Jessy Mendiola on rumored foreign suitor Sebastian Gasca: "I want to get to know him more."

Jessy Mendiola on real score with her Colombian friend Sebastian Gasca (rightmost) whom she met in Boracay: "Wala naman, wala pa naman dun [sa ligawan]. Kasi hindi ko pa naman siya sobrang matagal na kilala. But it feels like we’ve known him for a while kasi nga he’s very open..."


Kinumpirma ni Jessy Mendiola na isang foreigner na nagngangalang Sebastian Gasca ang isa sa mga dahilan kung bakit masaya siya ngayon.

Sa ginanap na dinner event ng Korean Tourism Organization (KTO) sa Makati Shangri-La kagabi, May 30, pormal na inilunsad si Jessy bilang honorary ambassador ng Korean tourism.

Kasabay nito ay ipinalabas ang isang audio-visual presentation ng iba’t ibang tourist spots na binisita ni Jessy sa Jeju Island, Korea nitong nakaraaang linggo.

Isa sa mga makatawag-pansing larawang ipinakita ay ang kuha ni Jessy sa Cheonjiyeon Waterfalls kasama ang isang lalaki na may caption na nagsasabing: “Meet a friend at falls.”

NEW COLOMBIAN FRIEND. Pagkatapos ng kanyang segment, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters na tanungin si Jessy tungkol sa lalaking nakasama niya sa Jeju Island.

Nakangiting sagot ni Jessy tungkol dito, “Siya si Sebastian. Friend ko. Sinurprise niya ako sa Jeju, sa Korea.

“Oo, napapasaya niya ako, pati mga kasama ko. Pati handler ko natuwa sa kanya, pati yung isa naming kasama sa KTO natuwa rin.

“Kaya parang nakakatuwa lang. Imagine, hindi ko kasi inakala na pupuntahan niya ako sa Jeju. So, effort yun.”

Inamin din ni Jessy na si Sebastian ang foreigner na namataang kasama niya sa Boracay dalawang linggo na ang nakakaraan.

“He’s a traveler. Nagkataon lang na nagpunta siya sa Philippines, tapos nag-Boracay siya. Tapos dun ko lang siya na-meet. Natapunan namin siya ng drink.”

Kuwento pa ni Jessy, napansin niyang likas na palakaibigan si Sebastian dahil maging ang ibang kaibigan ng aktres ay nakagaanan nito ng loob.

Pero aminadong natuwa ang Kapamilya actress nang gumawa ng paraan ang Colombian backpacker na sundan siya sa Korea.

Hindi raw niya akalaing makikipagkita ulit sa kanya si Sebastian dahil bago lang silang magkakilala.

“Kasi hindi talaga planned na pupunta siya ng Korea. We just talked about our next trips after Boracay, and he said that his last stop is Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sabi ko, ’Oh really? I’m going to Korea also.’ Sabi niya, ‘Where?’ Sabi ko, ‘I’m going to Jeju.’ Sabi niya, ‘Oh, I’m going to Seoul.’ So ayon.

“Siyempre ayaw ko naman maging hopia. Alangan naman yung backpack ko punong-puno ng hopia.

“Nung second night ko sa Korea, sinurprise niya ako na nandun pala siya sa Jeju,” masayang lahad ni Jessy.

POTENTIAL SUITOR? Tinanong ng PEP kung nagpahayag ang lalaki ng intensiyong ligawan si Jessy habang sila ay nasa Korea.

Ngunit nilinaw ni Jessy na nasa getting-to-know-each-other stage pa lamang sila ngayon, lalo pa’t bumalik na ng Colombia si Sebastian.

"Wala naman, wala pa naman dun [sa ligawan]. Kasi hindi ko pa naman siya sobrang matagal na kilala.

"But it feels like we’ve known him for a while kasi nga he’s very open...

“Now he’s back in Colombia. He has to study. He’s only 19,” pag-amin ni Jessy.

Bagamat mas bata ng tatlong taon si Sebastian, hindi raw isyu kay Jessy ang kanilang age gap kung sakaling manligaw ang lalaki sa kanya.

Sabi pa niya, “Wala naman yun sa age. I think nasa pag-iisip yun at sa maturity.

“Kinakausap ko naman siya, mature naman siya.

“But dyusko guys ha! ‘Wag ni’yo naman ako pahopia-in. Very, very light kasi wala pa naman.

“I’m just happy that I met someone like him and he met someone like me.”

Hanggang ngayon ay regular pa rin ang komunikasyon sa pagitan nina Jessy at Sebastian.

Nagpaplano na rin umano ang lalaki na muling magbakasyon sa Pilipinas bago magtapos ang taon.

Ayon pa kay Jessy, malaking bagay para sa kanya nang sabihin ni Sebastian na masaya ito na nagkakilala sila.

“Ngayon lang kasi ako nakakita ng mga tao na kapag nagkukwento tungkol sa isang tao, masaya. So, siguro nagugulat sila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako rin nagugulat sa sarili ko kasi kakikilala ko lang sa kanya. I want to get to know him more.

“Kilala n’yo naman ako when it comes to matters of love life, meron akong wall, medyo hindi ako ready.

“I’m not saying I’m ready now.

“Its just fact that I met someone like him and he said to me that he met someone like me.

“The whole time na nagtra-travel siya [for the past 11 months], [ako] raw ang tumatak sa kanya. And that really means something.”

Ano naman ang nararamdaman niya para kay Sebastian?

Sagot ni Jessy, “Siguro dun muna ako sa feeling na masaya. Hopia muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN