Dingdong Dantes on being lauded by his veteran co-stars in Ang Dalawang Mrs. Real: “...nakaka-inspire.”

Dingdong Dantes on being lauded by his veteran co-stars in Ang Dalawang Mrs. Real: “So parang ako kinikilig, in other words! Walang ibang way of siguro na explanation pero more to it, you know, it makes me want to become a better person, ’di ba?”


“Grabe! Alam mo, nakaka-inspire, lalo kasi alam mo yun coming from her whom I also respect so much and whom I look up to because of the things that she stands for, ’di ba?

“So parang ako kinikilig, in other words!

“Walang ibang way of siguro na explanation pero more to it, you know, it makes me want to become a better person, ’di ba?

“Kasi parang it goes to show that maybe I’m doing something right so magandang bagay iyon para ipagpatuloy.

“And also para maganahan sa paggawa ng mas maraming magagandang bagay pa.”

Ito ang naging reaksyon ni Dingdong Dantes noong nakarating sa kanya ang mga papuri sa kanya bilang co-actor ni Miss Coney Reyes na gumaganap na ina ni Dingdong sa Ang Dalawang Mrs. Real, ang bagong serye ng GMA-7.

Sinabi kasi ni Coney na nakatagpo siya ng isang anak kay Dingdong—na hindi lang mahusay na artista, kundi very respectable and also very respectful din.

Bukod pa rito, inamin din ng beteranang aktres na nagugustuhan niya ang mga pag-uusap nila ni Dingdong during their tapings, at pinuri rin niya ang pagkaguwapo nito.

Pahabol na reaksyon naman ni Dingdong tungkol dito, “Ay, naku, salamat! I don’t get that often, and thank you.”

WORKING WITH MARICEL. Sa mga eksena naman nila ni Maricel Soriano na gumaganap na asawa niya sa serye, may mga pagkakataon ba na nakakaramdam siya ng kaba o takot?

Pag-amin niya, “Kaba! Kaba nung una talaga. Oo naman, nung una talaga.

“Pero ang kagandahan nun e after nung una, talagang sobrang suwerte ako na kinausap niya ako at sinabi niya na... nagbigay siya ng mga tips.”

Ayon sa isang interview kay Maricel, apektado raw ang aktres bilang Millet nang sabihan ito ni Dingdong sa isang eksena ng, “Kasi pakialamera ka!”

Pakiramdam ni Maricel, durog na durog daw ang pagkatao niya bilang si Millet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganun ang epekto ni Dingdong sa kanyang co-actor dahil sa kahusayan sa pag-arte.

“Siyempre sana po walang personalan, trabaho lang,” at tumawa si Dingdong.

At ngayong nalaman ni Dingdong na ganun palang ka-intense ang epekto niya kahit sa isang dekalibreng aktres tulad ni Maricel…

“Hindi mo kasi pupuwedeng isipin yun, dahil kung inisip n’yo po yun at i-consider n’yo, hindi n’yo magagampanan nang tama yung character.”

Ayon pa sa aktor, “Kumbaga, sa level na looking forward to... e sobrang...

"Actually sa buong cast po, e," tila nauubusan ng salitang paliwanag ni Dingdong.

“Pero siyempre sa kanilang dalawa po [Maricel and Coney], dahil bilang pag-welcome din sa Kapuso network, siyempre gusto namin, ako, lalung-lalo na, nagpapasalamat ako na dito pa sa show na ito na nagsama yung dalawang big stars na talagang kinagigiliwan nating lahat.”

Kahit daw sa aktor na si Robert Arevalo ay naapektuhan si Dingdong, lalo na sa eksena kung saan nilalait siya nito at paulit-ulit na sinasabihan ng “pipitsugin.”

Patuloy pa niya, “Grabe! Sobrang manliliit po talaga kayo dahil isa pa po yun, yung sa experience of working with, yung dalawang...

"Tito Robert, ’di ba ’tapos si Tito Jaime [Fabregas] ’di ba? ’Tsaka like ako, si Rodjun [Cruz], the moment I went onscreen with him, parang kapatid ko talaga siya.

“Sabi ko, napakagaan niya pong katrabaho and he’s a good guy, walang kaarte-arte, para talagang kapatid ko.

“And as well as Marc Abaya whom I worked with already in I ♥ You Pare. At siyempre naman, si Lovi [Poe].”

WORKING WITH LOVI. Ano ang pagkakaiba working with Lovi now kumpara noon sa Tiktik: The Aswang Chronicles?

“Ang pagkakaiba nun e malaking bagay yung nakilala ko na siya at nakasama ko na siya sa pelikula because, with that e meron na kaming camaraderie.

“At malaking bagay ang camaraderie na yun para sa role na ito dahil siya ang magiging sanhi para maging mas makulay ang buhay ng mga Real,” at tumawa si Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang cast ng Ang Dalawang Mrs. Real ay binubuo nina Dingdong bilang Anthony Real, Maricel Soriano bilang Millet Gonzales-Real, Lovi Poe bilang Sheila Salazar-Real, Miss Coney Reyes as Sonia Real, Jaime Fabregas as Jun Real, Robert Arevalo as Henry Gonzales.

Celeste Legaspi as Aurora Gonzales, Tommy Abuel as Justino Salazar, Susan Africa as Gina Salazar, Alessandra de Rossi bilang Sandy Alegre, Dominic Roco as Daniel Salazar, Marc Abaya as Vincent Dumlao, at Marc Justine Alvarez bilang Tonton Real.

Ang role ba niya sa Ang Dalawang Mrs. Real ay isa sa mga pinangarap niyang roles?

Saad niya, “I never saw it coming, actually. Hindi ko naisip kasi it’s very ano, e... sino mag-iisip?”

INDIE FILM PROJECT. Ano pa ang gusto niyang gawin na karakter?

Sagot niya, “Ano ba? Well sa TV medyo halos lahat nagampanan ko na naman.

“Sa TV na lang muna tayo, sa movie kasi maraming puwede talaga, e.

“Kahit sa indie films ay bukas ang isip ni Dingdong lalo pa at nakagawa na siya ng isa, ang Dance of the Steel Bars.

“Although it was distributed by GMA Films.”

Kung halimbawa sa Cinemalaya?

Mabilis niyang sagot, “Oh, yes! Oh, yes! Ako, through AgostoDos, through my production company, of course, I’m just…”

Naghahanap na nga siya ng magandang script para sa isang indie film.

Aniya, “I am, I am. I really am. Kasi ano yun, e...

"I think Divine Providence lang din ’yan. Kung may babagsak sa ’yo na talagang alam mong bagay, you’ll feel it.

“Just like with all the things or projects na napupunta sa akin.”

Choosy ba siya sa projects?

“Hindi naman pero nagkakataon din sa timing. Sa timing na halimbawa ’pag kunyari ginawa ko siya at this time, hindi ko madya-justify yung schedule, ’di ba?

“Baka magulo ko lang ang schedule nila just because of me. I don’t wanna be unfair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But at the same time, since first time ko naman din gagawa if ever ng Cinemalaya, then might as well do something that I really love and that was created for me,” pahayag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN