Zanjoe Marudo uneasy about wedding talks: "Parang malayo pa naman, parang nakakailang pang pag-usapan."

Zanjoe Marudo is asked, "Mas nakaka-addict ang ganda, Pokwang o Bea?" His reply, “Sige si Pokwang, kasi si Bea, nakakahumaling, e.”


Natatawang ibinalik ni Zanjoe Marudo kay Toni Gonzaga ang tanong nito sa The Buzz 15 kahapon, June 1, kung bakit hindi pa ito nagpu-propose ng kasal sa girlfriend na si Bea Alonzo.

“Kayo muna,” sabi ni Zanjoe, na ang ibig sabihin ay si Toni at ang longtime boyfriend nitong si Paul Soriano.

Dagdag pa ng aktor, “Kumbaga, hindi naman yun ang pinaghahandaan ko.

"Hindi yung proposal or kasal, hindi ko sinasabing hindi importante, ha.

"Importante yun, minsan lang mangyayari yun.

“Pero ngayon, ang pinaplano ko, pinaghahandaan ko sa utak ko, yung after.

"Kumbaga, yung paglagay sa tahimik at paano bibigyan ng magandang kinabukasan yung bubuuin mong pamilya.

“Yung proposal, kasal, madali na ‘yan kapag malapit na.

"Mas maganda kung bigla mo siyang maisip kung paano."



TYING THE STRINGS. Nagbalik-tanaw si Toni na noong ikatlong anibersaryo nina Zanjoe at Bea bilang magkasintahan, biglang lumuhod ang aktor habang nandoon ang mga kaibigan at ilang pamilya nila.

Akala raw ng lahat ay magpu-propose na siya, pero yun pala ay itinali lang niya ang sintas ng kanyang sapatos.

Natatawang sabi naman ni Zanjoe, “Kasi natanggal ang sintas ng sapatos ko!

"Pagtingin ko, tumakbo sila. Bigla silang tumakbo, akala magpu-propose ako."

Paano, nag-speech pa raw siya bago siya biglang lumuhod?

“Ayun, nakita ko tumakbo siya [Bea]. Buti na lang hindi ako nag-propose,” natawang kuwento pa niya.

Noong tumakbo si Bea, ano ang nasa isip niya?

“Hindi, kasi yung mga kaibigan namin, pinagsasalita nila ako, wala akong masabi, wala akong maisip.

"Parang nag-thank you lang ako sa mga pumunta.

“’Tapos yun, inisip ko lang gawin yun para hindi na ako magsalita.”

FARFETCHED. Napag-uusapan na ba nila ni Bea ang tungkol sa kasal? Kung saan sila titira, ilang anak?

Sagot ni Zanjoe, “Mas pinag-uusapan namin siguro kapag merong ikinakasal, mga kaibigan na ang ganda ng kasal nila.

“Sa amin, parang nagkakailangan pa kung papaano paplanuhin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang malayo pa naman, e, parang nakakailang pang pag-usapan.

“Alangan naman na ’O, paano kapag ikinasal tayo, anong gusto mo?’ Parang ganun.”

Sabi naman ni Toni, ang ganoong mga bagay ay sa lalaki talaga ang initiative at naghihintay lang ang babae.

Hirit naman ni Zanjoe, “Naghihintay ka lang ba?”

Sagot ni Toni, “Speaking in behalf of Bea, ang babae talaga, naghihintay lang ng signal sa lalaki, mga pahiwatig.”

Tanong naman ni Zanjoe kay Toni, “May sinabi ba siya sa ‘yo?”

Sagot ni Toni, “Secret ko na yun.”

NO TIMETABLE. Pero kailan mararamdaman ni Zanjoe na iyon na ang tamang panahon para magpakasal sila? Dalawa, tatlong taon pa?

Tugon niya, “Hindi ko kayang bigyan ng saktong panahon.

"Siguro kapag dumating talaga ang time na malay mo, bigla kong maisip, bigla akong nagkaroon ng lakas na loob na tanungin o mag-ask ng permiso sa pamilya niya.

“Siguro kapag handa na akong tumanggap ng sagot ng pamilya niya.

"Hindi ko yun sisiguraduhin, dapat, oo na."


Si Bea na ba ang huling babae sa buhay niya at gusto niyang pakasalan?

“Sana, sana,” sagot ni Zanjoe.

“Parang noong isang beses, may nagtanong sa akin. ’Pang-ilang girlfriend mo na si Bea?’ sabi sa akin ng mga kaibigan ko.

“Sabi ko, panghuli.”

BEA VS. POKWANG. Kung si Bea ang “legal” si Pokwang naman ang “illegal wife” ni Zanjoe dahil sa pelikula nilang Illegal Wife.

Ayon kay Zanjoe, sobrang saya ang shooting nila ng pelikula.

“Sobrang saya, sobrang saya ng pelikula namin, grabe!

"Noong sinu-shoot pa lang namin ‘to, tawa kami nang tawa bawat eksena.

“Kami nina Pokwang, nila Direk [Tony Y. Reyes].”

Isang mabilis na mga tanong naman ang huling ibinato ni Toni kay Zanjoe.

Pokwang o Bea, sino ang mas masarap magluto?

“Pokwang.”

Mas nakaka-addict ang ganda, Pokwang o Bea?

“Sige si Pokwang, kasi si Bea, nakakahumaling, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas sweet maglambing, Bea o Pokwang?

“Bea.”

Mas malambot ang kamay, Bea o Pokwang?

“Bea, halata naman.”

Mas matamis humalik, Bea o Pokwang?

“Matamis?”

Matamis pa bang humalik si Pokwang?

“Si Pokwang ano, e, may asim pa naman.

"Kapag hinahalikan ko siya, nakasarado.”

Mas gusto ba niya, open-mouth? Mapangahas siya.

“Ewan ko dun, palaging tinitigasan!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN