Rodjun Cruz narrates how his girlfriend Dianne Medina was mistaken for Deniece Cornejo by airport security

Rodjun Cruz narrates how his girlfriend Dianne Medina was mistaken for Deniece Cornejo by airport security personnel: “Actually, nakakatuwa yung nangyaring iyon. Kinuha kasi si Dianne na mag-spoof kay Deniece sa Tropa Mo Ko Unli ng TV5. Tapos bigla nga siyang napagkamalang si Deniece sa airport. Pinagtawanan lang naman iyon ni Dianne. Hindi naman siya nagalit.”


Nakaka-tatlong primetime series na si Rodjun Cruz simula noong lumipat siya sa GMA-7 mula sa TV5.

Pagkatapos niyang lumabas bilang isang gay lover sa My Husband’s Lover, nasundan ito ng Akin Pa Rin Ang Bukas at ngayon ay kasama siya sa Ang Dalawang Mrs. Real kunsaan bida sina Dingdong Dantes, Lovi Poe at Maricel Soriano.

Ginagampanan niya ang papel bilang nakakabatang kapatid ni Dingdong na si Allan Real.

Kinatutuwa ng Kapuso hunk ang mapasama sa primetime teleserye na ito dahil nakatrabaho na niya ang tatlong bida nito.

“Si Ate Marya, nakatrabaho ko na siya noon sa Bida si Mister, Bida si Misis sa ABS-CBN. Bata pa kami noon nila Emman Abeleda.

“Si Kuya Dong naman, bata rin ako noong makatrabaho ko siya sa Pintados dito sa GMA-7. Magkapatid din ang roles namin doon.

“Si Lovi naman, nakasama ko na siya sa Akin Pa Rin Ang Bukas at pareho pa kami ng manager, si Tito Leo Dominguez.

“Kaya okey ngang nilagay ako sa series na ito kasi kilala ko na kung paano sila magtrabaho. At parang reunion ko rin ito sa kanilang tatlo,” kuwento pa ni Rodjun nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Ang Dalawang Mrs. Real sa GMA Annex Building noong May 26.

BUSY SHOWBIZ SKED. Simula noong maging Kapuso si Rodjun ay hindi na siya nawalan ng projects. Bukod sa teleserye ay kasama rin siya t sa Sunday All Stars tuwing Linggo.

Happy nga raw ang kanyang kapatid na si Rayver Cruz dahil nakikita niyang punung-puno na ang schedule nito dahil sa magkakasunod na trabaho.

“Before kasi, marami akong time kaya nagkakasama pa kami ni Rayver sa mga lakaran, sa pagpunta sa gym.

“Ngayon, hindi na kami masyadong nagkakasama kasi nga magkaiba na ang schedule namin.

“Like si Rayver, nasa London siya ngayon para sa isang event doon ng TFC. Parang one week yata sila roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mostly puro mga out-of-the-country ang work ni Rayver ngayon. Nakakainggit nga kasi biyahe siya nang biyahe,” ngiti pa ni Rodjun.

GF UNDERSTANDS. Dahil sa hectic schedule niya, nabawasan din daw ang oras niya para sa girlfriend niyang si Dianne Medina.

Nagpapasalamat nga si Rodjun na very understanding ang kanyang girlfriend kaya wala silang nagiging problema.

“Very understanding naman si Dianne. Kaya mahal na mahal ko siya.

“Alam niyang gusto kong maging busy sa career ko at natupad na nga iyon noong lumipat ako sa GMA-7.

“Si Dianne din naman, sobrang busy rin siya.

“She is in the series Mirabella sa kabilang network and she hosts a morning show sa PTV-4 na Good Morning Boss.

“Kaya pareho kaming very productive ngayon. Kapag pareho kaming libre sa mga commitments namin, doon kami nakakapag-date,” dagdag pa niya.

DENIECE LOOK-ALIKE? Kelan lang ay napagkamalan nga raw si Dianne na si Deniece Cornejo sa airport kaya hinarang ito ng security.

Pero mabilis naman daw na naayos iyon dahil napatunayan naman na hindi siya si Deniece.

“Actually, nakakatuwa yung nangyaring iyon. Kinuha kasi si Dianne na mag-spoof kay Deniece sa Tropa Mo Ko Unli ng TV5. Tapos bigla nga siyang napagkamalang si Deniece sa airport.

“Pinagtawanan lang naman iyon ni Dianne. Hindi naman siya nagalit.

“Ibig sabihin effective siya sa ginawa niyang pag-spoof kay Deniece,” tawa pa ni Rodjun.

MUTUAL TRUST. Hindi ba nagwu-worry si Rodjun na dahil sa kakulangan ng panahon niya kay Dianne ay baka may ibang manligaw dito?

“I trust my girlfriend. Kahit na hindi kami parating nagkakasama, alam ko na hindi siya gagawa ng hindi ko magugustuhan.

“Gano’n din naman ako. May tiwala siya sa akin. Hindi ako gagawa ng anumang bagay na makakasakit sa kanya.

“’Tsaka respeto na lang, ‘di ba? Kung alam nilang may boyfriend na ang babaeng ito, huwag na nilang pormahan pa, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami namang single girls diyan. Doon na lang sila at huwag na sa girlfriend ko,” diin pa niya.

RESISTING TEMPTATION. Hindi naman itinago ni Rodjun na may mga girls naman na gustong makipag-flirt sa kanya. Pero very faithful nga siya sa kanyang girlfriend.

“Hindi maiiwasan that you meet girls kahit saan ka magpunta. Ang tanong ay kung bibigay ka ba o hindi sa pagpi-flirt nila sa ’yo?

“I choose not to because I’m in a relationship. Umiiwas na lang ako sa ganyan.

“Ayokong masira ang tiwala ni Dianne sa akin,” deklara niya.

Inamin din ni Rodjun Cruz na madalas siyang makatanggap ng indecent proposals.

IGNORES INDECENT PROPOSALS. Nagsimula nga raw siyang makatanggap ng mga ganito noong una siyang rumampa sa Cosmo Bachelors last year at noong lumabas siya bilang lover ni Dennis Trillo sa My Husband’s Lover.

Inamin naman ni Rodjun na hindi na lang daw niya iniintindi ang mga proposals na ito. Kapag sinagot pa raw niya ang mga ito, baka sabihing bastos siya or nag-iinarte. Mabuti na raw iyong deadma na lang siya.

“Minsan kasi nakakagulat ang mga offer nila sa akin. Parang hindi kapani-paniwala.

“Kaya deadma na lang ako. Kasi kapag sinagot ko pa, baka isipin na ini-entertain ko pa iyon. Baka isipin nilang pinapaasa ko sila.

“Kaya delete lang ako nang delete ng mga proposals sa akin.

“Ganyan naman talaga sa showbiz, e. Yung ibang mga kilala ko, nakakatanggap din sila. Hindi ko lang alam kung deadma ba sila or ini-entertain nila.

“Nasa kanila naman iyon, e. Sila ang makakapagdesisyon pagdating sa mga ganyang bagay,” giit niya.

DREAMS OF WINNING AN ACTING AWARD. Isa nga sa mga pangarap ni Rodjun ay ang manalo ng award para sa kanyang pagiging aktor.

Alam daw niyang suntok sa buwan ito sa ngayon, pero hindi naman daw siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay mare-recognize ang kanyang husay sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun naman ang pangarap ng maraming katulad ko. Yung magkaroon ng acting award balang araw.

“Kaya hangga’t maaari ay kahit na anong role ay gagawin ko.

“Gusto ko lang mapatunayan na kahit gaano kahirap ang isang role, I can do it and I will always give my best,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN