Derrick Monasterio takes steps to grow from teen heartthob image

Derrick Monasterio says he is ready for mature roles and will even do kissing scenes, especially, if it’s with his two biggest crushes in showbiz, Solenn Heussaff and Jessy Mendiola.


Nagpatubo ng bigote si Derrick Monasterio at hindi na boyish kundi young man na ang dating ng 18-year-old na aktor ng GMA-7.

Kasama siya sa bagong soap ng Kapuso network, ang The Half Sisters kung saan bukod sa kanya ay pangunahing tampok din sina Barbie Forteza, Thea Tolentino, at Andre Paras.

Unti-unti ay gusto na rin daw ni Derrick na kumawala sa teenybopper image at okey na rin daw siya na sumubok sa mga medyo mature nang roles.

“Kung mabibigyan lang ako ng chance, okey na. Ready na ako.”

Ang unang hakbang nga niyang ginawa ay ang "mag-experiment ng mga bagong bagay gaya ng bagong look."

Ayon sa kanya, “Nag-Boracay po ako, ang ending, hindi ako nag-shave hanggang nag-first taping kami ng The Half Sisters.

“Biglang sabi sa akin ng director, ’Uy, bagay naman, kaya okey na ‘yan para at least mabago ang image mo.’”

SAS. Samantala, isang buwan simula nang mag-reformat ang Sunday All Stars (SAS) at isa nga si Derrick sa mga tinanggal.

Nami-miss ba niya ang pagpi-perform tuwing Linggo sa musical variety show ng GMA?

“Opo. Medyo nakaka-miss din.”

Ikinalungkot ba niya ang pagkawala sa SAS?

“Opo, nalungkot naman ako, pero ngayong wala akong ginagawa ‘pag Sunday, mas nakaka-bonding ko ang pamilya ko.

“’Tapos nakakapunta ako sa simbahan. Nagagawa ko yung mga dating hindi ko nagagawa ‘pag Sunday.

“At saka meron naman po akong The Half Sisters kaya I’ll take my weekends as a break na rin for me.”

Nabigla ba siya nang sabihin sa kanya na isa siya sa tatanggalin sa show?

“Medyo, pero as I said okey lang naman po ‘yon, kasi kapag may sumarang pinto, may bubukas na bintana.”

May mga nagtatanong, ano raw ba kaya ang naging dahilan kung bakit isa si Derrick sa mga tinanggal sa SAS?

“Walang budget!” napahalakhak na biro ni Derrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi! Joke lang, hindi ko po alam, e.”

Pinakahuling nawala na rin sa SAS ay si Mark Herras. At ang rason ay yung lumabas na interview na may nasabi itong boring na raw ang show.

Ani Derrick, “Nabalitaan ko nga po ‘yan.

“‘Yon nga, sobrang daming… grabeng talents ang nawala.

“Sina Jay-R, sina Yassi [Pressman]… kaya hindi ko alam kung ano ang basehan, e.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari,” napakibit-balikat na lang na sabi pa ni Derrick.

WISHFUL. Bukod sa The Half Sisters, regular ding napapanood si Derrick sa Vampire Ang Daddy Ko na pinagbibidahan ng mag-amang Vic Sotto at Oyo Sotto.

Sabi nga nito, “At least, may trabaho pa rin. At happy naman ako sa dalawang shows ko na ito sa GMA.

“Sana makagawa ulit ako ng pelikula. Mainstream o indie film, okey lang sa akin.”

Kadalasan kapag indie film, may mga roles na sobrang daring. Paano kung may dumating na ganitong offer sa kanya?

“Wala pa po akong magandang katawang ipapakita!” nangiting sagot ni Derrick.

Puwede na ba siyang mag-sexy pictorial for Cosmo o kaya ay rumampa sa Cosmo Bash.

“Sa tingin ko hindi pa po, e, siguro pagdating ko ng edad na 21.

“Ngayon, 18 pa lang ako so mga three years pa bago ako maging ready.

“Wala pa po kasi akong panlaban, e!” sabay tawa ni Derrick.

E yung pakikipag-lovescene o kissing scene?

“Okey lang. Ready naman po ako.

“Basta kung yung makakaeksena ko… crush ko!” biro pa niya.

“Huwag lang pong kissing scene sa kapwa lalaki.

“Hindi ko po kaya ‘yon.”

Sinong crush ba niya ang pinapangarap niyang maka-kissing scene?

“Ay… Solenn [Heussaff]. Kahit sino naman siguro, papangarapin siyang maka-kissing scene, ’di ba?

“Isa pang gusto ko, si Jessy Mendiola.

“Sina Solenn at Jessy ang dalawang crush na crush ko talaga.”

E si Barbie Forteza?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bata pa po ‘yon, e. Baka po hanggang beso lang kapag siya!

“Naa-attract po ako sa kanya kasi magaling siyang artista. At saka mabait siyang tao.

“At saka maganda siya!

“Pero… yung relationship po kasi namin, parang healthy working relationship ang dating. Gano’n.

“Wala pang chance na maging kami or something. Sa ngayon.”

Kung sabagay, parang ayaw pa rin ngang magpaligaw ni Barbie sa ngayon. Kaya baka nai-intimidate si Derrick.

“Hindi naman. Kasi bata pa siya, e," dahilan ni Derrick.



TURNED OFF. Dahil naging magkatambal na sila ni Barbie dati, kumportable na raw silang katrabaho ang isa’t isa.

‘Yon nga lang, pakiramdam ni Derrick ay nanibago raw ang young actress sa look niya ngayong nagpatubo siya ng bigote at balbas.

“Hindi niya yata gusto yung ganitong new look ko!” tawa ulit niya.

“Hindi niya gusto, sa pagkakaalam ko.”

Bakit hindi nagustuhan ni Barbie?

“Hindi ko na po tinanong sa kanya. Siguro, ang gusto niya… cutie-cutie.

“Ayaw niya ng ganito na may balbas at bigote!

“Siyempre bata pa siya, kaya siguro ayaw niya ng ganitong hitsura.”

Masaya raw siya sa role na ibinigay sa kanya sa The Half Sisters.

“Mahirap po ang character ko rito. For the first time!” tawa niya ulit.

“Ako po yung parang bodyguard ni Andre ’tapos pareho kaming nagkagusto kay Barbie hanggang maging magkaribal kami.

“Bandang huli, magkakaroon kami ng conflict ni Andre. ’Tapos kami rin ni Barbie.”

GROPING FANS. In demand sa shows at personal appearances si Derrick. At balitang madalas ay nararanasan niyang mahipuan sa mga pagkakataong dinudumog at naiipit na siya ng mga nagkakagulong fans.

“Normal na po ‘yon!” tawa ulit ng young actor.

“Nasanay na ako na biglang may mandadakma na lang na hindi ko na alam kung sino, kung beki ba o babae yung nanghipo.

“Kasi… ang bibilis!

“Minsan, dala-dalawang kamay pa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagugulat na lang ako. Hindi na ako maka-react.

“Madalas pinapabayaan ko na lang. Kasi hindi ko po alam kung sino ang may gawa o kung kanino ako magagalit, e.

“Minsan nga napipisil pa. So… masakit!

“Lahat naman po siguro ng artista nai-expeience ‘yon. Gano’n talaga, e,” tumatawa pa ring huling nasabi ni Derrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN