Police and barangay authorities on Claudine Barretto’s complaint: No report of shooting incident in Malanday from May 8 to May 9

An excerpt from the letter of Malanday Barangay Chairman Joseph Briones: "This is to certify that there is no reported shooting incident from any resident of Loyola Grand Villas from the period of May 8-9, 2014."


Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng mga dokumentong nagsasabing walang insidente ng pagpapaputok ng baril sa Barangay Malanday, Marikina City, noong May 8 at 9.

Noong May 28, inilabas sa Instagram ni Claudine Barretto ang sulat ng Marban Security and Investigation Agency na ipinadala sa pamunuan ng Loyola Grand Villas (LGV) Homeowners Association Inc.

Binanggit ditong nakarinig daw ang security guard ng "multiple gunshots" kaya pina-imbestigahan umano ang areas ng Guatemala St. hanggang Amakan.

STATEMENT FROM THE OFFICE OF BARANGAY MALANDAY. Pero ayon sa isang sulat na nakalap ng website na ito, walang natanggap ang barangay hall na report ng pamamaril mula sa sinumang residente ng LGV mula May 8 hanggang May 9.

Ang sulat ay pirmado ni Malanday Barangay Chairman Joseph Briones.

Sinabi rin ng punong barangay na maging sa blotter book ng kanilang tanggapan ay walang nakatalang reklamo tungkol sa diumano’y insidenteng pagpapaputok ng baril sa lugar.

Ani Chairman Briones sa isang bahagi ng kanyang sulat: "This is to certify that there is no reported shooting incident from any resident of Loyola Grand Villas from the period of May 8-9, 2014."

Bukod sa kopya ng sulat mula kay Chairman Briones, nakakuha rin ang PEP ng kopya ng blotter entries sa logbook ng Barangay Malanday mula 12:05 a.m. ng May 8 hanggang 12:30 p.m. ng May 9.

Samantala, sa ipinakitang sulat ni Claudine mula sa security agency ng LGV, isinaad ditong "12:05" ng umaga naganap ang diumano’y pagpapaputok ng baril.

READ: Claudine Barretto shows "proof" of shooting incident allegation

STATEMENT FROM MALANDAY POLICE: Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong May 28, ipinakita ni Claudine ang nabasag na glass door sa balkonahe ng kanyang bahay.

Naniniwala ang aktres na tinamaan ito ng bala nang makarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril noong gabi ng May 8.

Sinabi rin ni Claudine na agad niyang ini-report ang nangyaring insidente sa security ng LGV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May 20 nang inindorso ng Marban Security Agency ang reklamo ni Claudine sa Philippine National Police Malanday Sub-Station, upang magawaran ito ng kaukulang aksiyon.

Nagtungo rin si Claudine sa Malanday Police Station upang humingi ng kopya ng blotter report tungkol sa insidente.

Kasama ng aktres ang kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, pati na rin ang 24 Oras reporter na si Nelson Canlas.

Dito ay napag-alaman ng aktres na walang natanggap ang pulisya na anumang blotter report mula sa Marban Security Agency, na siyang nangangasiwa sa seguridad ng LGV.

Sabi ni SPO3 Roy Repante sa panayam ng 24 Oras: “Noong araw na po yun, according to the logbook, wala po, negative.”

Kasalukuyan nang kinokontak ng PEP ang abugado ni Claudine na si Atty. Topacio para sa anumang karagdagang pahayag tungkol sa kawalan ng blotter report.

Bukas din ang website na ito sa pahayag ng mga taong nasangkot sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN