Daniel Padilla fulfills mom Karla Estrada’s dream

Tinupad ni Daniel Padilla ang pangarap ng kanyang ina na si Karla Estrada na magkaroon ng magarang bahay. Sabi ni Karla, “Dati, yung pinupunasan ko, inuupahang bahay ko lang, ngayon, bahay na namin. Naiyak ako, pero hindi ko ipinakita. Ganoon pala yung feeling, hindi ka na mangangamba.”


Tinupad ni Daniel Padilla ang pangarap ng kanyang ina na si Karla Estrada na magkaroon ng isang magarang bahay.

Ito ay sa pamamagitan ng pagreregalo ni Daniel ng isang Mediterranean house sa kanyang pamilya.

Tatlong taon pa lamang sa showbiz si Daniel ngunit nakapagpundar na siya ng bahay, na kailan lamang ay nilipatan nila at nagkaroon na ng house blessing.

Sabi ni Daniel sa The Buzz 15, “Kay Mama talaga ‘to. Yung sa akin, sa future pa talaga yun.”

Masayang-masaya naman si Karla sa pagsasakatuparan ni Daniel ng kanyang pangarap.

“Dati, yung pinupunasan ko, inuupahang bahay ko lang, ngayon, bahay na namin.

“Naiyak ako, pero hindi ko ipinakita.

“Ganoon pala yung feeling, hindi ka na mangangamba.”

May balitang umabot daw ng P40 million ang halaga ng bahay nila. Pero tinawanan lang ito ni Karla.

Sabi ng aktres, “Overacting naman yun. Parang Forbes Park naman!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN