Melissa Ricks on "sweet" photos of ex-bf Paul Jake Castillo and Kaye Abad: “May kutob na ako na mangyayari ‘yan...I just wish them the best."

Hindi na nagulat si Melissa Ricks sa balitang nag-uugnay sa ex-boyfriend niyang si Paul Jake Castillo kay Kaye Abad. Bukod sa nagkaroon na ito ng kutob noon pang lumalabas sila on group dates kasama rin ang ex-boyfriend ni Kaye na si Guju Lorenzana, hindi na rin daw bago ang "switch-switch pass-pass" na relasyon sa showbiz.


May mga naglabasang pictures na magkasama at sweet sa isa’t-isa sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo.

Kuha ito sa isang beach sa Cebu, ang kinalakihang lugar ng actor/businessman.

Usap-usapan tuloy ngayon na may espesyal na relasyong namamagitan sa dalawa.

Huling boyfriend ni Kaye si Guji Lorenzana, samantalang si Melissa Ricks naman ang huling karelasyon ni Paul Jake.

Kaya nitong nakaraang Linggo, May 25, sa ASAP, ito ang inusisa namin kay Melissa, na hindi raw nagulat dahil noon pa man ay malakas na ang pakiramdam niyang posibleng magkakagustuhan ang kanyang ex-boyfriend at si Kaye.

“May kutob na ako na mangyayari ‘yan eventually so ako naman, I just wish them the best. Hindi na ako nagulat.

"Lahat na lang tayo maging masaya, wag na tayong maging bad vibes. Ayoko nang pahabain, hayaan na lang natin na ganun.”

"SWITCH-SWITCH PASS-PASS." Halos siyam na buwan na ring hiwalay sina Melissa at Paul Jake kaya hindi na raw siya naaapektuhan ng mga ganitong balita.

“Ako, ayoko na ng away, ayoko na ng gulo. Friend kami ni Paul Jake. Relasyon na nila yun. I don’t wanna comment on that anymore. Kung ano ang sa kanila, sila na lang ang tanungin nyo.”

Sa kuwento sa amin ni Melissa, noong sila pa ni Paul Jake, nakakasama pala nilang lumabas sina Kaye at Guji.

“Lagi kaming magkakasama before pag mga Sinulog, gimik-gimik, magkakasama kami. Kami nila Paul Jake, Guji...marami kami,, magkakasama kami nun.

"Kami pa ni Paul Jake nun, sila ni Guji.”

Hindi naman daw bago sa showbiz ang rigodon ng relasyon.

“Ganun talaga ang buhay ngayon, nowadays, ganun talaga. Artista naman tayo, switch-switch, pass-pass.”

LOVELIFE. Nang kumustahin namin ang lovelife ni Melissa, inamin ng aktres na may boyfriend siya sa kasalukuyan.

“Okay lang naman, mayroon, pero siyempre we are keeping things private.

"Non-showbiz pero nag-artista siya before, now commercials.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre coming from my past relationships, ’di yata maganda yung masyadong alam ng lahat.

"Maybe this time, I’ll keep it to myself and enjoy something for myself.”

Bukod sa nag-artista dati ang kanyang boyfriend, “Mayroon silang mga negosyo.

"Schoolmate ko siya before sa OB [Montessori]. Kilala ko siya mga five years na.”

VACATION MODE. Pagkatapos ng seryeng Honesto, pahinga muna ang aktres sa paggawa ng mga soap.

“Ngayon, wala pa akong ginagawa after Honesto, vacation mode muna. Lagi akong nagbi-beach, hanging out with friends, spending time with my Dad.

"Sanay kasi ako sa araw-araw na taping, ’di ako nakakapag-rest kaagad.

"Ito, medyo mahaba-habang pahinga, I think three months nang natapos yung Honesto.”

Ano pa ang ibang pinagkakaabalahan niya?

“Wala pa naman as of now. Mayroon akong indie pero ’di pa siya pinapalabas. Ligaw, it’s based on true story.

"Its’ my very first indie ko. Actually, marami ang nag-o-offer sa akin na indie films pero pag binabasa ko yung script, medyo nagdadalawang-isip ako.

"Pero ito, nung nabasa ko yung script, sobrang touching yung scriptwrting, sobrang detailed, ang ganda ng kuwento.

"I agreed to do it and hayun. I really like it and I’m excited for everyone to see it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN