Dennis Trillo on possibility of My Husband’s Lover Book 2: "Hindi imposibleng mangyari."

Dennis Trillo is enjoying his freedom and status as an eligible bachelor after a series of stormy relationships and pouring all his love on his son Calix who will soon turn seven.


Sa PEP List 2013 Awards night, isa sa pinaka-well-applauded ang Celebrity Pair award na naigawad sa tandem nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez para sa hit gay drama series nilang My Husband’s Lover ng GMA-7.

May sakit si Dennis nang gabing iyon kaya si Tom na lang ang um-attend at tumanggap ng napanalunan nilang trophy bilang magkapareha.

"Basta, ’bro, loveteam tayo!" kuwelang sambit ni Tom, bilang bahagi ng kanyang acceptance speech.

Proud naman daw si Dennis sa nasabing award na kabilang sa PEPsters’ Choice category.

Validation daw ’yon ng pagtangkilik sa kanila ni Tom, with lone female lead, Carla Abellana, sa show.

"Oo naman, siyempre, mga fans din ang namili no’n, kaya ayaw ko namang balewalain ’yon," pahayag ni Dennis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung May 22, dalawang araw matapos ang awards night.

"Malaking bagay talaga yun.

"Suwerte namin [ni Tom], at nagpapasalamat ako sa mga bumoto at sa mga naniniwala dun sa tambalan namin."

Ipinagmamalaki daw niya ang role niya bilang isang binabae sa My Husband’s Lover.

"Malaki ang utang na loob ko sa show na yun.

"Sobrang proud ako na naging part ako nun... at hanggang ngayon, tinatangkilik nila yun," saad pa niya tungkol sa mga botong ibinigay sa TomDen pair.

STRAIGHT ROLE. Nagpahayag din ang aktor hinggil sa role niya sa indie film na The Janitor bilang isang dating pulis.

Ang impression nga ay tinanggap ni Dennis ang role upang mabilis na makawala sa tinangkilik na pagbabading niya sa telebisyon.

"Oo, minabuti ko rin ’yon," pag-amin ni Dennis.

"Actually, hindi lang dahil gumawa ako ng gay role before.

"Pero, ako kasi, minamabuti ko na bawat project na ginagawa ko, gusto ko malayo talaga dun sa previous [role or character], ’di ba?

"Para makita naman ng mga tao, na talagang nag-e-effort ka.

"Para baguhin o i-reinvent yung sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para hindi sila magsawa na yun at yun ang kaya mong i-offer.

"Si Direk Mike [Tuviera, The Janitor director], gusto raw talaga niya na mapunta sa akin yung project.

"Gusto nila [ng producers] na makita ako ulit... nanggaling sila dun sa My Husband’s Lover, at napanood nila ito."

Naisip daw ng producers ng The Janitor na mas maganda kung ang role ni Dennis ay direct opposite ng katatapos lang nitong gay portrayal.



MHL BOOK 2? Bilang isa sa pinaka-top rating drama series ng Kapuso network, nag-iwan ng magandang alaala sa marami ang My Husband’s Lover.

At nagpapatuloy nga ang pagtangkilik dito ng publiko, sa iba’t ibang paraan at pagkakataon.

"Oo, considering na seven months ago pa yun, ha. Pinag-uusapan pa rin," nangingiting sambit ni Dennis.

Hindi man sure kung "Talk of the Town" pa rin sila, pero opinyon ng aktor, "Siguro, meron lang talaga kaming naiwan na maganda sa kanila.

"Na hanggang ngayon talaga, hindi nila makalimutan.

"Nakakatuwa rin naman, kasi meron akong ibang mga projects na ginawa, na I’m sure hindi na naaalala ng iba.

"Pero ang My Husband’s Lover, kahit tapos na siya, meron pa rin kaming trabaho ni Tom... nagdu-duet pa rin kami.

"Nakakatuwa, tinatangkilik pa rin ito ng mga tao, hanggang ngayon," banggit pa ni Dennis.

Marami rin ang nagtatanong hinggil sa posibleng Book 2 ng My Husband’s Lover.

"Hindi imposibleng mangyari," saad ni Dennis.

"Pero, sa ngayon, meron kaming individual projects.

"Ewan ko, sina Tom at Carla yata, magsasama sa teleserye.

"Siguro, after nitong mga shows namin na naka-line up."

PROJECTS. Katatapos lang ipalabas ang rated-A film nina Tom at Carla, ang So It’s You na dinirek ni Jun Lana.

Sabi ni Dennis, "Light romance-drama naman yung kanila.

"Ako, merong doctors’ series [Sa Puso Ni Doc under GMA News Channel].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos, by end of June, may soap kaming gagawin ni Carla, sa primetime.

"May mga binanggit na sila [GMA bosses], pero confidential pa," sabi rin ni Dennis, na kapipirma lang ng bagong kontrata sa network.

Ano pang roles, sa telebisyon at pelikula, ang pinapangarap gampanan ni Dennis?

"Kung puwede sana, yung hindi ko pa nagagawa... madami pa, e.

"Gusto kong maging kontrabida, yung talagang masama... masamang tao!"

Paano kinakaharap ni Dennis ang maaaring makaapekto sa pinaghirapan niyang estado, bilang aktor?

"Ah, yung mga gano’n, basta ano lang... kailangan paghiwalayin mo yung personal ’tsaka yung trabaho.

"Kasi magkaibang bagay ang mga yun, hindi puwedeng pagsamahin.

"’Pag pinagsama mo, talagang magkakaproblema ka.

"Masisira talaga ako, ’pag naghalo ang dalawang yun."

SETBACK. Naisip ba niyang mag-quit sa showbiz bunga ng masalimuot na pangyayari sa personal niyang buhay?

"Hmmnn...wala, wala. Wala namang naging ganung kabigat na problema talaga," saad ni Dennis.

"At saka, mahal ko yung trabaho ko. Walang matinding dahilan para iwan ko yung ginagawa ko, ’di ba?

"Basta siguro ginagawa mo rin yung trabaho mo, kahit magkaroon ka man ng masamang rekord, mabubura at mabubura din yun.

"Siguraduhin mo lang na makakabawi ka. Yun ang importante," sabi pa ng multi-award-winning actor.

"Kung mayroon kang kakulangan, kailangan mapuno mo yun.

"Sinuwerte rin siguro ako, na dumating ang magandang project.

"’Ayun, malaking bagay talaga yung My Husband’s Lover."

"At dahil minahal ng tao yung character na ginawa ko, hindi na sila nahirapan na mahalin [uli] ako."

EXES. Lumilitaw na ang "setback" sa career ni Dennis ay bunga ng naging pakikipagrelasyon niya sa mga taga-showbiz, o kilalang personalidad.

Tulad nina Carleen Aguilar, former beauty queen na ina ng kanyang anak na si Calix Andreas, at Jennylyn Mercado na hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay.

"Nasa tao naman yun. Siguro, sa akin, hindi masyadong naging effective [ang relationship].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"O, siguro, natiyempo lang... Ayoko na lang balikan yung past, kasi ngayon, puro on the positive na ako, e."

May offer ba na magkatrabaho sila ni Jennylyn? If ever, willing ba si Dennis?

"Wala pa naman... wala namang problema. Basta trabaho lang."

Obserbasyon ng iba, pareho sila ni Jennylyn na matagumpay na nakabuwelo, matapos ang kanilang "stormy" love affair.

"Buti na lang, nagbago ang ihip ng hangin," sabi ni Dennis.

Is he friends with his exes?

"Yung iba," nangiti si Dennis.

"Karamihan sa kanila, oo. Mahirap naman yung may kaaway ka sa ano... maliit lang ang showbiz, ’di ba?"

SINGLE FATHER. Sa pamilya at sa naging anak nila ni Carleen na si Calix naka-focus si Dennis.

Calix is turning 7 on September 22. Hindi nakakalimutan ng aktor ang mahahalagang araw ng anak, at kasama rin niya ito tuwing Father’s Day, tuwing Hunyo.

"Ngayong bakasyon, magkasama rin kami," ani Dennis.

May naging kritisismo man sa pagiging lover niya, hindi naman mabura ang "good father" image ni Dennis.

"Oo, siyempre naman dahil importante ’yan, e. May umaasa na sa ’yo. So kailangan talaga [iayos ang sarili]... para sa future.

Kanino nakalaan ang future niya?

"Para sa pamilya ko at kay Calix," sambit ni Dennis.

Any plans for his own family?

"Wala pa, e. Hirap. Baka kasi... Ayokong maging pabaya, kung meron akong bago. Gusto ko, focus muna."

At 33, past marrying age na si Dennis. Any plans sakaling matagpuan na niya ang susunod na iibigin?

"Someday, pero sa ngayon, hindi pa, e."

Meaning, nag-e-enjoy pa siya sa pagiging eligible bachelor?

"Oo," sagot niya. "Na-miss ko din, kasi ang tagal din na... lagi akong nasa relasyon.

’Pag nasa relasyon ba si Dennis, nawawala ang kalayaan niya, kahit hindi pa naman siya kasal?

"Mas free lang ako ngayon," sambit pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN