Lauren Young "blown away" by Richard Gutierrez’s acting: "He freaks me out sometimes..."

Naniniwala si Lauren Young na makikita ng mga manonood ang kakayahan ni Richard Gutierrez bilang isang aktor sa kanilang pelikulang Overtime. “I have nothing but praises to say for him. Ibinuhos niya lahat. He’s very good,” sabi ni Lauren.


“He’s very good, he’s very professional.”

Ito ang pahayag ni Lauren Young tungkol kay Richard Gutierrez, ang leading man niya sa GMA Films movie na Overtime na magbubukas sa mga sinehan sa July 2.

Unang beses na magtatambal ng dalawa sa action-thriller movie ito na idinirek nina Earl Ignacio at Wincy Aquino Ong.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Lauren sa isang pocket press conference kaninang tanghali, June 2.

Paglalarawan pa ng Kapuso actress kay Richard, “I think Overtime is one of the perfect materials for him because it’s so dark.

“I mostly see him doing romance and comedy, and when I was like watching him, I was really blown away by him.

“I’m really excited for people to see him as an actor here, because he was so good.

"He freaks me out sometimes, na I was like, ‘Nakakatakot si Richard minsan.’

"That’s how good he was, he would freak me out.

“I’m really excited for him.”

Ginagampanan ni Richard sa pelikula ang role ni Dom Garcia, isang mystery guy na pumasok sa buhay ni Jody Amistoso (Lauren), na pagkatapos mapalapit sa dalaga ay kinabitan ito ng bomba sa katawan para sa katuparan niyang makapaghiganti.

Masasabi ba niyang nabigyan ng hustisya ni Richard ang kanyang papel sa pelikula?

Sagot ni Lauren, “He did.

"Ako naman kasi, it also helps me when my co-actor is very, very good.

"And I’m so happy with how I did my work here because I think he [Richard] gave me that little extra boost.

“And I think it’s a perfect film for people to see the actor in him.

“I have nothing but praises to say for him. Ibinuhos niya lahat. He’s very good.”

HAPPY FOR RICHARD’S ADMISSION. Kuwento pa ni Lauren, mali ang impresyon niyang baka hindi sila maging malapit ni Richard noong una.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He was actually fun.

“I thought that he was really a serious person, feeling ko ’di magsasalita.

“But when I started working with him, he’s very, very nice.

"He’s very funny. Actually, we just laugh on the set.

"I think we’re okay together.

"We’re not closest as friends... I’m closer to Sarah [Lahbati, Richard’s girlfriend].

"We’re not great friends, but I’m comfortable with him."

Patuloy niya, “Pagdating naman sa work ethics niya, he comes on time, he comes prepared.

"He even brings the costumes, he knows what he’s supposed to look like for his character."

Sumasama rin daw si Richard sa brainstorming ng kanilang mga direktor para makapagbigay ng input.

“He’s very creative,” dagdag pa ni Lauren.

Inusisa rin si Lauren sa pag-amin ni Richard na may anak na sila ni Sarah.

Read: Richard Gutierrez finally admits: “Yes, I’m a proud father.”

Saad niya, “I’m very happy for them.

"I was talking to Sarah kagabi, she’s a very strong woman, and I think it’s really all about timing din naman.

“And we all should respect the privacy they wanted before.

“And now they’re sharing this part of their lives, I think it’s a big thing to choose to share din.

"I’m happy for them."

Excited na rin daw siyang makita ang anak nina Sarah at Richard na si Zion.

FIRST LEAD ROLE IN A MAINSTREAM MOVIE. Ang Overtime daw ang kauna-unahang lead role ni Lauren sa isang mainstream movie.

Sabi niya, “I usually do indie sa mga festivals, so I’m new with working on mainstream.”

Malaki raw ang pasasalamat niya sa GMA Films na nakipagsapalaran at binigyan siya ng malaking role sa upcoming movie na hindi isang romance o comedy movie.

“I think they took a big risk because they did something different, action-thriller.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s not much romance, just tiny bit lang.

"Pero something super different and something na feeling ko magugustuhan ng tao, kasi medyo nagbabalik na ang action.

“I think it’s just a big risk and they trusted me enough to be part of that risk.”

Dugtong pa ni Lauren, “I like the story, I think it’s very different.

"In a way, parang Hollywood, ’di ba? Mahilig sila sa ganyan—chasing, bomb threats.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN