Lovi Poe cautious about labeling relationship with Rocco Nacino

Lovi Poe on why she continues to dodge persistent questions on real score between her and rumored beau Rocco Nacino: “Hindi naman, I just don’t want to put it in my head that I’m committed already. So ngayon, parang just because we were able to do these things doesn’t mean we’re super together na.”


Kung may hinihintay man ang entertainment press, ito ang sagutin na nang diretso ni Lovi kung ano ang totoong estado sa pagitan nila ni Rocco Nacino.

Nagkasama na silang magbakasyon sa Europe noong nakaraang Semana Santa kaya sa paningin ng marami, sila na naman talaga.

Pero hanggang sa kausap nga namin siya, wala pa rin itong inamin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tinaguriang Primera Aktres ng Kapuso network sa press conference ng bago nilang seryeng Ang Dalawang Mrs. Real na magpa-pilot bukas, June 2, sa primetime telebabad ng GMA-7.

STILL NO COMMITMENT WITH ROCCO. Ayon kay Lovi, “Hindi naman, I just don’t want to put it in my head that I’m committed already. So ngayon, parang just because we were able to do these things, it doesn’t mean we’re super together na.”

Biniro naman si Lovi na ang huling naging boyfriend na tahasan niyang inamin ay si Jolo Revilla pa.

Nagbago na raw ba si Lovi ng point of view sa bagay na ito?

“Well, a lot of things have changed, para sa akin. Siguro nga, focus ko talaga, career ngayon.

“I don’t wanna lock myself into something just yet,” saad niya.

Tinanong naman si Lovi kung hindi raw ba unfair sa lalaki at sa kanya ang ganoong set-up.

Natatawang sabi naman niya, “He’ll benefit from it naman.”

Kapag nag-uusap sila ni Rocco kung ano ang isasagot nila sa magtatanong sa kanila sa totoong estado ng relasyon meron sila, anong napag-uusapan nila?

“Yun nga, I don’t know. I really don’t know,” pag-amin ni Lovi.

Paano kung may mabalitaan siyang ibang dine-date ni Rocco, hindi ba siya masasaktan?

“Well, it’s his choice, wala tayong magagawa,” lahad niya.

Pero, puwede pa ba silang makipag-date sa iba?

Ani Lovi, “That, we never talked about. Hindi pa namin napag-uusapan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Lovi kung totoo bang noong nag-Europe sila ay may plano raw si Rocco na mag-propose sa kanya para gawing legal ang commitment sa isa’t isa? Nagawa ba ni Rocco yun?

“We never got to that point,” natatawang sabi niya.

“We had dinner lang sa Eiffel Tower, pero that was it. Wala pa yung question-question.”

Inamin naman ni Lovi na kahit paano, may takot na raw siyang mag-commit sa isang relasyon muli.

“Oo, e. After what I’ve been through before, hindi siya fun. Pero ngayon, things are different naman.

“I’m doing it step by step, baby steps lang sa ngayon. I’m kind of open na rin naman,” patuloy niya.

Sa edad niyang 25, naiisip na rin ba niya ang pagpapakasal?

“No, no, wala pa,” giit ni Lovi.

Posible kayang kapag ipinakilala na niya ang lalaki na committed na nga siya rito, yun na ang naiisip niyang pakasalan?

“Hindi, hindi pa rin yun yun, at least it’s official na engagement. I’ll never gonna say that my next boyfriend is the last person.

“I don’t think that way, e. I’ll only think of it kapag I feel it na talaga,” pahayag pa ni Lovi.

ANG DALAWANG MRS. REAL. Kung ang pagbabasehan ay ang ilang eksenang ipinapakita sa trailer ng Ang Dalawang Mrs. Real, malayang maiisip ng manonood na “kabit” ang karakter na ginagampanan ni Lovi Poe bilang si Sheila Salazar-Real.

Yun nga lang, kaibahan niya sa sinasabing kabit, kasal siya sa isang lalaki na may pinakasalan na ring iba.

Si Dingdong Dantes bilang si Anthony Real ay kasal na kay Millet Gonzales-Real.

Ayon kay Lovi, hindi rin daw niya masasagot kung eksaktong kabit nga ang karakter niya.

Sabi niya, “I really don’t know, kasi wala siyang idea na kasal na si Dingdong. Kumbaga, pareho kaming naipit sa ganoong sitwasyon ni Ms. Maricel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At yun ang magiging twist at conflict ng story. Magkaiba rin ang ugali ni Sheila at Ms. Maricel.

“Medyo fighter ako rito, aggressive na medyo naive na minsan, hindi siya nag-iisip sa mga desisyon niya, ginagawa niya. Impulsive talaga.

“Si Ms. Maricel naman, very regal, sophisticated, super opposites sila.”

Hindi raw naging madali para kay Lovi ang karakter na ginagampanan niya ngayon.

Aniya, “Mahirap siya for me. Kaya nga may cling factor na, sabi namin ni Direk Andoy [Ranay], hindi ko siya magawa ever in real life.

“So, doing it on screen, nahihirapan ako kasi, parang may ganoong factor. ’Oh my God, bakit mo ’to ginagawa?’”

Inaasahan na raw ni Lovi na magkakaroon sila ng kumprontasyon o pag-aaway na eksena ni Maricel. Sa ngayon, wala pa raw sa script na hawak nila.

Kung sakali at kailangan niyang sabunutan si Maricel, handa ba siya?

“Actually, hindi ako ready,” natatawa niyang sabi.

“Hindi ko pa kaya but I’ll gather the strength...”

Sabi nga ni Lovi, hindi niya masabi kung kabit nga ang deskripsiyon sa karakter niya ngayon sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Pero, kung sakali at bilang kabit nga raw ang ibibigay na karakter sa kanya, wala naman daw isyu yun sa kanya.

“Payag naman ako. I guess, it’s reality rin naman and it’s nice to stand up for some people who are going through the same thing,” wika ni Lovi.

Ano ang konsepto niya sa mga taong pumapatol sa may asawa?

“Well ako, I cannot judge these people naman kasi. Mahirap once you’re in that situation, mahirap na magsalita rin.

“I cannot say anything against them also kasi, kanya-kanya rin ‘yan ng desisyon sa buhay,” pahabol pa niya.

Ikalawang pagtatambal naman na nila ni Dingdong ngayon sa kanilang primetime series. Nauna silang nagkapareha sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi bang sila ni Dingdong ang mas mayroong intimate moments sa serye?

“Well kasi, ang explanation sa amin ng writers, ang difference ng relationship namin ni Dingdong at saka nila ni Ms. Maricel, sila ni Ms. Maricel, kumbaga, when it comes to colors, it’s color blue. It’s very calm. Ours is red, very passionate.

“So, that’s the difference of our relationship,” paliwanag niya.

WORKING WITH MARICEL. Paano niya ilalarawan na katrabaho naman si Maricel lalo na nga’t unang beses pa lang niya itong makatrabaho?

Paglalarawan niya sa dekalibreng aktres,“She’s very funny, she’s very jolly. She’s very sweet. Kaya nga thankful ako kasi, parang na-break yung ice na yun.”

Hindi na rin naman daw masasabi ni Lovi na unang beses nga lang nila ni Maricel na nagkasama dahil magkasama sila noon sa Yesterday, Today and Tomorrow.

Pero, unang beses lang daw na magkakaroon sila ng eksena.

HEART-MARIAN ISSUE. Bilang kapareha naman ni Lovi ngayon si Dingdong, naalala naming kumustahin kung okay naman sila ng girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera.

Aniya, “I think, we’re okay naman. We haven’t seen each other in a long time na.”

Kahit sa Sunday All Stars, hindi sila nagkikita?

“Siguro once,” saad niya.

Masasabi ba niyang walang naging “conflict” sa pagitan nila ni Marian dahil sa naging isyu nito noon kay Heart Evangelista?

“None that I know naman for me,” dagdag pa niya.

Naramdaman niya bang siya ang naipit noong panahon na yun, pero sa nakikita ng marami, mas malapit siya kay Heart kaya may impresyon ang ilan na parang si Heart nga ang pinili niya?

“That’s hard for me to answer kasi, it will bring up old issues, pero I think everybody has moved on from that already. Even Heart, and I’m sure, Marian has moved on from that,” deklara niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan ba, naiisip niyang pag-ayusin sina Heart at Marian?

“That thing kasi, sa kanila na yun, e,” diin niya.

Naging malapit naman sila ni Marian noon o sila talaga ni Heart ang magkaibigan umpisa pa lang?

“Mahirap kasing sagutin ’yan. Basta ako, for me now, I’ll just be working here.”

Dugtong din niya, “We haven’t talked for a very long time. Basta naging mabuti naman siya sa akin.”

At ngayong sila nga ni Dingdong ang magkapareha, wala naman naging isyu o problema?

“No conflict naman. I wanna clarify to everybody, there’s no conflict between the two of us and I’m just here to work.

“And with regards to that issue, I think it’s best that everybody move on already. It’s been a long time,” pakiusap pa ng Kapuso actress.

ON DINGDONG. Bilang co-worker, masasabi naman daw ni Lovi na maganda ang relasyon nila ni Dingdong.

Sabi niya, “Good working relationship talaga kasi, masarap siyang ka-trabaho, e.”

Isa ba si Dingdong sa masasabi niyang okay na leading man niya?

“Yeah, definitely, I can say naman talaga,” saad niya.

“Sobrang gentleman si Dingdong, mabait siya. Magaling pa and very considerate sa aming lahat.

“In his position, he’s very humble.”

BREAK FROM MOVIES. Kung noong isang taon ay halos sabay-sabay ang mga pelikulang ginawa ni Lovi, ngayon daw ay pahinga muna raw siya sa pelikula.

Pag-amin ni Lovi, “Medyo hindi na kaya ng body ko. There’s a time na Temptation Island, Aswang, My Neighbor’s Wife, Captain Barbell, sabay-sabay talaga.

“That was all together, hindi ko kinaya. Na-ospital ako kaya sabi ko, now, one at a time muna talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN