Dingdong Dantes feels jittery over confrontation scene with Maricel Soriano in new soap: “Sobrang kinabahan ako.”

Dingdong Dantes on co-star Maricel Soriano in their new serye, Ang Dalawang Mrs. Real: “Ang kagandahan kay Ms. Maricel, she’s very supportive talaga. Bago ang take, kinakausap niya ko. Sinasabi niya na okay lang ‘yan... ganito, ganyan.”


Sa trailer ng Ang Dalawang Mrs. Real, may ipinakitang eksena kunsaan sinisigaw-sigawan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Ang pinakabagong primetime series ng GMA-7 ay mapapanood na sa Lunes ng gabi.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Dingdong sa presscon ng Ang Dalawang Mrs. Real sa Studio 7 ng GMA noong May 26, inamin ng aktor na isa raw yun sa mga eksenang medyo nailang siya.

Sabi nga niya, “Siyempre, isa yun sa mga eksenang sobrang kinabahan ako. Hindi ko alam kung paano gagawin.

“Pero sabi naman niya at yun ang kagandahan kay Ms. Maricel, she’s very supportive talaga. Bago ang take, kinakausap niya ko. Sinasabi niya na okay lang ‘yan... ganito, ganyan.

“Talagang gina-guide niya ako, tinutulungan niya ako.”

COPYCAT? Hindi pa man ipinapalabas Ang Dalawang Mrs. Real, may mga komento na ang iba, lalo na ang ilang netizens na tila kagaya raw ng tema ng The Legal Wife ang bago niyang primetime series.

The Legal Wife ay teleserye sa ABS-CBN na pinangungunahan ni Anegl Locsin at Jericho Rosales.

Ano naman ang masasabi ni Dingdong dito?

“Sa totoo lang, hindi ko naman po masyado... I’m not very much aware of how the story is going now.

“Pero siyempre, I’m sure naman, may tiwala naman ako sa ating mga writers, creative team that we will show something different naman po.

“Siyempre, hindi rin naman gusto ng audience manood ng dalawang istorya na magkasunod.

“So, we will make it a point na kung ano ang ipapalabas namin dito it will be something new and different,” pahayag niya.

TO FLIRT OR NOT TO FLIRT? Huwag nang sabihin ang estado niya bilang isang accomplished bachelor. Sa pisikal na anyo pa lang ni Dingdong, hindi naman kataka-taka kung maraming babae ang magkakagusto sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya hinaharap ang mga ganoong sitwasyon?

“Hindi ko alam, e. Basta ako, I will just be myself. Hindi naman ako nagpipigil, hindi naman ako nananadya,” kampante niyang saad.

Likas ba sa kanya, gaya ng ibang mga lalaki, ang pagiging “flirt?”

Sagot niya, “Hindi ko masabi. Pero para sa akin, tama lang.”

Noong wala pa si Marian sa buhay niya, kapag may mga babaeng “lumalandi” sa kanya, paano siya nagre-react?

“Minsan kasi parang hindi mo alam kung totoo o nagti-trip lang, so hindi mo alam. Malay mo baka for fun. Mahina akong maka-detect.

“Basta ako naman, ang tingin ko sa lahat, wala akong malisya.

“Mabuti ang tingin ko sa lahat ng intensiyon nila. Kahit sabihin pa nating nagbibiro o may ganung pakikitungo, para sa akin, all for fun lang,” paliwanag pa niya.

OLDER WOMEN. Sa Ang Dalawang Mrs. Real, mas malaki ang agwat ng edad nila ni Maricel.

Pero sa totoong buhay, hindi pa naman siya nali-link sa babaeng may edad sa kanya.

Hindi ba siya attracted sa older women?

Pagklaro ni Dingdong, “No, para sa akin beauty is ageless. Kumbaga, walang nile-label na tamang edad para masabing maganda ang isang tao.

“Kahit na ba she’s in her prime... basta maganda siya buong buhay niya.”

HAPPY FOR MARIAN. Madalas namang nakikita sa mga Instagram posts ni Marian ang mga pagdi-date nilang dalawa.

Kahit na sobrang busy nila pareho, nakakahanap pa rin sila ng oras para magkasama?

“Well oo, kasi, like ‘eto, nag-umpisa na ‘to, so magsusunud-sunod na ‘yan.

“It’s gonna be a busy year for us, kaya lahat ng pagkakataon na puwede naming makuha para makapag-usap, kinukuha na namin,” lahad niya.

Natutuwa naman daw si Dingdong sa bagong dance show ng girlfriend.

Sabi nga niya, “I’m very, very proud...

“Tamang timing lang at opportunity dahil alam naman nating lahat na isa yun sa mga bagay na gustung-gusto niyang gawin at love niya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just right na finally, mabigyan siya ng ganoon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN