Eric Quizon on Zsa Zsa Padilla’s new lovelife: “I don’t think Zsa Zsa is doing anything wrong.”

Eric Quizon confirms that he has met with Zsa Zsa Padilla’s new boyfriend and added that the Quizon family is happy for Zsa Zsa’s new lovelife.


Natanong si Eric Quizon kung nagpaplano na ba si Zsa Zsa Padilla na magpakasal sa kanyang bagong boyfriend, ang architect na si Conrad Onglao.

“Wala pa naman akong nababalitaan,” tugon ni Eric Quizon nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media sa press conference ng nagbabalik na legal drama sa ABS-CBN, ang Ipaglaban Mo na magsisimula sa June 7, Sabado.

Isa si Eric sa mga nagdirek ng isa sa mga episodes ng weekly TV series na iho-host ng mag-amang Attorney Jose Sison at anak na si Attorney Jopet Sison.

Pagpapatuloy pa ni Eric tungkol sa isyung pagpapakasal ni Zsa Zsa, “Kung meron mang ganun, I’m sure sasabihin sa akin ni Zsa Zsa ‘yon.

“But like I said before, kung saan masaya si Zsa Zsa, then masaya kami para sa kanya.”

Malapit na kaibigan ni Eric si Zsa Zsa, na longtime partner naman ng yumaong Comedy King na si Dolphy, ama ni Eric.

Bilang kaibigan ni Zsa Zsa, sinabi ni Eric na kailangan niyang ipakita ang suporta sa desisyon ng kaibigan.

“’Pag magkaibigan kayo ng isang tao, no matter what happens, kung anuman ang desisyon niya o desisyon ko, [irerespeto].”

“Siguro puwede kaming mag-advice pero kung wala namang ginagawang masama ang isang tao, ang isang kaibigan, then we will not tell the person na mali ang ginagawa mo… walang gano’n.

“Kumbaga, if you consider the person your friend, you will understand kung ano ang magiging desisyon sa buhay niya, not unless mali ang ginagawa niya.

“But I don’t think Zsa Zsa is doing anything wrong,” sabi ni Eric.


ON MEETING CONRAD. Kinumpirma rin ni Eric ang naunang pahayag ni Zsa Zsa na nagkita na sila ni Conrad.

“Oo naman, na-meet ko na si Conrad,” ani Eric.

“Nagkita na kami, we had lunch together with Zsa Zsa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang tingin niya sa bagong boyfriend ni Zsa Zsa?

“Sa akin, okey, walang problema,” sagot ng actor-director.

Sabi pa ni Eric tungkol kay Conrad: “He’s a good guy. I think he’s a good guy, but of course siyempre yung compatibility nila, sa kanila na ‘yon.”



HAPPY FOR ZSA ZSA. Matagal na ang pagkakaibigan nina Eric at Zsa Zsa.

“Kami ni Zsa Zsa, we’ve been friends for the longest time. Kasi nung nag-uumpisa din ako, kasama ko din si Zsa Zsa sa isang pelikula.

“Nakasama ko din si Zsa Zsa sa mga pelikula ng daddy ko at sa Pahiram ng Isang Umaga [1989].

Dugtong pa ni Eric, “Ever since then, magkaibigan kami ni Zsa Zsa. So, even yung time na nagkasakit yung daddy ko and all that, lahat ng pinagdadaanan namin… we always discuss, ka-telebabad ko ‘yan.

“So kung anuman ang nangyayari sa buhay niya, she’s very open about it and open naman siya sa pamilya namin. And like I said before, kung saan masaya si Zsa Zsa, masaya kami para sa kanya.”

FOREVER. Maging si Zsa Zsa ay vocal na sa pagsasabing sana ay panghabambuhay na ang magiging pagsasama nila ni Conrad.

Read: Zsa Zsa Padilla on boyfriend Conrad Onglao: "He brought back the smile."

Read: Zsa Zsa Padilla says Dolphy “shall be forever” in her heart; prays relationship with Conrad Onglao “shall last a lifetime”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN