Coney Reyes good-humoredly avoids talking about Vic Sotto and Pauleen Luna: "Tanungin niyo na lang ako sa lovelife ko."

On Vic Sotto and Pauleen Luna, Coney Reyes quips: “Ano ba kayo, ‘wag niyo na kong isali diyan. Tanungin niyo na lang ako sa lovelife ko."


Nang maging guest ang nagbabalik-Kapusong aktres na si Coney Reyes sa Startalk noong Linggo, May 25, marami ang nagulat sa ilang naging rebelasyon niya.

Tulad ng dalawang beses daw niyang tangkang pagpapakamatay.

Pero sabi niya, hindi na raw ito bago, "If you watched 700 Club, nabanggit ko na yun."

Si Joey de Leon ang nag-interview sa kanya.

Dugtong ng batikang aktres, “Oo nga, ewan ko dun, siguro kasi, naalala niya yung dati.

"Sabi nga niya, ’Yung song sa Eat Bulaga, ’Sina Tito, Vic and Joey, kasama pati si Coney,’ ‘di ba, dati ganun?”

Nakausap si Coney ng entertainment media kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ang Dalawang Mrs. Real sa Studio 7, noong May 26.

Pahayag niya, “And my book, yung This is My Story na ginawa ng church, nandoon.

"So, I’ve really been openly giving my testimony.

“Kasi, hindi ko naman ikinahiya ang mga nangyari sa past ko kasi God turned it for my good and for His glory.”

REACHING OUT. Ayon kay Coney, "super dami" raw ang tumawag at naghanap ng paraang makausap siya pagkatapos ng guesting niya sa Startalk.

Kuwento niya, “Hindi nila alam how to get to me kasi, ganoon ang mga story nila, mga attempted suicide ’tapos yung may mga problema sa iba-iba.

“May house ako sa Brentville, so meron isang tao ro’n, foreigner ang asawa niya.

"Kinausap niya yung sa administration do’n to find a way to get to me..."

Gusto raw no’ng taong naghahanap sa kanya na magpa-counsel.

“Ang mahirap lang kasi, wala na kong time din.

"But I do counseling sa mga taong kilala ko na talaga.

"Every now and then, I do 700 Asia but I’m doing soap kaya mahirap for me.”

FLASHBACK. Marami raw naalala si Coney sa muli niyang pagbabalik sa GMA sa pamamagitan ng Ang Dalawang Mrs. Real.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Salaysay niya, “Actually, parang medyo nag-flashback ako sa mga bagay-bagay.

"Kasi sa Student Canteen ako nagsimula, yun ang first regular show ko ’tapos daily pa.

"Sila rin, yung Program Philippines Incorporated, that PPI, yung producers noon, sina Eddie Ilarde, Bobby Ledesma, I think, sina Mr. [Menardo] Jimenez din, part no’n.

“’Tapos, tinanong nila ko no’n, we’re thinking of putting up a new show for you, I was thinking, it was a talk show.

"I said, ’I want to be an actress first before a host,’ then sabi nila, ’Gusto mo?’"

Ang PPI rin daw ang nag-isip ng Loving Yours at Coney Reyes-Mumar Drama Studio.

"Kapapanganak ko lang sa daughter ko noon, 1981.

“’Tapos lumipat ako sa Eat Bulaga! Siyempre, hindi na sina Ilarde. Nag-take-over naman si Wyngard Tracy and Ben Hernandez.

"Coney Reyes on the Set na while I was doing Eat Bulaga!

"Then, I took over as producer and then I went na sa ABS and [it became] Coney Reyes on Camera.

“It’s the same e lipat-lipat channel lang.

"Hindi siya napuputol. Siguro putul-putol lang. I think, I’m so blessed.”

GMA GROUNDS. Per show lang daw ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA. Sa ngayon, para lang ito sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Katwiran ni Coney, “Sabi ko, ’Teka muna, let’s just see where this [will] take [me].’

“Basta, I just want to work, I just want to act.

"Wala naman akong asawa, mga anak ko, mga adults na.

"Anong gagawin ko, tutunganga?” natatawa niyang sabi.


Nanay siya ni Dingdong Dantes sa Ang Dalawang Mrs. Real at unang beses nilang magkakasama sa isang programa.

Kumusta naman?

“Nag-e-enjoy ako, ang bait na bata, e. Ang bait ni Dingdong at saka professional talaga.

“I can see that he works hard and he likes what he’s doing at magalang na bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SON VICO. Ang anak niya kay Vic Sotto na si Vico ay nakikitaan daw ng interes sa mundo ng pulitika.

Sa ngayon, nagtatrabaho ito sa Quezon City Hall.

Graduate ito ng Political Science sa Ateneo de Manila University at nakadalawang taon na sa University of the Philippines College of Law nang huminto muna at magtrabaho.

“His heart is for the poor ever since he was a small boy,” saad ni Coney.

Papasukin ba ni Vico ang pulitika?

“Wala pa naman siyang sinasabing ganun, pero siguro nakikitaan lang ng Papa niya na parang may inclination siya.

“He really goes to barangay. People person siya pero tahimik lang siya.

"Pareho rin siya ng Papa niya, parang tahimik.”

FRIENDS. Sa June 2 na ang pilot ng Ang Dalawang Mrs. Real kaya tinanong si Coney kung magpo-promote ba siya sa Eat Bulaga!

Natatawang sagot niya, “Kayo talaga, bakit ba ganyan kayo ng ganyan sa akin?

“Alam niyo ba, 20 years ago na.”

Nag-guest naman siya sa Eat Bulaga! dati, ‘di ba?

“Oo naman. ‘Di ba nga, noong 25th anniversary nandoon ako, sino ba ‘yan?” natatawang sabi pa rin niya.

“Nag-guest na rin ako sa show niya [Vic Sotto] noon, yung DaDeDiDoDu ’tapos nag-guest din ako sa Who Wants To Be A Millionaire?

“’Tapos gine-guest nila ko dati sa Pinoy Henyo, pero sabi ko, ’Naku, mamamatay ako sa nerbiyos dun.’”

Dugtong ni Coney, “Friends kami. Palagi siyang nasa bahay.

"Well, hindi naman palagi pero most of the time, he’s there, weekly, nagdi-dinner siya ro’n.

“Well, not for me, but for my son. Iklaro lang natin.”

Pinagluluto ba niya si Vic dahil sabi nga niya, nagdi-dinner ito sa bahay nila?

“Hindi naman ako palaging nagluluto, hindi naman ako nagluluto araw-araw.

"Siyempre, minsan, kapag type kong magluto ng certain things and nagkataon na nandiyan siya e wala naman siyang ibang kakainin kung hindi yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa na lang din si Coney nang may magsabing kahawig daw niya ang girlfriend ni Vic ngayon na si Pauleen Luna.

Nag-meet na ba sila ni Pauleen?

“Ano ba kayo, ‘wag niyo na kong isali diyan. Tanungin niyo na lang ako sa lovelife ko.

“Akala mo naman meron,” natatawa niya rin sabi.

Baka meron nga siyang lovelife?

“Wala, tahimik na tahimik ang buhay ko.

"Boring para sa inyo I’m sure kasi, wala kayong makukuha.”

SLIMMER. Napansin din ng press na malaki ang ipinayat niya at mas bumagay ito sa kanya.

Nakangiting sabi ni Coney, “I do stationery bike. Hindi na ko masyadong nagka-karne.

"Pero, hindi ko maiaalis talaga ang aking mga chocolates.

“Kaya minsan, tinatago na nila sa akin, pinangdidilatan ako ni Vico.

"Sabi niya, ’You said you won’t eat chocolates anymore.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN