Pokwang on finding Mr. Right: "Pagka naman true love, mararamdaman mo naman ’yan, alam mo naman kung ano talaga ang habol sa iyo."

Pokwang’s debutante daughter Rie Mae wants to meet her Japanese biological father she has never seen except in picture. Pokwang is resigned to the inevitable. Meanwhile, her lovelife can wait until Ria Mae graduates. “Kunwari graduation ngayon... kinabukasan rampa agad!”


Nanatiling loveless ang comedienne na si Pokwang.

Bagamat sinasabi nitong hindi na siya choosy sa pagpili ng lalaki, mayroon pa raw siyang sinusunod na standard.

Saad ng Kapamilya comedienne-TV host, “Siyempre, pipili ka rin naman, kahit hindi guwapo basta may abilidad sa buhay at may takot sa Diyos. Yun ang importante.”

Hindi kaya magiging mahirap para sa kanya ang makahanap ng lalaking magmamahal nang tunay dahil kilala siyang personalidad, sikat, at mayaman?

Isa ngang halimbawa ang pinakahuling kabiguan ni Ai-Ai delas Alas sa lalaking pinakasalan na binigyan pa niya ng mamahaling sasakyan.

Sabi ni Pokwang tungkol dito, “Ay, hindi naman masyado.

"Pagka naman true love, mararamdaman mo naman ’yan, alam mo naman kung ano talaga ang habol sa iyo.

“Kung alam mong may habol lang sa iyo, e, di huwag na lang.”

Ang goal daw ni Pokwang ay makapagtapos muna ng pag-aaral ang kanyang anak na si Rie Mae, na ngayo’y kumukuha ng Culinary Arts sa isang eskuwelahan sa The Fort.

Kapag napagtapos na raw niya ang kanyang anak, doon na siya hahanap ng pag-ibig.

Sabi pa niya, “Kunwari graduation ngayon... kinabukasan, rampa agad!” sabay tawa niya.

Wala naman daw magiging problema sa anak niya kung sakali mang magkaroon siya ng boyfriend.

“Ay, walang problema sa anak ko.

"Ang sinasabi lang niya, ’Make sure na hindi ka syusyunga-sunga [tatanga-tanga], ha? Baka mamaya palpak ’yang makuha mo kagaya nung mga nangyari before.’

“Siyempre, kapag nakikita ko ang anak ko na nagsasalita ng gano’n, mas naeengganyo akong maging matalino, mas matino sa pagpili.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang sa presscon ng pelikulang My Illegal Wife kahapon, June 2, sa Dolce Latte Coffee and Resto.

DAUGHTER’S DAD. Kailan lang sinabi ni Pokwang na nais niyang makilala ni Rie Mae ang Japanese father nito.

Kaya naman pinaghahandaan na ng komedyante ang araw na maghaharap ang dalaga niya at ang biological father nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yun nga lang, parang balewala lang daw sa anak niya kung makilala man niya o hindi ang ama.

Read: Pokwang embarks on search for daughter’s Japanese dad: “Iba pa rin na malaman mo kung saan ka nagmula para buo ka.”

Ngunit sa interview na ito ng PEP, ibinalita ni Pokwang na nagpahayag na ng pagnanais ang anak na makapunta sa Japan.

Kuwento niya, "Nagulat nga ako, parang two weeks ago, gusto raw niyang pumunta ng Japan.

“Teka, sandali, may U.S. tour kami nina Pooh, K Brosas, Chokoleit sa October.

"Masasama ko siya bilang sem-break.

“Sabi niya sa akin, gusto raw niyang mag-Japan. Hopefully, end of this year.

“Okey lang naman.”

Gaya ng sinasabi nang madalas ni Pokwang, mas gusto niyang magharap si Rie Mae at ang ama nito para malaman ng anak ang kanyang pinagmulan.

Saad pa niya, “Gusto lang siya talaga makapunta ng Japan para makapamasyal, makita yung culture doon, bilang makita ang kalahati ng pagkatao niya bilang isa rin naman siyang Japanese.”

Nasa tiyan pa lang daw ni Pokwang si Rie Mae nang maghiwalay sila ng Japanese father nito, kaya hindi nakamulatan ng anak ang tatay nito.

Ang reference lang daw ng anak niya sa pagkilanlan sa tatay nito ay ang larawan nitong naiwan kay Pokwang.

Posibleng makakuha ng Japanese citizenship si Ria Mae lalo’t isa itong batas sa Japan.

Kakayanin ba ni Pokwang na mawalay ang anak kung gugustuhin nitong manirahan muna doon para mag-aral pa o magbakasyon nang matagal?

Sagot niya, “Okey lang, basta para sa edukasyon, hindi ko siya hihigpitan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN