ba ang idini-date niya?

Read: Nikki Gil admits dating non-showbiz guy

“Good, it’s doing very well. I’m dating, my heart is very happy.

“I’m exclusively dating, I am sure a lot of people will see me with the same person.”

Inusisa siya kung handa na ba siyang makipagrelasyon muli, subalit hindi ito direktang sinagot ni Nikki.

“I don’t think I’ve ever fallen into the trap of, ’Ayoko na,’ ’Ayoko muna,’ ’Huwag…’” aniya patukoy sa pagpasok sa relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga before, hindi naman gano’n lagi. It just so happened na hindi lang sinuwerte, but I don’t wanna be jaded. I don’t want to be cynical about it because love is a beautiful thing, falling in love is a beautiful thing, and just because napaso ka ng isang beses, doesn’t mean you have to put up these walls.”

Sa tanong naman kung may nagpapasaya sa kanya ngayon, sagot ni Nikki: “I’m very happy, hindi din naman talaga ako dumaan sa talagang lugmok, I choose not to.

“With or without a partner, I’m happy.

“Maybe with someone, I will experience a different level of happiness, but without a partner, I’ve learned to be happy, which is I think ay importanteng bagay na masaya ka.”

Ang dami rin daw trabahong nakatakdang gawin ngayon ng Kapamilya actress.

Bukod sa upcoming teleserye na Hawak Kamay kasama sina Piolo Pascual at Iza Calzado, ginagawa na rin ngayon ni Nikki ang kanyang susunod na music album at iaanunsiyo sa mga susunod na linggo ang gagawin niyang isang musical play.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN