Raymart Santiago congratulates daughter Sabina on Instagram

Kahit imbitado, mas pinili na ni Raymart Santiago na huwag nang dumalo ng personal sa dance recital ng anak na si Sabina dahil hindi naman daw niya ito makikita nang malapitan.


Halatang nangungulila sa kanyang mga anak si Raymart Santiago.

Noong Huwebes, May 29, nagkaroon ng dance recital ang panganay na anak ng aktor na si Sabina, na nag-aral ng hip-hop dance sa ilalim ng pagtuturo ng dance group na G-Force, sa Smart Araneta Coliseum.

Matatandaang inimbitahan si Raymart ng estranged wife niyang si Claudine Barretto na dumalo sa nasabing dance recital.

Ngunit ayon sa aktor, mas mabuting sa TV o sa video na lang niya ito mapanood dahil hindi naman daw niya makikita nang malapitan ang anak.

Matapos ang real-time updates ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Instagram, kaagad na nag-post si Raymart sa kanyang Instagram account, gamit ang isa sa mga litrato ng PEP, ng papuri sa kanyang anak.

Caption niya dito: โ€œmiss you so much my Sabina and congratulations.. Santino i love you ... from Papa ๐Ÿ˜Š.โ€

Nag-post din si Raymart ng isang video ni Sabina kasama ang iba pang bata sa dance recital.

Sabi niya, โ€œso proud of you sabina... I LOVE YOU.โ€

Kahit na binigyan na ng korte si Raymart ng visitation rights kina Sabina at Santino, hindi pa rin nito nagawang makita ang mga bata dahil, ayon sa kampo ni Claudine, ang mga anak nila ang ayaw makita at makasama ang kanilang ama.

Read: PEP EXCLUSIVE. Raymart Santiago facing visitation problems, according to source


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN