Janno Gibbs on being paired again with Manilyn Reynes: "Feeling ko sa career ko, big deal si Manilyn for me."

Janno Gibbs recognizes Manilyn Reynes’s contribution on when he was just starting his showbiz career: "Kasi, nakilala ako dahil kay Manilyn. Nag-start ako, sikat na siya nun. So, noong nag-pair kami, artista na siya no’n bago ’ko."


Balik-tambalan sina Janno Gibbs at Manilyn Reynes sa bago nilang afternoon series, ang My BFF kunsaan, mag-asawa ang gagampanan nilang role.

Hindi rin naman matatawaran ang naging kasikatan ng love team nila, lalo na noong nasa That’s Entertainment pa sila.

Ngayon, tila ibinabalik ito ng Kapuso network.

Ayon naman kay Janno nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon ng My BFF noong Martes, May 27, sa GMA-7 Network Building, “Maganda, happy kami sa ginagawa namin. Mahirap... ”

Paano niya nasabing mahirap?

“Well, dito, hindi ako support. Ano kami, kaming apat lang yung focus ng story.”

Ang tinutukoy ni Janno, maliban kay Manilyn ay ang dalawang bata na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey.

Dugtong pa ni Janno, “First time ko na may heavy scenes.

"Dati, nagsi-serious naman ako sa mga roles, pero ngayon lang, may mga crying scenes.

"For some scenes lang naman, mostly light lang pero may mga eksenang kailangan na iyak-iyak talaga.”

REUNITED. Anong pakiramdam niya sa pagbabalik ng loveteam nila ni Manilyn pagkatapos ng ilang taon?

“Sa tinagal-tagal, ano?” natatawang banggit niya.

“Ako, sabi ko nga kanina, nag-aano rin ako, nagho-hold-out din ako.

"Dati, hihilingan kaming mag-guest, medyo ano ’ko, medyo apprehensive na, ’Saka na lang, saka na lang...’”

Bakit nagkaroon siya ng apprehension na makasama o makatambal muli si Manilyn?

“Ako kasi, feeling ko sa career ko, big deal si Manilyn for me.

"Kasi, nakilala ako dahil kay Manilyn. Nag-start ako, sikat na siya nun.

“So, noong nag-pair kami, artista na siya no’n bago ’ko.

"So, unang pasok ko, loveteam namin.

"Kumbaga, naghihintay ako ng magandang project.

“Ito, noong kinuwento sa akin ang story, ’Okey ‘to, family na.’

"’Tapos yung mga eksena, nandoon pa rin ang chemistry, yung batuhan namin.”

Ano nga ba ang genre ng bago nilang serye, comedy, drama o horror? Dahil ang karakter ni Jillian ay isang multo na kaibigan ni Mona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Janno, “Basically, serious siya. ’Tapos, ang dating sa akin, light lang na family-drama.

“Kasi, nagpo-focus siyang talaga sa mga topic na sunduan ng anak.

"’Tapos, mag-asawa kami na may kanya-kanyang career.”




PARENTHOOD. Base raw sa mga natatanggap niyang mga feedback at komento, lalo na sa mga netizen, naniniwala si Janno na nandiyan pa rin ang ilan sa mga naging tagahanga nila noon ng loveteam nila.

“Nag-post pa lang kami ng storycon, ang dami nang na-excite.

Hindi sila nag-aaway ni Manilyn?

“Sa totoo po o sa ano?” natatawang tanong niya, saka sinabing, “Pareho rin, sa totoo at sa eksena.”

Magkaibigan ba sila ni Manilyn?

“Oo, friends kami, pero hindi kami ganoon ka... Hindi kami barkada. May communication kami.

"May number ko siya, may number niya ’ko. Nagkikita kami sa mga SOP, Party Pilipinas... minsan, ganun lang.

“Nagkikita na kami backstage kasama sina Bing [Loyzaga, his wife], Aljon [Jimenez, Manilyn’s husband], ganun na kagaan.

"Okey na, nakikita ko mga anak niya.

"Pareho na kami, kaya nga perfect yung show para sa amin, sa time ng buhay namin. Perfect na.

“Kasi nga, mga magulang na kami pareho, malalaki na ang mga anak namin.

"Sabi ko nga, nakakatuwa kasi, ngayon lang kami nagkatrabaho ng mahabaan, buong araw, magkasama kami.

“So, nandiyan na yung kapag hindi take, nagkukuwentuhan kami ng, ’Naaalala mo ba noong nag-away tayo..?’

"Nakakalimutan namin na naka-lapel kami. ’Sorry! Sorry! Naka-lapel pala!’

"’Tapos yung mga co-stars namin na kaeksena namin, parang, ’Ganito pala ang dalawang ‘to.’”

SPARKS. Ano sabi ni Bing sa pagtatambal nilang muli?

“Nag-usap kami... kahit si Aljon din.

"Sabi nga niya, he’s a fan of Janno-Manilyn [loveteam], kasi pumasok siya after na namin.

“Si Bing din natutuwa para sa amin, kasi alam nila na malaking part ng career namin ang Janno-Manilyn.”

Ang kantang “Always” ang masasabing signature duet nilang dalawa noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kakantahin ba nila yun sa promo ng My BFF?

“Dapat, dapat,” nakangiting sabi niya.

“Pinipilit namin yun na dapat kantahin namin.”

Sa pagsasama nilang muli, may “spark” pa rin ba?

“Alam n’yo, hindi puwedeng mawala yun, e.

"Hindi magwo-work kung sa mga eksena wala.


"At least sa mga eksena, meron pa rin, e.”

WORKLOAD. Masaya raw si Janno sa GMA-7 lalo na raw ngayon na sunud-sunod ang mga proyektong ginagawa niya.

Sabi nga niya, “Sobrang happy sa GMA, hindi lang sunud-sunod ang soap bilang artista, ’tapos pati theme song pa, sunud-sunod din.

Kuwento pa ni Janno sa mga kantang ginawa niya para sa shows ng GMA-7, “This year lang, meron na akong Paraiso Ko’y Ikaw, Kambal Sirena.

"Lumang kanta ko na yung sa The Borrowed Wife, ’tapos sa Ang Dalawang Mrs. Real.


"Dito sa My BFF, same ng title, ang kakanta, yung dalawang bata. Baka pumasok lang kami sa gitna ni Manilyn.”

Kinumusta rin namin si Janno sa nangyari sa kanilang musical show na Sunday All Stars (SAS) na nag-reformat muli.

Ayon naman kay Janno, “Malungkot ako, personally, happy na sana ’ko doon sa labanan.

"Happy na ’ko ro’n, masaya ’ko dun. Nagsa-shine, lalo na yung mga younger [artists].

“Although, sa tagal ko na rin, sabi ko nga, ako na lang ang natitira from SOP, ako na lang ang buhay ro’n na original.

"So, sa lahat sa kanila, ako na lang ang pinaka-sanay na nag-iiba-iba ang show.

“Siguro, ako na yung pinakatanggap ko na talagang mag-iiba-iba yung format niya.”

RIVALRY. Kapag may nagsasabi na tipong hindi makaagapay ang SAS sa ASAP [ng ABS-CBN], ano ang nagiging impact sa kanya?

“Kasi, nagkakaroon naman ng... hindi naman kasi kami talung-talo. Feeling ko, cycle rin ‘yan, e.

“Kasi, nagkaroon ng time noong SOP, angat kami, so sila naman ang hahabol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aangat kami, hahabol sila. Aangat sila, hahabol kami. Feeling ko, constant na ‘yan na ganyan.

“Sila rin, meron silang ganyan. So, forever na ‘yang habulan.”

Isa pang mga opinyon na sinasabi rin, tila maganda rin daw ang style ng kabila na hindi nagbabago ng title.

Sana raw ni-retain na lang ang titulong SOP kahit nagre-reformat pa, agree ba siya dun?

“May point, may point yung mag-i-stick ka sa title. Pero yun nga, dahil sobrang sanay na ’ko sa pabagu-bago, okey lang.

“Sa akin, alam nila ‘yan, kapag sinasabing magre-reformat, sumasama ’ko sa usapan.

"Sa akin, laban lang nang laban. Kaya naman, e.”

OGIE ALCASID. Ang dati niyang “partner” sa Sunday show nila ay ang kaibigang si Ogie Alcasid.

May komunikasyon pa ba sila simula nang lumipat ito sa TV5?

“Meron pa rin,” saad niya.

Kumusta naman daw si Ogie?

“Pagod na pagod daw siya,” natatawang sabi ni Janno.

“Hindi, hindi naman, busy, sobrang busy siya. Pero, happy ako for him.”

Hindi ba siya niyaya ni Ogie na samahan ito sa Kapatid network?

“Hindi. Siguro kasi, alam niyang happy ako dito sa GMA.

"Hindi naman ako pinapabayaan dito. Sobra-sobra pa nga ang binibigay sa akin dito.

“Alam niya na happy ako rito, alam ko rin na happy siya dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN