Sarah Lahbati on keeping mum about her son with Richard Gutierrez: "WE NEVER DENIED HIM. We just wanted to keep our privacy."

Despite keeping silent about her first child with Richard Gutierrez, Sarah Lahbati said, “I just want to make it clear to you that from DAY ONE, we took care of him, loved him, protected him and gave him everything, until now.”


“WE NEVER DENIED HIM. We just wanted to keep our privacy.”

Ito ang naging paliwanag ni Sarah Lahbati kung bakit hindi niya kaagad inamin ang tungkol sa anak nila ng kasintahang si Richard Gutierrez.

Ang pahayag na ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account (sarahlahbati) kaninang umaga, June 2.

Lumabas kagabi, June 1, sa pilot episode ng reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez ang tungkol sa matagal nang napapabalitang anak nila ni Richard—si Zion.

Read: Richard Gutierrez finally admits: “Yes, I’m a proud father.”

Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko.

May ilang natuwa sa pag-amin nina Sarah at Richard.

May ilan ding hindi natuwa dahil tila nagamit umano ang isyu para sa programa.

Gayunman, sabi ni Sarah sa caption ng kanyang Instagram post: “Once and for all, I do not care about the hate tweets and all the ‘poor baby bakit ganito, ganyan.’

“I just want to make it clear to you that from DAY ONE, we took care of him, loved him, protected him and gave him everything, until now.

“WE NEVER DENIED HIM. We just wanted to keep our privacy.

“Oh well, I love my family and I’m extremely happy and blessed that we were able to finally share our life with everyone. Spread the love ❤️”

Sa unang episode ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez, na ipinalabas sa E! Channel, sinabi naman ni Richard na pinili muna nilang itago ang tungkol sa anak nila ni Sarah dahil, “We didn’t want to make Sarah’s pregnancy a tabloid circus.

“We get to share baby Zion to everyone with our own terms.”

Unang ibinalita rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa panganganak ni Sarah noong nakaraang taon.

Ngunit sa mga nauna nilang interviews ay kapwa itinanggi nina Sarah at Richard ang balita, at kalaunan ay tumanggi na silang sagutin ang mga tanong ng media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Source: Sarah Lahbati gave birth to baby boy in April


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN