LJ Reyes says Paulo Avelino is "okay" as father to son Aki: "Hindi siya nagpapabaya."

With her dimples showing, LJ Reyes reveals how she survived failed relationship with Paulo Avelino, the father of her son: "Malaking tulong naman ang prayers talaga...opo, very happy kung nasaan ako ngayon."


May mga advantages at disadvantages para kay LJ Reyes ang buhay artista.

Aniya, "As much as possible naman po, tina-try kong i-balance na magkaroon pa rin ako ng private life.

"At the same time, yung mga taong sumusubaybay sa ’yo, yung iba, gustong malaman kung okay ka o hindi."

Hangga’t maaari raw, gusto niyang sarilinin na lang ang pribadong aspeto ng kanyang buhay.

Sa pagpapatuloy ng Kapuso actress, "Gano’n naman so kahit paano, bibigyan mo pa rin sila ng assurance na okay ka.

"Pero minsan, kailangan mo pa ring mag-keep ng mga bagay sa sarili mo, sa pamilya mo lang.

"Kasi, for me po, as an actor, ’pag nasa trabaho ka, iba-ibang characters ang pinu-portray mo

"Pero yung ikaw, yun yung haven mo," ang matalinhagang sambit pa ni LJ.

"Mahirap i-balance, pero kailangang ma-keep mo pa rin [ang iyong privacy]."

ON PAULO AND AKI. Nakausap si LJ ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng The Janitor noong May 22.

Excited siyang nagkuwento tungkol sa anak nila ni Paulo Avelino na si Aki.

"Okay po siya," ang sabi ng 26-year-old actress.

"Magpu-four na po siya sa July 24. Hindi naman po ito [kumplikado], like single mother ako.

"Pero nandiyan naman po young Tatay niya.

"Hiwalay lang po kami."

In fairness to her ex-partner, "Hindi siya nagpapabaya. Napaka-lovable nung bata."

Nagkikita ba regularly sina Paulo at Aki?

"Yes, opo, or kukunin niya, mamamasyal sila.

"As long as free naman siya, dumadalaw siya, kinukuha niya si Aki."

TWO TO TANGO. Mag-asawa ang mga character nina LJ at Dennis Trillo sa The Janitor, ang Cinemalaya entry na tinatapos i-shoot ng aktres.

Ayon pa kay LJ, sinusubok ng pagkakataon ang pagsasama ng karakter nila ni Dennis sa kuwento ng indie film.

Kabaligtaran daw nito ang sitwasyon ng naging relasyon nila ni Paulo sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta sa akin, okay siya," pagtukoy pa rin ni LJ sa ama ng kanyang anak.

"Lahat ng tao nagsasabi sa akin, mabait naman po siya.

"Magkasama po kami before...Siyempre, may baby [kami]."

Ang kulang na lang sa kanila ni Paulo noon ay ang kasal.

"Yes, ganun na lang," ang matipid niyang sabi.

Bakit kinailangan nilang magkahiwalay?

"Well, I think, it takes two to tango," saka natawa nang bahagya si LJ.

"Bakit kailangan?" sandali rin siyang nag-isip. "Ah, ipinagdasal ko naman po yun. Ipinagdasal ko naman po lahat yun—kung saan ako dapat magtungo na daan, kung saan ako dapat lumugar, gano’n.

"Malaking tulong naman ang prayers talaga."

Pero masaya ba siya sa kanyang kinalalagyan ngayon?

"Opo, very happy kung nasaan ako ngayon."

KC AND PAULO. Wala ba siyang nararamdamang kahit anong emosyon lalo pa’t iniuugnay ngayon si Paulo kay KC Concepcion?

"Wala po," paniniyak niya.

Biro naman ng ilang press kay LJ, hindi raw nito tiningnan ang video ni KC sa Parisian ad na ipinakita noong awarding ceremony ng The PEP List 2013, kung saan sponsor ang nasabing shoe brand.

"Ay, hindi ah!" natawa si LJ.

"Pinanood ko yun, yung Parisian...Paano naman nilang nakita yun, may CCTV [camera] palang nakasunod sa akin?"

May idea ba o inkling si LJ sa "real score" between Paulo and KC?

"Hindi ko po alam kasi hindi ko naman po natatanong.

"At hindi na po kailangan."



ALL FOR AKI. Kung mayroon many ipinagdarasal si LJ, iyon ay para kay Aki.

Aniya, "I pray that someday, Aki and I find a family.

"Wala naman po akong sinasabi na siya [Paulo] o ibang tao.

"Basta, I pray that Aki and I build a family."

Wala raw nanliligaw sa kanya ngayon, "Kung meron po diyang umaaligid, hindi ko naman po napapansin.

"Focused po ako sa career ko at sa anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-aaral na po si Aki, kinder na.

"Since nung nag-toddler siya, he went to school.

"Kasi busy po kami pareho [ni Paulo] so ang gusto namin, makapag-interact siya sa ibang bata."

"Yun po ang lagi kong sinasabi sa prayers, na i-bless pa po ako, para mas maalagaan ko pa yung bata at lumaki yung bata nang maayos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN