Carla Abellana on possibility of falling for Tom Rodriguez: “Siya na lang ang tanungin n’yo.”

Carla Abellana on leading man Tom Rodriguez: “Tumutulong siya sa maraming paraan. Pero hindi naman para kalimutan kung ano yung mga pinagdaanan ko. Nandiyan lang siya para ano… para ipaalam na nandiyan siya. Nandiyan lang siya para patawanin ako, maging magaan yung trabaho. Yung ganyan.”


May bagong soap na gagawin si Carla Abllana sa GMA-7. Ito ay ang My Destiny kung saan sila ulit ni Tom Rodriguez ang magiging magkapareha.

“Excited ako kasi more than six months na mula noong huli akong magteleserye,” sabi ng Kapuso actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media sa ginanap na meet-and-greet event kahapon, Friday, May 30, sa isang lugar sa may Timog Avenue, Quezon City.

Naroon ang lahat ng miyembro ng fans club na TomCarl Worldwide at Tom Lovers na talaga namang patuloy ang all-out support at pagmamahal kina Carla at Tom.

Kuwento ni Carla, “Puro ako pelikula mula nang magsimula ang 2014. So nakaka-miss din mag-TV.

“Pero parang at the same time, challenge.

“Excited ako talaga. At the same time, nakakakaba.

“Kasi sabi nga nila, you’re only as good as your last project. Nag-mark talaga sa memory ng mga tao yung My Husband’s Lover.

“Importante na… hindi naman mapantayan. Pero kailangang paghusayan mo pang lalo yung susunod.

“Kasi maraming naghihintay. Maraming nag-aabang kung ano yung susunod doon.

“So… may pressure. Pero kumbaga, trust in the Lord na lang dahil ito ang project na ibinigay Niya.

“Kung ano yung ibinigay Niya, aalagaan lang.

“Medyo sa pagmamadali na makapag-umpisa na kami ng taping, medyo kulang ang time ko sa paghahanda, e.

“Honestly, parang ano… there’s not enough time for me to prepare. Kasi nga medyo minamadali.

“Pero hopefully naman… along the way na lang. Kung magagawan ng paraan.”

Sa dami ng kanyang mga projects, tila yata isa siya sa Kapuso Stars na paborito ngayon ng management ng GMA?

Tanggi niya, “Hindi naman. I would like to think that everybody is being given a fair chance.

“So ang importante lang talaga, hindi lang sa GMA pero sa industriyang ito, pagbubutihin mo talaga. Seseryosohin mo ang trabaho mo at saka matututo ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para all the more mapapansin nila yung galing mo or yung kakayahan mo. Bigyan ka nila ng project.”

FOLLOW-UP TANDEM WITH TOM. Bukod sa naunang pagsasama nila sa My Husband’s Lover, si Tom din ang kanyang leading man sa kapapalabas pa lang na pelikulang So It’s You.

Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang ang aktor ulit ang kanyang makakapareha sa bagong serye ng GMA na My Destiny?

“Nabuwist ako! Ayoko nga e,” sabay-tawang biro ni Carla.

“Hindi. Pero okey naman. Natutuwa kami. Sobra!

“Kasi tuluy-tuloy yung work namin together. Ibig sabihin kahit papa’no nagagawa namin nang maayos.

“Marami kaming napapasaya. Kaya nabibigyan kami ng chance na mag-work pa rin nang magkasama.

“So panibagong challenge ito sa amin. ’Di ba dapat iba na naman ang mapapanood nila sa amin o makikita nila sa amin?

“Pero excited pa rin. With every project na ibinibigay sa ‘yo, dapat excited ka sobra.”

NEW SITCOM. May bagong sitcom din siya sa GMA. It ay ang Small Family kung saan sila naman ni Ryan Agoncillo ang magkapareha.

Hindi raw inaasahan ni Carla na bukod sa soap ay meron pa pala siyang sitcom.

Patuloy pa niyang kuwento, “Basta nabalitaan ko na lang from my manager na meron akong sitcom.

“Noong una, hindi talaga ako makapaniwala na… sitcom? Parang… bago ito, a!

“Never ko pang nagagawa before. So nakakatuwa kasi alam ko in a way na basta sitcom, magaling ang GMA, e.

“Basta sitcom, naghi-hit talaga ang GMA. Nagri-rate talaga.

“So na-excite ako kasi, gusto kong mag-comedy. Kahit papa’no, may experience sa comedy.

“Matutuloy ko lang ’yon, basically. Mahahasa ako sa comedy.

“Nakakatuwa na hindi ako puro drama. So in a way parang wish granted for me kasi gusto kong mag-comedy.

“And excited ako sa role ko sa Small Family as Majay. Isa akong OFW na nagtatrabaho sa Dubai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Welder ako sa Dubai. ’Tapos yung pamilya ko nandito.

“Husband ko si Ryan Agoncillo. Siya yung house husband.

“Na imbes na yung nanay o yung wife ang nasa bahay… yung tatay or yung husband ang nasa bahay at nag-aalaga ng bata.

“Samantalang yung asawa niya ay nagtatrabaho abroad. So very realistic siya dahil maraming ganyang mga Pinoy. So… ‘yon!

“Light lang, comedy lang, cute siya. Makikita nila yung lighter side, yung funny side.

"Mas relaxed, mas natural, mas kumportable, mas nakakatawa, at mas magaan.

“End of June magsisimula ang airing pareho ng Small Family at ng My Destiny.

“Yung Small Family is every Saturday ng gabi. Yung My Destiny naman ay gabi-gabi sa primetime.

“Nag-start na ang taping ng Small Family noong Tuesday [May 27]. Ang My Destiny naman, next week pa lang.”

LIFE AFTER BREAKUP. Nangiti si Carla nang ang sunod na mausisa ay kung kumusta na ang puso niya sa ngayon matapos ang breakup nila ni Geoff Eigenmann.

Mabilis niyang sagot, “Okey naman,”

“Honestly okey naman.

“Sabi ko nga, choice mo naman ‘yan kung gusto mong maging masaya.

“Yung puso ko, punumpuno ng pagmamahal.

“Kasi kapag may nagsara talaga, maraming magbubukas. Parang gano’n.

“Na… may mawala man, hindi naman sa may kapalit pero ang daming sasalo sa ‘yo. Parang gano’n.

“So, ano… full of love. Kasi nga ang daming pagmamahal na ibinubuhos sa akin ng mga barkada ko pati ng family ko.

“Kaya… okey lang. Promise, as in okey lang siya. Okey lang yung puso ko.”

Wala na ba siyang nararamdang heartache?

“Meron pa. Hindi nawawala ‘yon.

“May mga times siyempre na tatamaan ka pa rin. May mga times na hindi mo mapipigilang maalala ang mga bagay-bagay, ganyan.

“Nasaktan ka, e. So yung mga moments…

“Pero okey lang.”

RELATIONSHIP WITH TOM. Dahil patuloy ang pagsasama nila ni Tom sa trabaho, isa ba ang aktor sa tumutulong kay Carla para malimutan niya ang mga hindi magandang nangyari sa kanya in the past?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayyy! Tumutulong para ma-forget ang past?” napatiling tawa ni Carla.

“Tumutulong siya sa maraming paraan. Pero hindi naman para kalimutan kung ano yung mga pinagdaanan ko.

“Nandiyan lang siya para ano… para ipaalam na nandiyan siya.

“Nandiyan lang siya para patawanin ako, maging magaan yung trabaho. Yung ganyan.

“Hindi naman para… ’Huwag mo nang isipin ‘yon!’

“’Kailangang magsaya ka.’ Parang ganyan.

“Na… dapat masaya ka. Deserve mo na masaya ka.

“Gagawin niyang magaan ang trabaho. Papasayahin niya. Parang gano’n.”

Wala bang possibility na ma-develop sila sa isa’t isa ni Tom?

“Tanungin n’yo siya!” natawang biro ng aktres.

“Siya na lang ang tanungin n’yo.”

Normally sa mga madalas nagiging magkapareha sa trabaho, kalaunan ay nagkakagustuhan, ’di ba?

“Hindi naman lahat!” tawa ulit ni Carla.

Puwede rin nga siguro silang magka-develop-an ni Tom?

“Ay, hindi ko alam.

“A… hindi dapat ‘yon ang focus namin.

“Ang dapat na focus namin is work. Kasi iyon ang unang dumadating.

“Iyon ang ibinibigay sa amin. Blessing ‘yon. Opportunity ‘yon.

“At saka nandito kami unang-una dahil artista kami. May trabaho kami.

“So dapat ‘yon ang priority, ’di ba?

“Kung anuman ang mangyari, kumbaga… hindi naman sa hindi pansinin. Pero isantabi muna.

“Hindi dapat iyon ang focus mo.

“Hayaan lang naman din. Okey lang naman na hayaan kung may something man, ’di ba?

“Hayaan lang din.

“Pero ang dapat, focus is on work talaga,” diin niya.

IMPROVING AS HOST. Kamakailan ay isa si Carla sa mga nag-host ng Miss Teen Earth at Little Miss Earth Pageant. Marami ang nakapansin na ang laki umano ng ini-improve niya bilang host.

Pag-amin ni Carla, “Actually, ang tagal ko na ngang hindi naghu-host, e. Pero in a way sanay na rin akong mag-host ng mga beauty pageants.

“Pang-ilang beauty pageants ko na rin na na-host ‘yon. And medyo mataga-tagal na yung last.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess parang nasanay na ako. Gamay na gamay ko na.

“So… thank you na napapansin nila na okey ako sa paghu-host. Sana mas marami pang opportunities na dumating na makapag-host pa ako ng beauty pageant and other events na rin.”

MESSAGE FOR TOMCARL FANS. Bago tuluyang nagtapos ang panayam namin kay Carla, isang mensahe ang ipinahabol niya para sa fans nila ni Tom.

“Mahal na mahal ko silang lahat. Ang TomCarl Worldwide at saka ang Tom Lovers.

“Lahat sila, mahal na mahal namin ni Tom. Kahit hindi kami madalas na nagkikita, alam naming nandiyan lang sila.

“Na lagi silang naka-support. Nararamdaman namin yung pagmamahal nila.

“Kaya sana maibalik namin yung pagmamahal na ibinibigay nila sa amin. At saka yung happiness na rin.

“Gagawin naming lahat para maibalik sa kanila ‘yon. So thank you!” pahayag ni Carla


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN