Matt Padilla proud of the success of younger brother Daniel; hopes to make his own mark in showbiz

Matt Padilla is grateful that he is also basking in the popularity of his brother Daniel, but, "Gusto kong ma-impress ko rin ang mga tao bilang Matt Padilla."


Isa na namang Padilla ang susubok na gumawa ng sariling marka sa lokal na showbiz. Ang kanyang pangalan ay Matt Padilla.

Siya ang nakatatandang kapatid ni Daniel Padilla sa amang si Rommel Padilla.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Matt sa presscon ng Jasmine nung Martes, May 27, ipinahayag niya agad ang kanyang layunin.

“Siguro ginagawa ko ang best ko para siyempre sumabay sa kasikatan ni Utol [Daniel] para wala tayong marinig na negative na reaction mula sa ibang tao.

"Gusto kong ma-impress ko rin ang mga tao bilang Matt Padilla."

Nagpapasalamat din siya sa pagkakaroon ng isang kapatid na sikat na teen actor.

“Very blessed na mayroon akong brother na Daniel Padilla,” aniya.

“Gaya po ng nangyari, binigyan niya ako ng sasakyan, yung Chevy para masuportahan ako sa trabaho, service sa bahay."

Regalo raw ng mag-inang Karla Estrada at Daniel ang sasakyang iyon.

"Love na love talaga ako ni Tita Karla.

“Siyempre galing din kay Daniel. Siyempre nag-usap ang mag-ina kung ano ang gagawin kay Kuya Matt.”

Nagpapasalamat din si Matt sa mga KathNiel fans na nagbibigay-suporta rin sa kanya.

“Oh, yes, nakakatuwa ’pag nagpo-post ako ng pictures. Ang daming likes sa mga KathNiel. So love din nila si Kuya Matt.

"Thank you sa mga sumusuporta sa Padilla clan.”

TATAK-PADILLA. Kilalang matitinik sa babae ang mga Padilla pero sa ngayon pala ay walang lovelife si Matt.

Pero depensa niya, mababait lang talaga at maginoo sa mga babae ang mga lalaki sa kanilang angkan kung kaya’t napapagkamalan na mga babaero.

“Naku, mystery ‘yan, parang si Maskara lang ’yan," paghambing ni Matt sa stalker character sa Jasmine na si Maskara sa kanyang lovelife.

"Wala akong lovelife, single ako.”

“Kami naman kasi nilalapitan, mabait lang kami.

"Sumosobra lang sa bait kaya nai-in love yata sila," pabiro pa niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansin din namin ang malaking pagkakahawig ni Matt sa mga tiyuhing sina Robin at Rustom, na ngayon ay kilala na bilang BB Gandanghari.

Nagpasalamat naman si Matt sa puna naming iyon.

“Oo, kamukha ko daw si Tito Robin, si Tito Rustom. Suwerte lang ako na napunta ako sa linyang Padilla."

JASMINE. Kakaiba ang tema ng seryeng Jasmine sa TV5 na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis Smith.

Isa itong TV series within a TV series kung saan pinaghalo ang fiction sa reyalidad.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood na sa telebisyon ang ganitong uri na mystery-drama show sa June 1.

Excited daw si Matt na nakasama siya sa show na kakaiba ang tema sa mga regular na serye.

“Very excited. Kasi wish ko sa industriya natin mabago yung soap.

"Bagong timpla sa Pinoy, bagong experience.

"At least next time, maghanap pa sila ng something new.

“Natutuwa ako na nakasama ako sa ganitong project kasi sa industriya ngayon ang daming pumapasok."

Isa raw imbestigador ang role ni Matt sa Jasmine.

"Ako po si Inspector Ramon Ramirez dito, yung pulis na gustong i-solve yung mga nangyayari."

Grateful daw siya sa mga kasama niya sa show.

"Napakababait nila, nararamdaman kong welcome ako na makipagsabayan ng acting sa kanila. Very grateful ako.”

Bukod sa Jasmine ay may nakalinya pang sitcom na gagawin si Matt sa Kapatid network.

Makakasama niya rito ang amang si Rommel at tiyahing si BB.

"Abangan nila, sitcom ito," pagtatapos ni Matt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN