Bela Padilla makes unusual request to fans: “Bumili na lang kayo ng notebook kesa i-vote n’yo sa akin sa FHM.”

Bela Padilla explains why she doesn’t want her fans to waste their hard-earned money on what she feels are "pointless" polls: “Kasi parang ang mahal mag-vote so yung fans ko, huwag na lang. Kasi ’di ba, magpapasukan na. Bumili na lang kayo ng notebook kesa i-vote n’yo sa akin sa FHM. Kasi ’di ba, ano naman magagawa for me kung mag-number one ako?”


Dahil guwapo at successful businessman ang boyfriend niyang si Neil Arce, tinanong namin si Bela Padilla kung hindi ba siya nagseselos kapag may mga babaeng nagpapa-cute dito.

“Wala namang nagpapa-cute.

“Wala, wala naman so far nagpapa-cute. Wala, wala akong nakikita,” kampante naman niyang sagot.

Hindi raw siya selosa.

“Parang, ’Sige kung gusto mo, e ’di bahala ka sa buhay mo.’

“Pero wala na, parang if you do something wrong, parang I don’t really believe na, yung mga parang tipong lagi na lang okay nang okay, pag nag-sorry, okay.

“I don’t like that kasi, parang... e, ’di lagi na lang magsu-sorry.

“So kung gusto mo talaga, ayusin mo, parang ganun yung way of thinking ko. If you’re serious you won’t do anything on purpose to hurt someone,” sabi pa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela noong Biyernes, May 16, sa pocket presscon niya sa GMA Network Center.

NO TV SHOWS YET. Mahigit isang taon nang walang regular show si Bela sa GMA pero hindi naman daw siya nagtatampo.

“Hindi naman, kasi may ginawa akong movie, ’di ba? Yung 10,000 Hours so actually hindi rin ako nabakante kung iisipin ko kaya lang nakaka-miss din lumabas sa TV.

“So ’yon lang pero marami din ako na-try na iba like, kung may soap ako, hindi ko nagawa yung 10,000 Hours, or kung may soap ako, hindi ko nagawa yung show sa Singapore.

“New experience kasi lahat e, kaya tinanggap ko parang baka hindi ko makuha ulit, baka hindi ako mabigyan ng ganung chance ulit,” lahad ni Bela.

SINGAPORE TV SERIES. Kasama si Bela sa isang TV series sa Singapore na may pamagat na Point of Entry.

“Soap na fourteen episodes, finished na, tapos na siya nung end of March, nag-umpisa siya Christmas. So at least na-try ko rin yun,” kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puro Singaporean stars ang kasama niya sa naturang series na English ang salita na mala-CSI raw ang tema.

Ang CSI ay isang popular crime drama TV series sa USA.

Ano ang pinakamalaking pagkakaiba ng paggawa ng soap doon at dito sa Pilipinas?

“May cut-off ako,” at tumawa si Bela.

“Actually doon, lahat kami may cut-off na 10 p.m. So ’pag 10 p.m., tulog ka na. Tapos medyo late yung calltime hindi 5 a.m. on the set,” at muli siyang tumawa.

“So mas pahinga lang.

“Pero basically, pare-parehas din, mas pulido lang tayo gumawa.

“Kasi dun, parang sampu lang yung tao sa set so isang direktor, tatlong AD [assistant director], yung AD, yun din yung PA [personal assistant] tapos isang lightsman, isang audioman.

“Maliit na maliit lang yung crew hindi katulad dito pag nag-taping ka parang isang daang tao yung nasa set.

“So dun wala kaming tents, mas independent ka, mas ikaw ang mag-aalaga ng sarili mo kasi wala akong PA dun, so ako talaga lahat, pati make-up.

“Merong make-up artist, parang memeykapan ka na lang sa network kasi isa lang ang network nila e, walang parang GMA at ABS. Isa lang.

“So pupunta ka dun, sasabihin mo ’eto po yung role ko ’eto po yung show ko, ’eto po yung sequence ko today so may papel sila, titingnan nila, tapos, ‘Ah okay, ito ang make-up mo today!’

“Very organized, very organized,” pagpuri niya.

BIRTHDAY GIFT. Birthday ni Bela noong May 3 at tinanong namin siya kung ano ang regalo sa kanya ng BF niyang si Neil.

Lahad niya, “Pinapili niya po ako kung ano ang gusto ko.”

Damit raw ang pinili ni Bela.

“Nag-shopping ako,” at tumawa si Bela.

“Yun lang talaga yung bisyo ko, e.

“Well, ang pinili ko River Island ’tsaka Topshop, kasi favorite brands ko ’yan, so yun lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi bags?

“Hindi ko rin kasi gagamitin, e. Lagi siyang nagreregalo ng designer bags dati, hindi ko ginagamit.

Gusto ko lang siyang tingnan minsan tapos binabalik ko [sa lalagyan].”

Magkano ang nagasta ni Neil sa damit niya?

“Hindi naman ako grabe mag-shop!

“Ano lang, binudget ko lang sa... medyo kuripot din talaga akong tao, binudget ko lang kasi feeling ko sobrang sayang kasi may sponsors naman ako, may endorsements naman ako.

“Umabot lang ako ng 20 [thousand].

“Hindi naman grabe na parang, ‘Whoa, gusto kong mag-shopping!’

“Very reasonable naman akong tao,” natatawa niyang saad.

SA PUSO NI DOK. Sa ngayon ay pinagkakaabalahan ni Bela ang Sa Puso Ni Dok na pagbibidahan nila ni Dennis Trillo sa GMA News TV sa July.

Sa GMA mismo ay hindi pa niya alam kung ano ang bago niyang show.

“Actually may binibigay sila sa akin dati, nung December pang-afternoon pero parang hindi ako pinayagan ng [GMA] Artist Center dahil sa role. So ’yon.

“Parang nakita nila, parang paulit-ulit na parang lagi na lang ganun so ayaw nila.

“Parang nagawa ko na before, parang hindi challenging.

“Maganda nga na pinipili na po nila na, ‘Okay, try natin iba naman.’

“So ’yon.”

FHM RANKING. Hindi raw alam ni Bela kung ano na ang ranking niya sa FHM para sa annual list nito na 100 Sexiest para sa taong ito.

Aniya, “Hindi, e. Hindi na rin ako nagpapa-vote.

“Kasi parang ang mahal mag-vote so yung fans ko, huwag na lang, kasi ’di ba, magpapasukan na...

“Bumili na lang kayo ng notebook kesa i-vote n’yo sa akin sa FHM.

“Hindi ko nga tinu-tweet yung sarili ko e, na, ’Please vote for me!’

“Kasi nga, parang, ’Bumili na lang kayo ng kailangan nyo.’”

Biniro namin si Bela na ang bait naman niya at napaka-concerned niya para sa mga fans.

“Hindi naman, kasi ’di ba, ano naman magagawa for me kung mag-number one ako?” makabuluhan niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN